Kabanata 35 - Warning

45 1 0
                                    

WARNING!!!!!!

Gail's Point of View

BINAWI niya sa akin ang hawak kong baso na may lamang alak. "No, don't drink." pigil ni Jetty sa akin.

Magkaharap na kaming lahat sa iisang mesa ng ibang kamag-anak ni Jetty na babae at lalaki, si Emman din ay nandito. Si Audrey lang ang wala dahil ayaw talagang uminom ng babaeng iyon ng alak at nasa loob siya ng bahay.

"Sige na. Ngayon lang naman." pagpupumilit ko.

"Sige na, Insan. Nasa bahay rin naman kayo kung sakaling malasing iyang asawa mo." sabi no'ng isang lalaki.

Bumuntong hininga siya. "Fine. Just don't drink too much."

Nakangiti kong kinuha sa kaniyang kamay ang baso at uminom. Napapikit ako at napahawak sa aking bibig dahil sa pait. Dumaloy sa aking lalamunan ang pait ng alak. Naramdaman ko ang kamay ni Jetty na humagod sa aking likod.

"You see? Sobrang pangit ng lasa. Hindi kasi nakikinig eh. Brad, paabot nga ng chaser. Inumin mo ito para mapalitan ang pait ng tamis."

Tinanggap ko ang inabot niya at pikit-matang ininom.

"Sa una lang iyan, Gail. Hindi ka kasi sanay kaya napapaitan ka ng sobra." saad no'ng isang babae.

Ngumiti ako sa kaniya. Gano'n pala iyon. Nilagok ni Jetty ang natirang alak sa baso ko.

Tiningnan niya ako. "You already knew the taste, so don't continue."

Tumango ako. Sobrang pait din naman no'n. Bigla ngang uminit ang tiyan ko kanina nang mailunok ko na ang alak.

"Emman." biglang dating ni Audrey.

Tumingin ako sa kanila. Umupo si Audrey sa tabi ng kaniyang asawa. Ang kamay ni Emman ay kaagad pumulupot sa katawan ng kaibigan ko.

"Where's our children? Tulog na ba sila?" tanong ni Emman.

Maririnig ko lang sila dahil malapit lang naman sila sa amin.

"Yeah. Kakatulog lang. Ayaw pang matulog ni Elle dahil wala ka." nakangiting tugon ni Audrey.

Napangiti ako ng malungkot habang nakatingin sa kanila. I am green with envy. Naitanong ko na lang kung kailan kaya kami ni Jetty na mararanasan na tawagin na Mommy at Daddy? Kailan kaya namin maranasan na hindi makakatulog ng maayos kasi maya't-maya ang paggising ng baby namin. Kailan ko kaya mararanasan na may batang matutulog sa bisig ko? Kailan ko kaya mararanasan na magiging ina?

Umiwas ako ng tingin sa kanila. Nakakainggit. Naiinggit ako dahil mayroon silang anak habang ako ay wala.

"Jetty."

"Why?"

"Sa loob lang ako. Matutulog na ako."

"Okay. Hatid na kita."

"No need. You stay here." Tumayo ako.

"Susunod ako mamaya."

"Sige."

"Una na ako sa inyo, guys." paalam ko.

Tumalikod ako at pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko sa sala ang mga ina ko.

"Moms." tawag ko. Umupo ako sa tabi ni Mommy.

"Oh. Tapos na ba sa labas?" tanong ni Mommy Crystal.

"Hindi pa po. Pumasok lang ako kasi inaantok na po ako." Humawak ako sa aking ulo at tumungo.

Hindi ko alam kung epekto lang ba ito sa alak na ininom ko dahil parang maiiyak na akong isipin na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nabuntis. Na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nabibigyan ng anak si Jetty. His sad voice earlier keeps on echoing in my head. Siguro may sira ang obaryo ko. Perhaps I'm futile.

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now