6th DROP: NO, I'M STILL ALIVE!

Start from the beginning
                                    

Oh my god, this can't be happening.

Gusto ko sanang magsalita at ipakilala siya kay Ritz bilang asawa ko kaso mukhang hindi iyon ang tamang panahon para do'n kaya sinenyasan ko si Ritz na umalis na muna.

Siguro nabigla rin siya kaya sumunod nalang at di na nagsalita.

"Alliah," mahina kong sabi na tingin ko hindi niya narinig "I want to--" naputol ang sinasabi ko nang bigla niyang kinuha yung mga pinamili niya at tumakbo palayo.

"Lian!" sigaw ko mula sa likod niya

Pero wala siyang balak huminto at makinig sa'kin.

Ang goal ko ay makapag build ng bond sa'ming dalawa pero bakit I always messing things up?

"Lian!" Hinahabol ko parin siya for some reason. I want to clear everthing to her kasi alam kong dadamdamin niya 'yon.

I know that she can hear me pero hindi niya nilingon.

Alam kong tumatakbo sa isip ni Lian ngayon lahat ng kagaguhan kong ginawa sa kaniya at nadadala siya ng emotion niya. I want to stop her from feeling so unworthy kahit ngayon lang.

I don't want to see her cry again because of me.

Patuloy parin siya sa paglalakad hanggang sa 'di ko namalayang nasa parking lot na pala kami.

Tumigil na ko sa pagtakbo dahil alam kong hihinto na rin siya pero mali ako, nagmamadali parin siya at hindi namalayan ang paparating na sasakyan.

"LIAN!" sigaw ko pero di niya 'yon narinig.

*Peeep..peep!!*

"Liaaan!!"

ALLIANAH

*Everything went dark..*

I opened my eye and wait.. bakit ang puti ng paligid? Nakakasilaw.

Kanina lang puro itim yung nakikita ko tas  ngayon ganito ? .. ang weird.

Nilibot ko yung mata ko. Puro puti nga!!

Medyo nagpanic yung utak ko kasi bakit ako nasa mental hospital? Nabaliw ba ako? Ano ba'ng nangyari sa'kin? Naaalala ko lang nabunggo ako.

Teka.. 'di ba 'ko nagkaro'n ng amnesia?

Hindi eh, naaalala ko parin naman 'yung pangalan ko at ibang mga information tungkol sa'kin.. so bakit ako nandito?

"Nurse?" Tawag ko pero walang sumasagot.

"Hey, Nurse!!" Wala paring sagot? Ano ba 'yan?

Wala bang tao dito bukod sa'kin?

"Pst! 'Wag ka ngang mag-ingay! " may isang lalaking naka puti ang bilang lumabas out of nowhere at sumaway sa'kin.

His taller than me of course, hanggang balikat lang niya ako at infairness ah, ang hot niya. Doctor ba siya o nurse?

"Hi, Doc or Nurse or whatever.. how's my condition?"

"Doc? May pangalan ako 'no! Tsaka hindi ako doctor at isa pa, wala ka sa hospital!"

Wait, what?

Lemme think..

"Huh? Eh kung ganon nasa'n ako?" Nagtataka kong tanong

Hurt Me To DeathWhere stories live. Discover now