"No. It's Maria Natalia."

"Natalia," ulit nito sa banayad na paraan. He made her name sounded like Natali-ya. "It's like a strong confident woman. Your name suits you."

Napangiti na lang siya. "No one calls me Natalia except my mother when she wanted to emphasize what she was saying."

"Then I'll call you Maia," anitong tila tumalon sa isang konklusyon. "Hindi mo rin naman ako mapipilit na tawagin kang Miss Monteclaro. Imagine people addressing each other in formal manner when we are here in a place where everything fun happens," pabiro pang dagdag nito. "Call me Drigo, Maia."

"Drigo," talima naman niya.

"I didn't think my name would sound good from your lips," tila nanunudyong sabi nito at pagkatapos ay iginalaw nito ang ulo upang silipin ang loob ng cottage niya. Ni hindi nito tinangkang itago sa kanya ang ginawa nito. "Are you alone?" he asked.

"Bakit?" ganting-tanong naman niya.

"Since you don't have a coffee, I would like to invite you to somewhere where I can have my coffee and you can sip you juice or iced tea, maybe."

Napatawa siya nang mahina. "Hindi pa nga ako nag-aalmusal." Nasabi na niya iyon bago niya napag-isipan kung dapat nga ba niya iyong sabihin o hindi. At naisip niyang hindi nga yata niya dapat na sinabi iyon. nakita niya si Drigo na kumislap ang mga mata.

"Perfect timing," may siglang sabi nito. "It's already past ten. Why don't we have brunch somewhere? Tutal ay parang hindi rin naman ako makapaghihintay ng oras ng tanghalian? Come on," insistent na aya nito na para bang matagal na silang magkakilala.

"Hindi mo pa nga alam kung may kasama nga ako o wala," amused na sabi niya.

Saglit na kumudlit ang pangamba sa mga mata nito. Ngunit mas mabilis namang bumalik doon ang masayang kislap.

"Are you with your husband?" direktang tanong nito.

"Fishing for information?" nangingiting sagot niya. Maia, you're flirting!

"How about a boyfriend?" he asked again then sighed. "Are you married or single? Or single and available?"

"I didn't expect someone in this island would ask me that in a very military way." Hindi na niya itinago ang pagngiti. "Why it seemed important to you to know?"

"Because I'm inviting you out," he answered boyishly.

Sa palagay niya ay may mina ng karisma ang lalaki. Dahil kung wala, baka kanina pa niya ito pinatikim ng katarayan niyang for seldom occasion lang kung ilabas niya. And for finale, no matter how stereotypical, she would close the door right in his face.

Pero hindi niya ginawa. Sa halip, pinagkrus niya ang dibdib at tinitigan ito. "How about you? Are you alone? Are you married or single? Or single and available?" gagad niya sa mga tanong nito sa kanya kanina.

He flashed another charming smile. "Yes, my dear. I'm alone and very much single and available." He made the last three words with emphasis.

"Madaling sabihin iyan," wika niya.

"But of course. In my case, I always give that information in sincerity especially now that I'm inviting you."

"Bakit?"

"I'm interested in you," prangkang sagot nito.

Sumandal siya sa hamba ng pinto. "Pang-ilan na ako sa mga babaeng naging interes mo mula nang magbakasyon ka rito?"

"I've been here for four days. Marami na rin akong napasyalang bar at halos masunog na rin sa kapapaligo sa dagat. Every morning, I find jogging along the shore great. But when it comes to woman, ikaw lang ang pinag-ukulan ko ng interes."

You're also interesting. Pero hindi niya iyon isinatinig. "You know how to answer."

"Would that mean you accept now my invitation?"

"Well, I guess hindi naman iyon masamang pagbigyan," nakangiting sabi niya. "Kaya lang baka magsisi ka. Malakas akong kumain."

Napatawa ito. "Hindi halata, Maia. I remember all your curves. No word could describe them precisely but perfect." His gaze lingered on her face before it slowly moved down to her neck. Bumaba pa iyon at hindi niya tiyak kung nanatili lamang ang tingin sa bahagi ng katawan niyang hindi na nagawang sakupin ng roba.

Magkakrus pa rin ang mga braso niya at dahil doon ay parang lumalim pa ang cleavage niya. There was nothing beneath her robe. And she felt her twin peaks slowly reacting to his gaze.

"I can't invite you in," mabilis na sabi niya. "But you may wait here." At tumalikod na siya.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - BORACAY 3 - Island Adventure, Island MagicHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin