04

462 31 11
                                    

04 – KAVIN

"YOU'RE CUTE."

Kung may isang bagay akong hindi inaasahan na maririnig ko mula kay Arkin, 'yun na siguro 'yon. Nablanko 'yung utak ko n'ung sabihin niya ‘yun. Pati 'yung brain cells ko eh napahinto para lang tingnan siya nang mapagtanong.

Hindi siya ang unang nagsabi sa 'kin na cute ako. Hindi nga siya 'yung unang lalaki na nagsabi n'un eh, pero nagulat ako kasi hindi ko naisip na maku-cute-an siya sa kapuwa lalaki.

I know, I know. Wala sa itsura 'yun. Minsan nga wala rin sa kilos. Hindi porke effeminate eh bakla na, at hindi porke barako, imposible nang magkagusto sa kapuwa lalaki.

Puwede naman kasing secure lang talaga si Arkin sa pagkalalaki niya kaya kaya niyang sabihin na cute ako. Puwede ring hindi pa siya out at nadulas lang siya kanina. At puwede ring hindi pa niya alam na bakla pala siya. There are so many facets to human sexuality that there is virtually no pattern to it, and no two journeys are exactly the same. Ang mahalaga, it's a person's story, a person's journey. He/She/They can do with it what he/she/they will. Stay in the closet or burst out of it on a rainbow-colored unicorn, it's an individual's choice. So is coming out.

Nagulat ako kay Arkin, oo, pero ang totoo, mas nag-alala ako kasi... Well, I like the guy. Not in a sexual way. I'm demisexual, remember? I don't have crushes on people I barely know. But he's a nice guy and I'd really want to be friends with him. Pero 'yun lang kasi talaga. At kung crush pala niya ako, I'd really hate to make it awkward by rejecting him because rejection makes everything awkward no matter how gently and carefully you try to do it. Eh straight naman daw siya kaya okay, I'll take his word for it and leave it at that.

Nagpaalam sina Flynn at Ame nang makalabas kami ng gym, at dumirecho sila sa kotse ni Flynn. Naiwan kami ni Arkin malapit sa kotse ko. Nilingon ko siya.

"Gusto mong iwan muna 'yang bag mo sa kotse ko? Para hindi mo na kailangang dalhin sa restaurant."

Sinulyapan niya ang bag niya ‘tapos ibinalik niya ang tingin niya sa 'kin. "Ah, sige. Sure," he said with a small smile.
"Saan mo gustong kumain?" tanong niya nang ma-i-lock ko na ulit ang mga pinto ng sasakyan matapos naming isakay ang mga bag sa backseat.

Nilingon ko 'yung direksyon ng magkakatabing mga restaurants. Korean, Japanese, Thai—

"Kumakain ka ng Thai food?" tanong ko.

He hesitated for a bit. "Uhm, Pad Thai?"

Natawa ako. "May iba pang pagkain ang mga Thai bukod d'un, Arkin."

This time, he grinned sheepishly. "Okay. Sige, pero ikaw ang bahalang mamili ng kakainin ko ah. Wala akong alam sa Thai food eh."

"Masarap ang Thai food," I assured him nang sabay na kaming naglakad sa direksyon ng restaurant. "Mahilig ka ba sa cilantro? Lahat ng Thai food eh may cilantro."

Napahinto siya at sigurado kong naging kulay cilantro siya sa idea.

"Joke lang! Hindi lahat meron! ‘Tsaka ayoko rin ng cilantro! Sabihin natin sa server na huwag palagyan sa chef 'yung order natin!"

Itinulak niya ako palayo. Tumatawa pa rin ako nang magsimula na kami ulit maglakad.

"Can I ask you something?" Ako naman ang nagtanong. "'Yung ginawa mo n'ung game n'ung nagkakilala tayo, 'yung lumipat ka ng court namin, legal ba talaga 'yun?"

Si Arkin naman ang tumawa. "Hindi ako tumapak sa court n'yo," pagtatama niya. "Which was precisely why legal 'yun."

Umiling ako. "Pinag-uusapan ba 'yun sa training? Saan mo 'yun natutunan?"

"Haikyuu."

"I'm sorry?"

