Challenge # 11

Magsimula sa umpisa
                                    

"Akala ko ba pinaalis mo na ako?" Nakangisi na naman siya. I rolled my eyes.

"Duh! Nakahubad ka! Nandoon si Papa baka isipin niya kung ano! Diyan ka na lang sa bintana!" Tinulak ko siya patungo sa bintana. Nakairap siya sa akin. Hindi ko naman siya pinapansin. Binuksan ko ang bintana. Napansin ko nga na nasira nga ang lock ng bintana. Napailing ako.

Sumampa siya sa pasimano. Nakatitig pa rin siya sa akin.

"Umalis ka na!" Tinulak ko siya dahilan para madupilas siya. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napasama rin ako sa kanya. Pareho kaming nawalan ng balanse at ang ending ay nalaglag kaming pareho mula sa bintana ng silid ko pababa sa garden sa may sala.

"Aaahhhhh!"

Babagsak ako. Masakit iyon. Puro lupa. Masakit! Mababali ang likod ko! Wala na nga akong trabaho may injury pa ako.

But then, I felt his arms around my body and when we fell siya ang nasa ilalim at ako ang nasa ibabaw ng kanyang katawan. Napangiwi siya pero nakatitig siya sa akin.

"Are you okay?" He asked me. Natulala ako. Napatingala ako sa aking bintana. Nahulog kami mula sa second floor ng bahay at hindi ako nakakaramdam ng kung anong sakit. He saved me ---but that doesn't mean anything. Hindi ko pa rin siya gustong maging kaibigan. Hindi ako magpapakatanga. Hindi uso ang martir ngayon.

Ang mga martir ay binabaril sa Luneta. Ako, matalino ako at alam kong gusto ko si Azul at alam kong gusto naman niya si Arruba. I won't meddle with that. Hindi ako katulad ni King David at Axel John na pinakikialaman ang lahat ng bagay.

"Wala, Ma! Si Ate lang, nakikipagjerjer sa damuhan! Para daw may thrill!"

Napasinghap ako. Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga sa katawan ni Simoun Paul at inayos ko ang aking sarili. Nakita ko si Mama at Papa na nakasilip sa bintana at tinitingnan kami. Galit ang ekspresyon ng mukha ni Papa, si Mama naman ay natutulala ang kapatid ko lang yata ang tuwang-tuwa sa mga pangyayari sa mundo.

"It's not what you think?!" I yelled. My father shook his head.

"Paalisin mo na ang lalaking iyan at baka ihampas ko sa kanya ang baseball bat na ipapamalo ko sa'yo, Leira!" Sigaw ni Papa. Mabilis pa sa alas kwatro na itinulak ko si Azul palabas ng gate. Hindi na ako nagpatumpiktumpik pa.

"Umalis ka na, 'wag ka nang babalik dito. Ayokong makipagkaibigan sa'yo! O sa kahit na kanino sa inyo! My life is not complicated and being with you complicates things! Just leave!"

"Ang ingay mo!" Balik-sigaw ni Azul. "Ang ayoko sa lahat, iyong babaeng maingay!" Galit na wika niya sa akin. Nanlaki ang mgam na mata ko nang hatakin niya ang braso ko at subukin na naman akong ipasok sa kotse niya pero tinulak ko siya. Hindi ako sasama at hindi ako natatakot sa kanya. Nagulat ako nang bigla niya akong isandal sa hood ng sasakyan at ipinatong sa akin ang kanyang katawan.

"Azul, ano ba?!"

"Hindi mo ako naiintindihan, ano? I want us friends. Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, sinasabi ko kung anong gusto ko at iyon ang mangyayari!" He was hissing. Galit na galit siya sa akin. Tinulak ko siya.

"Hindi mo ako pag-aari para pag-utusan mo! So you better back the hell off! I'm not that kind of girl, Azul. Hindi ako submissive." Ngumisi ako. "May sarili akong utak so just get the hell out of my fucking life!"

Itinulak ko siya nang buong lakas at saka tumakbo papasok sa loob ng bahay. Hindi na ako lumingon. I felt my knees are trembling like hell. I want to scream Putang ina because of too much frustration. Galit na galit ako.

"Ma! Pa! 'Wag na 'wag ninyo nang papasukin ang lalaking iyon sa bahay na ito! Putang ina niya!"

"Ay! Nabitin siguro si Ate kaya galit." Narinig kong wika ng magaling Jay-R. Binalingan ko siya.

Simoun: The Aggressive Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon