43

64 3 0
                                    


FREA

afternoon . . .

P.E. time namin ngayong hapon. Tsaka nandito kaming lahat sa field. Maya-maya, uwian na din namin. Kasi kanina pa naman kaming nandito sa field.

Umuupo lang naman kami sa damuhan. Kasama ko si Lexie, Kaira, Jillian, Junkyu at Mashiho. Sina Jaehyuk pumunta pa sila sa canteen.

As usual, naglalaro pa din Roblox si Lexie. >< Pero with Kaira and Junkyu na. Kami lang nina Mashiho at Jillian yung hindi naglalaro.

"Ano ba talaga meron diyan sa Roblox?" tanong sa kanila ni Jillian.

"Mga games." sagot ni Junkyu sa dahilan na natawa kami dito.

"Ikaw talaga, Kyu. Tsaka wala lang, enjoy lang talaga maglaro." sagot ni Lexie habang naglalaro.

"Minsan lang naman ako naglalaro Roblox. Nagpaturo kasi ako kay Haruto." sabi ni Kaira.

"Isa din yun si Haruto." Mashiho.

"Eh si Lexie? Lagi yan naglalaro. Adik yan eh." natatawang sambit ko sa kanya.

"Kaya nga.. akala ko nagquit na siya as robloxian." Junkyu.

"Hoy, hindi 'no. Tsaka tumahimik ka diyan Frey, hindi ka lang talaga marunong." pang-aasar niya sa'kin.

"Hindi ka marunong?" tanong sa'kin ni Jillian.

"Hindi ako marunong tulad nila, kaya minsan lang din ako naglalaro." sagot ko.

* school bells *

Ayan, nag-bell na. So uwian na namin ngayon. Tumigil naman sila sa paglalaro at napatayo naman kaming lahat at inayos namin yung suot naming P.E. uniform.

"Tara, kunin na natin mga gamit natin sa room." aya sa amin ni Junkyu.

"Hindi na natin hihintayin sina Hyunsuk?" tanong ni Jillian. Oo nga naman, baka dumiretso pa sila dito sa field.

"Wag na. Alam naman nila na pupunta na tayo sa room." dagdag ni Mashiho at napatango nalang kami. Nauna nalang kaming pabalik sa room.

Papabalik pa lang kami nang nakita namin si Haruto na papalapit sa'min. Eh nasaan naman yung iba?

"Oh, nasaan yung iba?" tanong ni Kaira sa kanya.

"Sumusunod na sila, nauna lang ako sa kanila." sagot niya sa'min at napatango nalang kami.

Nung nakarating na kami sa room, kinuha naman namin yung mga gamit namin. Tsaka nandito lang kami sa tapat ng room, hinihintay sina Jaehyuk. Sabay daw kami pupunta doon sa gate.

"Sabi mo sumusunod na sila? Ang tagal naman nila!" reklamo naman ni Junkyu dito.

"Aba'y ewan ko. Eh tapos naman silang lumamon doon eh. Matuto kang maghintay." sabi sa kanya ni Haruto.

Habang naghihintay kami dito, kinuha ko nalang yung phone ko. Ngayon ko lang na-realize na medyo katabi ko si Mashiho. Eh baka makita niya yung wallapaper ko. Mabuking pa'ko. Eh di'ba baka mapatingin siya mga isang segundo?

Kaya lumipat ako sa right side, tsaka doon ako nagphone. Nagsscroll lang naman ako sa twitter. Ang daming pinagkakalat ng mga moots ko. Ako wala pa akong maitwt. :D Baka mamaya pa.

"Kung mahabol mo ako, lilibre kita bukas kahit ano gusto mo!"

"Kaya nga hinahabol na kita ngayon!"

Napatingin naman kami kung nasaan galing ang boses na yun. Paparating na pala sila Jaehyuk dito. Yun lang, hinahabol ni Junghwan si Jeongwoo ngayon. Katakot naman sila magtakbuhan. Bibilis nila eh.

ex | jaehyukTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon