2.1

439 35 14
                                    

 

 

--

this is dedicated to my kambal <3 waaa imissyousoomuch kambal :* 

--

 

 

Dara’s POV

 

 

Dalawang linggo na ang lumipas mula nung magdrama si Bom tungkol kay tabi and as Usual ok na naman ulit sila, mga tao talaga bulag sa pag-ibig.

Kasalukuyan akong nakatamabay sa counter ng Sweet Goodies bakeshop, nag-aantay ng oras ng shift ko. At habang naghihintay eh binasa ko muna ang book na Hiniram ko sa kaklase ko sa english 3 na si Jhoy The Wedding ang pamagat na isinulat ng popular at paborito kong writer na si Nicholas Sparks, nang biglang masagap at marinig ko ang mga sentimyento ng mga ka Trabaho ko, Tss kakatapos kung pa nga lang pakinggan ang mga drama ni Bom two weeks ago eto na naman ako nakakarinig na naman ng mga sarit-saring mga hina-nain ng mga babaeng sawi sa pag-ibig.

Ang sabi nya mahal nya ako. Pero ilang buwan pa lang may iba na syang babae! Nangako sya sa akin noon na magbabago na sya dahil pinatawad ko na siya. Pero anong ginawa nya? Niloko pa rin nya ako! Walanghiya talaga ang mga lalaking iyan! Puro nalang pasakit sa mga babae ang hatid nila. Mamatay na sana silang lahat at masunog sa impyerno ang mga kaluluwa nila”

Amen” pabulong na nasambit ko sa mahabang sentimyento ni Narda. At ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.

I love him ibinigay ko sa kanya ang lahat sa akin dahil mahal ko talaga sya, isinuko ko pa ang bataan ko para lang mapatunayan sa kanya peroo.. pero..”

Pero nang makuha nya na ang bataan mo, eh hayun itsapwera at nilayasan ka na” Pabulong na dugtong ko sa sasabihin pa sana ni Narda.

Hindi ko nasabi iyon dahil lang sa cynic ako o bitter dahil wala akong love life gaya nga ng sinabi ko, I’ am not hoping that someone would love me, sakit lang yan sa ulo!. And I don’t want to be like them na iniiyakan ang pag-ibig kala mo naman mabubusog sila jan.

Pero mahal ko talaga sya eh, baliw na ata ako sa pagmamahal ko sa kanya” patuloy na panguy-ngoy at drama ni Narda.

Hay minsan din talaga ang mga tanga at OA ng mga kabaro ko.

A Time To Love [OnGoing...]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon