51

41 2 1
                                    


FREA

Malapit na kami sa aming classroom. Bungad na bungad naman kaagad yung Treasure sa labas. Kasama din yung mga jowa nina Mashiho at Haruto na si Jillian at Kaira. Pero karamihan nasa loob na. Pero may mga fangirls sa labas na.. lowkey silang pinagmamasdan at inaabangan. Halata naman. ><

Nakita naman kami ng Treasure at nabigla pa sila kasi nakita yata nilang sabay nila kami. Kaya tumigil kami at ningitian namin sila.

"Good morning!"

"Kaya pala ang tagal niyo eh.. sabay pala kayo?" natatawang tanong ni Junkyu sa amin.

"Hindi.. nagkataon lang na nagkasabay kami sa gate kaya sabay nalang kaming pumunta dito." sagot naman ni Jihoon.

"Tsaka akala ko sabay-sabay kayong dose papunta dito sa Gaxtone." natatawang sambit ni Lexie.

"Ay, hindi. Early birds kaya kami nina Yedam hyung." nakangiting sambit ni Junghwan at napatango naman si Yedam.

"Pinagsasabi niyong early birds? Eh ano pala kami? Late birds? Ganun? Ni hindi nga kami na-late eh." biglang angal naman ni Jeongwoo tapos karamihan sa mga kasabayan niya ay tumango.

"Ayan pipikon na naman si Jeongwoo, oh." asar sa kanya ni Haruto.

"Shut up kayo diyan 'no. Hindi niyo lang gets eh. Hindi niyo naman kaya pumunta ng ganto kaaga kasi ang babagal niyo." sabi ni Yedam. Hindi namin mapigilang tumawa dito.

"Payag kayo 'non? Mabagal daw kayo?" tanong sa kanila ni Jillian. Ganda naman ni jowa ni Mashi. <3

"Ay hindi, Jill. At least.. mas madami kami kesa sa kanila." sabi naman ni Jihoon.

"Pupunta nalang nga dito sa Gaxtone gagawin niyo pang contest. Jusko kayo." natatawang sambit ni Kaira. Kaya nga! HAHAHAHA!

"Sa true lang." Lexie.

"Kasi naman 'to sina Yedam hyung akala mo makasabi eh late comers kami. Parang hindi tayo magkaibigan ano?" depensa naman ni Jeongwoo.

"Ay.. sinong nagsabing kaibigan ka namin?" biro sa kanya ni Junkyu.

"Gago ka talaga Junkyu!" tapos pinagtatawanan lang nila si Jeongwoo. >< Mga baliw. Kaya inakbayan nalang siya ni Yoshi.

"Joke lang yun. Eto naman oh." sambit ni Junkyu.

"Tama na nga yan, kung ano pinagtatalunan natin dito eh." napaharap naman ako sa nagsalita. Si Jaehyuk. <3 Napangiti lang naman ako nung nakita ko siya. Ang gwapo niya naman. >< Always naman. Hohoho!

"Baka masira pa pagkakaibigan niyo eh." biro ko naman.

Nagtama naman ang tingin namin at nakita kong tinanguan niya ako at sinundan niya naman ng ngiti, "Oo talaga.. madali pa naman silang mapikon. Mga siraulo kasi." natatawa niyang sambit.

Taeeeeee kinikilig ako sa ngiti niya. Tapos nag-uusap ka kami gago talaga totoo ba 'to?!

"Pero nakakatuwa naman sila." dagdag ko.

"Oo, pero minsan sarap na nilang itapon sa dagat." sabi ni Jaehyuk at hindi ko mapigilang tumawa at ganun din siya.

Pero napansin kong parang kami nalang yung nag-uusap at ang tahimik ng mga ibang kasama namin dito kaya tumigil na ako sa kakatawa. Napatingin naman ako sa mga kasama namin dito. Bwiseeeeeeet talagaaaaaa! >< Mukhang pinapanood nilang nag-uusap kaming dalawa ni Jaehyuk.

Tapos umubo-ubo pa sila. >< Peke naman yun! Ang babaliw talaga nila! Nahihiya na tuloy ako!

"Mga baliw! Hoy, ano na namang pinag-iisip niyo diyan? Kilala ko kayo." tanong sa kanila ni Jaehyuk.

ex | jaehyukTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon