“Hello, Dad?”

“Nasaan ka na? Nandito na kami sa airport. In a minutes ay departure na natin. Nakalimutan mo na bang may out of town tayo for 2 days?” rinig kong wika ni Dad Ricardo.

“Hindi ako tutuloy.”

Napatingin ako sa kaniya. Lumingon siya sa akin at nginitian ako.

“Be professional, Jett! You can't just say no! This is work! Pumunta ka rito ngayon din!” sigaw ni Dad sa kabilang linya.

“You go.” sambit ko.

“Ayoko. Hindi ako sasama kung ganito tayo. I can't leave you here for 2 days.” he shook his head.

Ngumiti ako ng tipid. “Umalis ka na bago pa magalit ng husto si Dad. I'm good here.”

“Gaily...”

“I‘m good. You go. Don't worry.”

Tumitig siya sa akin ng matagal. Pinapanatili kong nakangiti ang aking labi. Why do I love this man so much, to the point na kahit saktan man niya ako ng paulit-ulit ay ayos lang. Mahal ko pa rin siya. Pinapatawad ko pa rin siya.

Pumikit ako ng siilin niya ako ng halik. Ang init niyang halik na mararamdaman mo talaga ang pagmamahal.

Our lips parted.

“I love you. Tatawagan kita mamaya pagkarating namin. Eat your meal on time. Bibilhan kita ng pasalubong. Mag gusto ka pang ipabili?” malumanay niyang saad.

“Wala. Just go home after 2 days.”

“Opo, Gaily.”

Dinampian niya ng halik ang aking labi at patakbong pumunta sa garahe. Pinapatawad ko na ang Jetty na ito. Naisip ko na mas lamang pa rin ang pinagsamahan namin, ang masasaya naming memorya, ang pagmamahal namin sa isa't-isa, kung paano niya ako napasaya. Ayokong ipagpalit ang mga iyon para lang sa bagay na ginawa ni Janey.

Ayos na rin na nangyari iyon kasi nakita ko kung sino ang totoong mabait at nang-aahas sa akin. Nalaman ko na ang babaeng pinatrabaho ko sa shop, tinulungan ko sa abot ng aking makakaya na walang hininging kapalit, at ang babaeng itinuring kong kaibigan ay isa pa lang ahas.

Tinitira ako ng patalikod ni Janey. Ngayon ko napagtanto na kaplastikan lang pala ang lahat ng ipinakita niya sa akin. That smiley Janey is fake, because the truth is, she's a traitor. A woman who cover her true identity to fool people who do nothing to her but kindness.

Biglang tumunog ang doorbell. Tumayo at pumunta sa gate. Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko inaasahan ang taong bumungad sa harapan ko ngayon.

“Talagang ang kapal ng mukha mong magpakita rito, ‘no?” taas ang isang kilay kong tanong.

“Nandiyan ba si Jett?”

Tumawa ako nang sarkastiko. “Asawa mo ang kaharap, Janey. Ang kaswal lang natin kung magtanong sa asawa ah? Hindi ko alam kung matatawag ka bang kabit o ano.”

“May gusto akong sabihin sa kaniya. Nasaan siya?” matapang niyang tanong habang pilit na sinisilip ang loob.

“Sige. Kabit na lang ang itatawag ko sa iyo. Ang tapang-tapang ng mga kabit ngayon. Ang kapal kapal ng mukha. Puwedeng pasampal? Gusto ko lang malaman kung gaano kakapal ang pagmumukha mong ahas ka.”

Before she could even say a word, I immediately slapped her so hard, to the point na halos bumaling ang kaniyang mukha sa likuran.

Hinawakan niya ang pisnging nasampal ko at nanlilisik ang mga mata na tumingin sa akin.

“Wala kang hiya!” sigaw niya at akmang sasampalin ako.

“Mas wala kang hiya! Ang bait-bait ko sa iyo! Tinulungan kitang babae ka! Itinuring kitang tunay na kaibigan tapos ito lang ang isusukli mo?! Huh?! Sinulot mo ang lalaking may asawa na!” sigaw ko sa kaniya.

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now