61

45 1 0
                                    


FREA

"Ah Frea, nag-chat na kami ni Junkyu. Hindi na daw nila tayo mababalikan dito." biglang sabi ni Jaehyuk. Ay ngayon lang ata tapos silang magchat ni Junkyu.

Pero hindi na nila kami mababalikan dito? Dadaya naman nila.

"Ganun ba? Bakit daw?" tanong ko sa kanya.

"Pagkatapos daw nila bumili ng sweets kanina, dumiretso na sila doon sa.. claw machine. Yung pakay nga nila dito. Isa pa, mahaba na din ang pila."

Tapos natawa naman siya, "Baka daw kasi ma-bored lang tayo doon."

"Grabe naman silang dalawa. Makapaghintay naman tayo sa kanila eh." sabi ko.

"Yun nga sabi ko." Jaehyuk.

Dahil dumiretso na yung dalawa sa palaro na gustong-gusto nila, naiwan na kami ni Jaehyuk dito sa baba. Ano namang gagawin namin dito sa mall? Naiwan pa ako sa kanya.

Masaya naman ako kaso nakakahiya pa talaga. Langya naman 'to sina Lexie biglaan aalis kaagad nang hindi nagpapaalam sa amin.

Feeling ko, maghiwalay nalang muna kami ni Jaehyuk tapos magkikita kami mamaya. Ganun. Imposible namang sasama sa akin 'to.

"Ah ano.. Frea." tawag niya sa'kin.

"Ano yun?" tanong ko sa kanya.

"Since iniwan tayo nung dalawa, pasyal nalang tayong dalawa dito sa mall." nakangiting sambit niya sa akin.

















Ha? Tama ba 'tong naririnig ko?

"Ha?"

Pasensiya na ha medyo nabingi ako. Baka guni-guni ko lang 'to. Hoy! Hindi ako aayain ni Jaehyuk.

He laughed, "Sabi ko, pasyal tayong dalawa. Ipapasyal nalang kita dito sa mall para.. hindi ka ma-bored." nakangiting sambit niya sa'kin.

Totoo nga palang inaaya niya ako. T^T Swerte ko naman talaga. Pota naman baka ako lang 'to. Inaya lang ako pumasyal masyado naman akong kinikilig dito.

"Ganun ba? Sigurado ka?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Bakit?"

"Ano kasi.. nakakahiya sa'yo." sabi ko.

Natawa na naman siya ulit. Mukhang napapansin niya na yatang muntanga ako, "Wag ka nang mahiya, Frey. Walang nakakahiya. Okay lang sa'kin. Parang hindi naman kita kaibigan."

"Okay lang talaga? Sorry ha. Yung alam ko kasi.. maghiwalay muna tayo dito sa mall tapos magkita ulit tayo dito pag babalik na sina Lexie." sabi ko.

"Okay lang, Frea. Treat pa kita." nakangiting sambit niya sa'kin. Lah, kakahiya siya pa magttreat sa'kin. Kapal naman ng face ko.

Nakakahiya na. T^T

"Mas mabuting kasama mo ako at sabay tayong dalawa. Kesa naman iiwan kitang mag-isa dito. Hindi kita pwedeng hayaang mag-isa."

Please lang, gusto kong magwala now na. Mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya! Grabeng pampakilig na yan nakakalimutan ko tuloy na ex ko nalang siya.

Bakit ba? Ang caring niya masyado!

Hindi ko mapigilang mapangiti, "Salamat, Jae. Sige, sabay nalang tayong dalawa."

He smiled back to me, "No problem, Frea. Hindi natin kilala yung mga tao ngayon."

"But don't worry, you're safe with me."

"I know, I'm always will."

—————

frea dump acc 🔒
@freakalats

PUTANGINA DJAJDIAJAIA SA SOBRANG KILIG KO NAGTATAGO NA AKO NG NGITI DITO HABANG PAPAPUNTA KAMI SA TACO STANDEE 😭😭 TAPOS ANO PA YUNG NASABI KO KANINA DJAJSIAJJAJAA BAHALA SIYA DYAN ALAM KO NAMAN NA NAKALIMUTAN NIYA NA YUN

—————

jaelibee 🐝 🔒
@jaematipuno

"i know, i'm always will." what do you mean? wag mo akong ipag overthink dito pero masaya akong narinig yung mga salita na yun na galing mismo sayo : ))

—————

jae gwapo
@yoonjh

:)

🔁 5,192 retweets    ❤️ 16.8k likes    💬 8,833 comments

si jeongwoo lang 2
@woojeongprk
hindi pwede na ikaw lang ang masaya dito

yedam
@bngydm
at anong meron sa smiley face na yan?

ang sexy cutie ko
@pjihoonpark
oh bakit ngingiti ngiti ka diyan? pagkatapos niyong di kami sinama may gana ka pang magtweet ng ':)' diyan

yoshi :)
@yoshinemeto
dahil enjoy sabi ko kanina, ngayon.. ensad! sana lumungkot din bonding niyo diyan kasi hindi pwede na kami lang malungkot dito

gwapo ko tangina
@rutopogi
wow saya mo siguro ngayon

hindi doyoung ng nct 'to
@treasure_dobby
pag ikaw :) kami :(

7chillsuk
@choihynsk
dalhan niyo kami pizza ha para sumaya din naman kami

a.
@hmdasahi
langya magttweet pa tapos ':)' lang naman! okay ka lang ba?!

tktmashiho
@tktmashiho
yan ginigigil mo si asahi! dami mong alam sa buhay

junghwanism
@junghwansoperman
kayo lang naman ni junkyu hyung yung masaya habang kami dito mga sadbois #poginaman

kyuala 🐨
@kyutwts
ANMERON?? PUTA KA JAE AT BAKIT MASAYA KA? USAP TAYO MAMAYA

jae gwapo
@yoonjh
dapat dito sa twitter binaban yung mga mababahong kalat na palutang-lutang sa twt ko

preya
@frenchfreas
:) | deleted.

ex | jaehyukTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon