Part 6

793 49 2
                                    

IT WAS a full five seconds bago ito nagbuka ng mga labi. "I'm sorry."

Awtomatiko naman na nahaplos ni Maia ang bahagi ng katawan niya na tinamaan nito. "Hindi mo naman siguro sinasadya."

"Hindi ko talaga napansin. It was already late nang makita kong may tao akong masasagasaan."

"Then you're forgiven," nakangiti nang sabi niya. Wala naman siyang maisip na dahilan para ikagalit pa. Maliban na lang siguro kung gusto niyang mag-exaggerate. Pero para ano? Kahit naman ang sakit sa balakang niya ay papalipas na.

Gumanti ito ng ngiti sa kanya. and after a few moments of meeting her eyes, bumaba pa ang tingin nito. Noon siya biglang na-conscious sa anyo niya. Para na rin siyang nakahubad lalo at dahil sa biglang pagbangon niya nawala na sa tamang lugar ang bikini top niya. It fell on her waist kaya naman halos wala na siyang naitago sa kaharap!

Tumingkad pa ang namumula na niyang mukha. At sigurado siyang hindi ang pagkakabilad sa araw ang dahilan niyon.

She grabbed her towel at mabilis na ikinanlong doon ang katawan.

"I'm Drigo Valderama," kaswal na pakilala nito.

Napaangat uli siya ng tingin dito. Sa mga mata niya ito nakatingin ngunit tila may kakaibang kislap sa mismong mga mata nito. Hindi niya alam kung mapapahiya siya. But she could tell na nagawa na rin nitong pagmasdan ang halos hubad niyang katawan.

"I'm Maia Monteclaro," aniya at pagkuwa ay bumuntong-hininga. "What a way of meeting someone."

Tumawa ito nang mahina. "Yeah. Very unique."

They had a handshake at doon niya naramdaman ang sinseridad nito sa pakikipagkilala. Nang mabawi niya ang kamay ay tumindig na siya. Pasimple na lang niyang hinablot ang nakalas nang bikini top. Naitapis na niya nang mahigpit ang tuwalya sa katawan niya.

"It's time for me to go. Masyado na akong masusunog dito," sabi niya.

"Wait," habol nito. "Where do you stay?"

"Diyan lang," malabong sagot niya at nagsimula nang humakbang.

"Are you with someone? Or friends?" kaswal na tanong nito. Nagawa nitong makaagapay sa lakad niya.

"Sige. Mauna na ako sa iyo," sa halip ay sagot niya. Mas malalaki pa ang naging hakbang niya at kung hindi lamang niya iniisip na magiging katawa-tawa siya ay baka nagtatakbo na siya.

Tumuloy na siya sa cottage niya. Mabilis siyang nag-shower at nang nagbibihis na ay saka lang niya naalalang mag-almusal. At habang nag-iisip kung lalabas siya uli o magpapa-room service ay muli na namang pumasok sa isip niya ang estranghero.

Hindi niya alam kung bakit. While on shower ay ang lalaki na ang nasa isip niya. Bakit parang ayaw siyang tantanan ng anyo nito? How could she be so much affected by a mere stranger?

Oh, well, not really a stranger. He was Drigo Valderama, according to him.

ILANG minuto ring pinagmamasdan ni Drigo ang frontage ng resort na pinasukan ni Maia. Mayroong isang ngiting sinusupil niya sa kanyang mga labi. At nang matiyak kung saang cottage tumuloy ang babae ay humakbang na rin siya papasok sa resort na iyon.

She could be married.

Pero ang isip niya mismo ay tumatanggi sa ideyang iyon. Umakyat siya sa cottage na inuupahan niya at piniling maupo sa sofa'ng kawayan sa terrace. Nakatuon ang tingin niya sa katapat na cottage. Nakapinid iyon pero ang imahinasyon niya ay gumagana kung ano ang imaheng makikita sa loob.

It was Maia's cottage.

An image of a lady, stepping out of the shower dripping with water conjured his mind. And he wanted his imagination not to be erotic kaya mas pinili niyang bilisan ang galaw ng isip. Now, Maia was beautiful in her summer dress and looked very fresh.

And she was alone.

Hindi niya gustong isiping may kasama ito sa islang iyon. Dahil kung mayroon, hindi ito dapat nag-iisa sa sunbathing. Besides, sa kabila ng pag-iwas nito, there was an air of confidence in her move.

Maybe she was just cautious. Mahirap nga namang magtiwala sa isang estranghero.

"But I'm a stranger no more. I introduced myself," bulong niya sa sarili na para bang nagbibigay katwiran iyon upang hindi siya iwasan ni Maia sa susunod na magkaharap sila. At sa isip niya, tiyak na tiyak siyang magkakaroon pa ng pagkakataon na magkita silang muli.

He thought of a way. At pagkalipas lang ng ilang saglit ay napangiti na siya sa ideyang pumasok sa isip.

Tumindig siya at idiniin ang mga palad sa pasamano ng terasa. Nakatitig pa rin siya sa katapat na cottage. Para bang sa titig na iyon ay magagawa niyang mabuksan ang pinto niyon at makita ang babaeng nakabighani sa kanya.

Aabutin marahil siya ng pagtanda subalit hindi niya makakalimutan ang pagkakakilala nilang iyon. What a remarkable meeting! And maybe it became more remarkable dahil sa ekspresyong nasa magandang mukha nito.

She had big expressive eyes. She had a tan na bumagay sa makinis na kutis nito. Her mouth was full at parang hindi pagsasawaang halikan. Then he remembered her blushing.

He wanted to be a gentleman at huwag tingnan ang kagandahang nasa harapan niya. But she was really beautiful. Her exposed breasts were just the right size. Parang hinubog iyon upang damhin ng kanyang mga palad. He let his eyes lingered on those twin beauty bago binawi ang tingin. He knew, he had stared enough at kung magtatagal pa ay baka hindi na basta tingin na lang ang gawin niya.

How could a woman blush naturally kung gayong halos malaki pa ang panyo kaysa sa suot nito?

It was intriguing ngunit hindi na nag-isip si Drigo ng sagot sa tanong na iyon. What he knew was he had been tantalized and excited.

And he wanted to see her again.

Pumasok na si Drigo sa cottage at tumuloy sa bathroom.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - BORACAY 3 - Island Adventure, Island MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon