Dati ay hindi ko ipagkakailang ganoon din ako, ngunit nang nakaluwag-luwag na, sinamantala ko na rin ang libreng lunch. Masasarap din ang luto sa cafeteria na pwedeng pantayan ang mga pagkain sa Filipino restaurants na may kamahalan ang tinda.

"Chantal!" ngiting bati sa akin ni Ma'am Sofia, ang manager ng cafeteria. Nakita kong nakahanda na ang pagkain ni Xaiver sa isang trolley.

"Good afternoon! Nandito na po ba lahat?" tanong ko saka sinuyod ng tingin ang trolley. Mayroon kasing takip ang mga plato kaya hindi ko sigurado.

"Oo naman. Handang-handa na. Two servings of lunch, 'di ba?"

Tumango ako at ngumiti. "Thank you po, Ma'am Sofia," sabi ko saka inabot ang meal plan na ginawa ko kanina. "Ito na po pala 'yung hanggang katapusan. Bigay ko na lang po 'yung pang next month kapag nagawa ko na."

"Ayon! Itatanong ko pa lang sana," natatawang sabi ni Ma'am Sofia at agad na tinanggap ang papel. "Thank you! Pinapadali mo talaga ang trabaho namin dito."

I chuckled at that and lightly shook my head. "Wala pong problema," sabi ko. "Balik na po ako sa office at baka nandoon na ang bisita ni Sir Xaiver."

Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa ay pinasadahan ko muna ng tingin ang mga ulam nakahanda para sa mga empleyado. May iba't ibang klaseng mga putahe gaya ng nakagawian. May soup, pirito, sinarsahan, at purong gulay na ulam para sa mga vegan. Aside from those dishes, mayroon ding dessert na leche flan.

Once done checking all the dishes, I quickly pushed the trolley out of the cafeteria and went up to the executive department. Saktong oras na ng lunch, pero para makasiguro ay pinindot ko ang intercom upang makausap si Xaiver.

"Yes, Chantal?" Xaiver answered right away with his low, quiet voice.

"Your lunch is ready, Sir. Ipapasok ko na po ba?"

"Yes, please."

"Okay po."

Muli kong pinindot ang intercom para patayin 'yon. Nagsenyasan kaming dalawa ni Joseph na maghihintayang bumaba para kumain ng lunch bago ako tuluyang pumasok sa opisina.

Xaiver seemed to be finalizing some papers as he was still on his desk. He quickly signed at the bottom of every page at the speed of lightning. Agad ko ring iniwas ang tingin sa kanya at tinungo ang small lounge area sa loob ng opisina niya. I placed all the plates on the round dining table before taking off all the covers.

As always, Xaiver's lunch was like a very expensive meal at a 5-star hotel. He was going to have steak, mashed potato, and sautéed broccoli for his lunch. The same set was also prepared for his friend, or whoever would join him for lunch.

Pagkatapos kong ihanda ang mga pagkain, lumapit ako sa mini fridge kung saan nakalagay ang mga paborito niyang inumin. I grabbed two bottles of water and cans of Coke zero. Hindi siya mahilig sa masyadong matamis, but he loved drinking soft drinks when eating lunch. Kaya naman ang walang lasang Coke ang gusto niya.

Once I was done with everything, I glanced at Xaiver again who was still working on his table. Not wanting to disturb him, I quietly pulled myself away from his office. Hindi pa nga lang ako nakakalagpas sa kanyang lamesa ay muli siyang nagsalita.

"Where are you going?" Xaiver asked, and I heard the click of his fountain pen.

Mabilis ko ulit siyang nilingon. Nilapag niya na ang fountain pen sa lamesa saka tumayo. He loosened his tie and removed his coat before draping it behind his swivel chair. His eyes were all on me while folding his sleeves up to his elbows.

"Uhm, magla-lunch na po sana..." nag-aalangan kong sagot. "May ipapagawa pa po ba kayo, Sir?" tanong ko at may naisip na sigurong iuutos niya sa akin. "Ipapasundo ninyo po ba sa lobby ang bisita ninyo?"

Play PretendWhere stories live. Discover now