CHAPTER 22

5.3K 180 9
                                    

Avi POV

Nandito ako sa playground. Dito ako madalas dalhin nila mama noon.

Naka-upo ako sa swing habang dahan-dahan na dinuduyan ang sarili.

Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait, nanunumbalik ang mga ala-ala sa isipan ko.

Kung hindi lang siguro sila nawala, siguro hanggang ngayon nandito parin sila sa tabi ko. Masaya parin sana ang buhay namin.

At wala sanang Mommy Trix na dadating.

Napapikit ako at umiling.

Hindi kona alam kung ano ang nangyayari. Parang ang gulo gulo na ng lahat.

Ang mga kaibigan ko, nag aaway sila dahil sa akin.

Siguro kailangan kong lumayo para hindi na sila mag away pa.

Tumayo ako sa pagkakaupo at nag simulang maglakad.

Uuwi muna ako sa condo ni Johan para makuha ang konti kong gamit.

Nag mall kasi kami kahapon, syempre hindi ko naman pinayagan na ilibre niya ako. Nakakahiya na, siya na nagpatira sakin sa condo niya tapos ililibre niya pa ako sa gamit ko.

Pero syempre, hindi rin siya nagpatalo. Nilibre niya parin ako kahit na may binili na ako para sakin.

Pumasok ako sa loob ng condo ni Johan pagkarating ko. Akala ko nandito siya, pero wala.

May klase pa pala ngayon kaya hindi pa sila pwedeng lumabas. Pwera nalang kung may emergency, o kaya mag cu-cutting sila.  

Hinanap ko ang susi ng kwarto, bawat kwarto kasi dito may susi. Para daw kung sakaling mapasok ang condo niya, hindi mabubuksan ang mga kwarto dito.

"Nasan na yun?" tanong ko habang hinahanap sa loob ng bag.

Naglakad ako muli palabas ng condo habang hinahanap parin ang susi sa loob ng bag.

"Ay!" gulat kong saad ng muntik na akong masubsob. Tinignan ko ang nasa lapag, at itong box.

Kahit nagtataka ay kinuha ko ito.

"Bakit hindi ko to napansin kanina?" tanong ko sa sarili. Sinipat ko ang box, at nakitang para sa akin ito.

Papasok na dapat ako sa loob nang maalala ang susi. Lumabas ako at nakitang nasa lapag ito.

"Nandito lang pala, hindi ko rin napansin na nahulog." pagkausap ko sa sarili.

Pagkatapos kong pulutin ito ay pumasok na ako sa loob.

Umupo ako sa sofa habang bitbit ang box.

This is my gift for you, hope you like it^^
-H.

Napakunot naman ako. Sinong H?

Binuksan ko ito at halos hindi ako makapaniwala sa nakita.

Parang winarak ang puso ko. Umusbong din ang galit ko para sa kanya.

Napahagulgul ako habang nakatingin sa picture.

"P-Paano mo 'to n-nagawa..." halos hirap kong saad.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit. Sinuntok suntok  ko ang dibdib ko.

Kailangan ko siyang puntahan, tama. Kailangan ko siyang puntahan.

Faith POV

"Class dismiss, thank you for today. See you tommorow." nag thank you kami bago lumabas si Ma'am.

"Buti naman dismissal na. Kanina kopa gustong hanapin si Avi." may himig na pag-aalala na sabi ni Johan.

"Oh ano pang hinihintay natin? Tara na." tumango kami sa sinabi ni Rence at sabay sabay kaming lumabas ng room.

My Hot Mommy (GXG) Where stories live. Discover now