48

44 3 2
                                    


FREA

9:32 P.M.

Higa-higa lang ako dito sa kwarto dahil hindi pa ako makatulog. Ah basta, tungkol pa din kay Jaehyuk. Parang ayaw ko ngang pumasok bukas. Kahit nasabi ko na yun sa kanya, nakakahiya pa din.

Nag-chat pa nga sa akin si Lexie kanina. Sinabi niya sa akin na nag-chat daw sa kanya si Jaehyuk. Tsaka tinanong daw siya kung totoo bang dare niya sa akin.

Yun nga, nagtataka ako. Sinabi ko na nga sa kanya tsaka nag-chat pa siya kay Lexie para sa confirmation. Hindi ba siya naniniwala sa akin? ><

Tapos ang sabi pa nga sa daw sa kanya okay lang daw kay Jaehyuk yun at naintindihan niya na. Ah basta! Super nakakahiya kaya! >< Hindi niyo ako maintindihan.

Kaya nga nahihiya na akong pumasok bukas eh. Pero di'ba mas nakakahiyang umiwas? Parang apektado ako-- apektado naman talaga ako! Syempre may feelings pa ako sa kanya. Bahala na kung anong mangyari bukas.

Basta makita ko na naman si Jaehyuk bukas. Hihihi!

Kinuha ko naman yung phone ko tsaka tinignan ko naman kung active siya ngayon. Tsaka napa-'o' lang naman yung bibig ko nang makita kong active pa din siya ngayon.

"Naisip mo palang mahal pa din kita?" tanong ko at huminga nalang ako ng malalim, "Sana maramdaman mo yun kahit.. hindi na tayo pwede."

-

JAEHYUK


Napapailing nalang ako dito sa mga pinagchachat ng mga kaibigan ko kaya hindi na ako nag-reply sa gc namin.

Sinabi ko kasi sa kanila na totoo yung dare ni Lexie kay Frea at hindi totoo yung mga hula na mga pinagsasabi nila. -,- Ayaw pa daw nila maniwala. Tsaka pinipilit talaga nilang may ibigsabihin yung wallpaper na yun.

Hindi ko nalang sila pinansin dahil alam kong nagbibiro lang naman sila at may mga problema sila sa mga utak nila. xD Si Lexie na mismo nagsabi eh.

Pero inaamin ko, hindi pa din ako tumitigil sa pag-ooverthink dito. Hindi naman sa umaasa ako na may feelings pa din si Frea sa akin, pero hindi ba siya nagbura ng mga litrato ko sa phone niya.

Naaalala ko talaga yun. Nung kami pa dalawa, sobrang hilig ko kumuha ng litrato sa phone niya.. at isa na doon yung wallpaper niya na litrato ko. Tsaka alam kong hindi niya yun in-upload. Lalo naman na hindi ako. Galing yun sa phone niya. Malabo namang makukuha niya yun sa facebook account niya ulit. Binura niya yung album naming dalawa.

Huminga ako ng malalim, "Wala namang problema sa'kin yun, nakakabigla lang kasi may litrato pa ako sa kanya. Ex na niya ako. Normal lang ba yun?" kinakausap ko na naman ang sarili ko dito. ><

Ako nga eh, simula nung iniwan niya na ako at pumunta na siya sa France, kahit mahirap.. binura ko lahat ng mga bagay na about kay Frea sa phone ko. Lahat-lahat. Convo namin, mga litrato at iba pa.

Yun lang, friends pa din kami sa ibang social medias. Pero hindi na kami nagpapansinan kahit gusto ko siyang pansinin. Kailangan ko naman respetuhin yung desisyon niya kahit labag sa puso ko.

Yun lang ang magagawa ko para madali siyang kalimutan. Ang hirap para sa akin yun. Mahal na mahal ko siya.. noon.

Kung ano-ano na pinagsasabi ko dito. >< Ayun, basta move on na ako sa kanya. Nakayanan din pala. :D Tsaka friends na kami uli ni ex. HAHAHA!

"Tigilan ko na ang kaka-overthink dito. Baka yun lang naman na litrato ang naiwan sa kanya."

Humiga ako sa kama at kinuha ko yung phone ko para i-chat si Frea. Baka kasi hindi naman ako papansinin at yung Treasure. >< Ramdam ko talaga yung hiya niya nung nalaman kong ako yung wallpaper niya.

ex | jaehyukTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon