Kabanata 48

41 1 0
                                    

Gail's Point of View

WE buried our little one in our garden.

Tumungo ako roon habang dala-dala ang isang puting rosas. Umupo ako sa harap ng pinagawa naming maliit na lapida. Ang nakasulat ay ‘In memories of our Bliss and Amulet.’ Kung ano man ang kaniyang kasarian ay mananatili siyang kaligayahan at pinakainiingatan naming yaman. Our very own bliss and amulet.

Nakangiti kong hinaplos ang lapida. “My little one, I'm sorry again. Wherever you are now, my little angel, hope you're happy. I will try my best to be stronger again, for you in heaven and for your Dad. Mommy and Daddy loves you, always.” nakangiti kong wika.

Tumayo ako nang makarinig ako ng dalawang preno. Mukhang nandito na ang sundo ko. Inayos ko ang aking suot na above the knee gray bodycon dress.

“Bye, little one. Your Mom and Dad has a date now. I love you.”

Lumabas ako ng gate. May kulay puting coupe na sasakyan ang nakahintay sa akin. Sumakay ako.

“Hi, Ma'am. Good afternoon.”

Napalingon ako sa driver nang marinig ko ang boses niya. Nakangising mukha ni Rickey ang bumungad.

“Rickey?”

“The one and only.”

“Hey, ikaw ang maghahatid sa akin?”

“May iba pa ba?”

“Teka nga. Inutusan ka ng asawa ko o nag-volunteer ka?”

“Inutusan na nag-volunteer.”

“Huh?”

“Nag-utos siyang kunin ka at dahil malaki ang pasahod kaya nag-volunteer ako.” nakangisi niyang tugon.

“Seriously?”

Sinulyapan niya ako saglit at kinindatan. Dumako ang paningin ko sa kaniyang suot. He's wearing a black tuxedo jacket, white dress shirt, black trouser and a black bow tie.

Huminto ang kotse at lumabas siya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan ako sa pagbaba. Tinitigan ko siya.

“What?” Natatawa niyang tanong.

“Ilan ang ibinayad ng asawa ko at napapayag ka?”

Ngumisi siya. “Secret.”

Tumingin ako sa paligid. Nandito kami sa mukhang exclusive restaurant.

“Sigurado kang nandito ang asawa ko, Rickey?”

“Yeah. You get inside. Kanina pa siyang naghihintay sa loob.”

Tumango ako at lumakad papunta sa entrance. Bubuksan ko na sana ang pinto nang tawagin niya ang aking pangalan.

Nilingon ko siya. “Bakit?”

“You‘re stronger than I thought. My condolences on the passing of your child.”

Ngumiti ako. “Thank you, Rickey.”

He smiled back. “Forget the pain and just enjoy today.”

Tumango ako at tuluyang pumasok sa loob. Tugtog ng piano kaagad ang bumungad sa pandinig ko. Restaurant siya pero walang ka-tao-tao. Where is Jetty? Pumunta ako sa pinakagitnang mesa kasi iyon lang ang lamesa na may mga kandila, baso, plato, at isang bote ng wine.

The place is cozy and romantic. Another tone of piano played. And still, there's no Jetty. Kahit isang tao man lang ay wala akong nakita.

“Hi.” mula sa aking likuran ang boses na iyon.

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now