Steady lang na nakatayo si Sled habang sumasayaw pa rin sa harapan niya ang babae. Tiningnan niya lang ito.


"Are you deaf?" iritableng tanong ng babae.


"Are you bitch?" emotionless niyang tanong.


"H-hey! I am whut?!" at kumalas ito sa pagkakahawak sa balikat ni Sled. Tila nawala ng kaunti ang kalasingan niya sa sinabi ng binata.


"I thought I am the deaf here but I'm wrong. You are just not a bitch. If I'm not mistaken... you are a celebrity, right? If yes... please take care of your name. It might be ruin whileyou're flirting. Excuse me."

tinalikuran niya ang babae na nakatulala. Dumeretso siya sa hagdan papunta ng second floor at hinanap ang table kung saan naka-upo si Cyril.


"Oh? Kararating mo pa lang dikit na yang kilay mo?" pangaasar niya dito.


"Wag mong dagdagan ang badtrip ko sa babaeng yun." sabay turo sa babaeng nasa baba at sumasayaw ng mag-isa.


"Oo nakita ko. Grabe ka dude. Kahit simpleng sakay nalang sa trip niya di mo pa nagawa? Hot pa naman." bakas ang panghihinayang nito sa ginawa ni Sled.


"Eh bakit di mo puntahan? Ayoko sa kanya kaya tapos."


"Edi umupo ka na. Dakdak ka ng dakdak di na lang mag-enjoy.."


Umupo naman si Sled at kinuha ang isang baso at sinalinan ng vodka.


"Anong plano mo ngayon?" tanong ng kaibigan sa kanya.


"Plano saan?" at ininom ang vodka. Bottom straight.


"Ngayong gabi."


"Wala. After this. Uuwi na ako." simpleng sagot niya.


"ANO?! Sled naman... kahit isang babae lang. May kilala akong babae. Maganda, Sexy at Hot. Promise. Sulit yun dre!" pangungumbinsi niya sa kaibigan.


"Sabi mo magcecelebrate tayo diba? Kailangan ba ng may babae?"


"Dude! You are Sled Lancer Laurent! One of the richest bachelor in town!! Hindi ka pari! Jusko naman dude!" napa-facepalm na lang si Cyril sa tinuran ni Sled.


Wala na kasing ibang inisip si Sled sa ngayon kundi ang kagustuhan na maihiganti ang kanyang mga magulang kaya todo kumbinsido si Cyril na kahit sa gabing ito ay makakalimutan ni Sledang galit nito.


"Alam mo Cyril kung hindi ko lang iniisip na sa isang linggo lagpas sampu ang nakakama mo talagang iisipin kong bakla ka. You're such a nagger." at nilaklak na naman nito ang vodka sa baso niya.


"Eh kasi naman dude. Di ba natitigang yang si little sled? Bored na yan for sure! Gamitin mo naman kahit minsan.." sabay hagalpak ng tawa.

Killer PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon