7th DROP: MY CHANCE

Start from the beginning
                                    

"Pure love tears? Ano 'yun? Manahimik ka nga at makinig sa'kin."

Huh? Hindi s'ya ganun? Sayang may mga tao pa naman akong naisip na mag bibigay sakin ng pure love tears eh.

Nanahimik lang ako..

"Dito sa land of chances, maraming paraan para magkaro'n ka ulit ng pagkakataong mabuhay pero hindi ibigsabihin no'n ay magiging madali ang lahat. Ginagawa ito para malaman mo kung ano ba talaga ang value ng buhay at pahalagahan mo ito sa susunod na bigyan ka ulit. Para sa misyon mo, gusto namin dito sa spirit world na ipakita mong may buhay ka pang uuwian sa lupa. Kumbaga dapat mong patunayan na magiging masaya ka sa buhay na uuwian mo. Sounds simple, right? Pero ang dapat mong ayusin ay hindi lang 'yung sarili mong buhay kun'di pati na rin yung relasyon mo sa mga tao sa paligid mo particularly sa asawa mo para magkaro'n ka ng life that is worth living," mahabang paliwanag niya.

"Naku, 'yun lang naman pala eh. Mabilis lang yun!"

"Good. Sa loob ng 60 days dapat hindi mo mapuno ng luha 'yang kwintas na binigay ko sayo. Kasi kung mapupuno 'yan ng luha ibig sabihin ay nahihirapan ka kaya ka umiiyak."

"So hindi pala 'to para sa pure love tears?" Sabi ko habang nakahawak sa kwintas.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo 'yun hah?" Sabi n'ya habang nakakamot sa ulo nya.

Hehe.. napakakulit ko pala.

"Magkakaroon 'yan ng luha kapag nagkapag produce ka ng sadness tears na lagi mong nilalabas kapag nasasaktan ka. Tulad ng sabi ko kanina, dapat hindi 'yan mapuno. Kapag napuno yan sa loob ng 60 days, without any words, mamamatay ka."

Huwaaatt? Seryoso ba sya?

"Eh gaano ba kadaming luha ang kailangan para mapuno 'to?"

"Para sayo.. 5 drops of sadness tears nalang para madami-dami. Karaniwan kasi nyan 3 drops lang ang ibinibigay pero dahil alam kong iyakin ka.. ginawa ko nang 5."

Okay.. alam niyang iyakin ako. Very good.

Pero parang may kakaiba eh. May familiar sa kaniya na hindi ko madistinguish kung ano yon.

Kailangan hindi ako umiyak ng 5 times sa loob ng 60 days? Kaya ko ba 'yun?

"Matanong ko nga, ano ka ba sa past life mo?" Tanong ko.

Napahinto siya saglit at sinalubong ng mga kulay brown niyang mata ang mata ko.

Yung titig na 'yon..

"Bakit mo naman 'yan naitanong?" Tanong niya pabalik.

"Uhh.. ano lang.. kasi parang kilalang kilala ko 'ko hindi kaya magkakilala tayo sa past life mo? "

"Hindi ko alam ang past life ko at hindi naman palaging tao ang past life ng mga spirits kagaya ko. Isa pa, kilala kita kasi binabantayan ng mga guardian spirits kagaya ko ang mga tao kayaga mo. Gets mo?"

Uhh.. sige.

Tumango ako.

"Mabalik tayo.. dapat walang makaalam ng tungkol dito kung ayaw mong mamatay ka na agad."

"Ang kailangan mo lang naman ay mapatunayan mo sa'kin, sa mas nakakataas sakin na may buhay kang masaya, hindi katulad ngayon sa ganong paraan kasi mas mapapanatag kami na mas mabibigyan mo ng halaga ang buhay mo."

"Bakit ba kasi kaylangan pa yun?!" Reklamo ko.

"Kailangan magbigay ka ng rason na buhayin ka pa."

Ganon pala..

"Pero dahil mapilit ka, sige. Dalhin natin sa lupa 'yang fighting spirit mo at will to live. Mabilis lang naman matandaan yung misyon mo eh 'di ba? May tanong ka pa?"

Umiling ako.

"Okay, kung gano'n nga.. Good luck sa'yo!"

=========

*To Be Continued..*

AN:

If you're reading this and you found it very interesting, try to check out also my other story entitled I MET A GIRL.

Nagkaro'n ng gulo sa balanse ng mundo ng tao at mundo ng mga espiritu. Kaya naman isang pasakit ito para sa mga Guardian Spirit na katulad ni Sasha dahil mahirap mag bantay ng isang Ian Shin San Juan kung kulang ang kapangyarihan mo para ipagtanggol siya at mas mahirap siyang bantayan dahil  unconsciously na nakakapag attract siya ng Spirits of Danger, (sana ol attractive).

Walang ibang dulot ang Spirits of Danger kun'di purong kapagamakan. Kaya pa'no poprotektahan ng isang powerless na guardian spirit ang isang binata na wala pa sa panahon ng kamatayan?

May dalawang misyon si Sasha: ang protektahan si Ian at ang malaman kung ano ba'ng ginawa ni Ian at bakit siya hinahabol ng Spirits of Danger.

Ano rin nga kaya ang koneksyon ng nakaraan nilang dalawa? Ano kaya ang responsable sa gulong ito?

Teka.. bakit nga ba isang guardian spirit si Sasha?

~~~

Hurt Me To DeathWhere stories live. Discover now