He grinned. "Sa Haikyuu ko natutunan. Sports anime siya. Ginawa ni Kageyama 'yun kasi napalakas 'yung receive ni Daichi so hinabol niya 'yung bola sa side ng Inarizaki, and... well, hindi siya nag-landing sa gitna ng pep squad pero naibalik niya 'yung bola sa team niya." Napansin yata niyang wala akong naintindihan sa sinabi niya. "Hindi ka pa nakakapanood ng Haikyuu?" Mabagal akong umiling. He nudged me. "Panoorin mo! Pampahaba ng buhay!"

Natawa na ako. "Okay! Sige, hanapin ko," sabi ko kahit hindi talaga ako mahilig sa anime. Unahin ko na 'yung sinasabi niyang episode para lang makita ‘yung sinasabi niya.

Pagdating namin sa restaurant, siya ulit ang nagbukas ng pinto para sa 'kin. Security guard siguro siya n’ung past life niya kaya ‘matik sa kanya magbukas ng pinto. Sinalubong kami ng isang babae. Medyo maraming tao sa restaurant pero naka-upo naman kami agad sa isang corner booth, at inabutan niya kami ng menu.

Pinag-aralan 'yun agad ni Arkin. "So, alin dito ang walang cilantro?"

Tumawa ako saka namin diniscuss kung alin ang oorderin kasi gusto raw niyang tikman lahat...ng walang cilantro.

Madali lang kausap si Arkin. Hindi siya 'yung "ikaw nang bahala" kapag tinanong mo kung ano ang gusto 'tapos magrereklamo kapag nag-suggest ka. Basta hindi siya mahilig sa maanghang (hindi dahil ayaw niya ng lasa pero kasi pinagpapawisan daw siya at ayaw niya ng pawis kapag wala siya sa court) at ayaw nga niya ng cilantro. Wala naman daw siyang food allergies at hindi siya mahilig sa gulay pero kumakain naman daw siya. Pareho kami d'un dahil hindi rin ako mahilig sa gulay, at napa-amin akong ayokong-ayoko ng pipino at kamatis.

Weird na medyo ikinumpara ko siya sa mga babaeng naka-date ko dati. Hindi naman 'to date at hindi siya babae. Kaya rin ba ganito kadali ito?

Nag-order kami ng bagoong fried rice, pandan chicken, pad Thai, tom yum, basil beef, saka dalawang Thai iced tea.

"Sa Bangkok ka ba ipinanganak?" tanong niya  nang iwan kami ng server.

"Hindi, dito. Pero wala pa akong one year old, lumipat na kami d'un. D'un ako tumira hanggang n'ung... Ten ako." Sana hindi niya nahalata na napahinto ako. Mahabang kuwento kasi na hindi pa ako handang i-share sa kanya.

"Alam mo, nasa Bangkok si Djoser ngayon," patuloy niya. "'Yung isa kong best friend. Si Pronstroller?" dagdag niya nang parang hindi ko nakilala ‘yung pangalan ng tinutukoy niya.  Sumenyas siya para ilarawan ang kaibigan, at in-interpret ko ‘yung hand gestures niya as ma...lapad?

Biglang pumasok sa isip ko ‘yung itsura ni Djoser Pronstroller. Mas “malapad” siya kasi mas mas maskulado siya kina Arkin at Flynn. I think “stockier” is the more accurate word. Ito rin ‘yung kinatatakutan sa DLSU sa lakas nitong mag-spike.

"Ah, si Pronstroller! Oo, sorry. Naalala ko na. Ano'ng ginagawa niya d'un? Bakasyon?"

"Oo. Mini-Asian tour. Thailand, Cambodia, South Korea at Japan. Sa Bangkok sila ngayon, 'tapos sa Siem Reap daw sa Cambodia sa Thursday. Malapit lang ba 'yun?"

Tumango ako. "Puwedeng bus or van pa-border, 'tapos bus ulit pa-Siem Reap."

"Nakapunta ka na d'un?"

Tumango ako ulit at ngumiti. Isa kasi ang Seam Reap sa mga lugar na gusto kong balik-balikan. "Maganda d'un! Iba 'yung experience lalo na sa Angkor Wat. Ikaw ba hindi ka pa nakakapunta?"

Umiling si Arkin. "Hong Kong, Macau at Singapore lang ako eh. Pero di bale. Makakapunta rin ako d'un." Sinulyapan niya ang relo niya. "Teka, anong oras na ba sa Bangkok?"

"One hour ahead tayo."

"Ah, di maaga pa. Kulitin natin si Djoser."

I blinked. "Huh?"

Dinukot niya mula sa bulsa niya ang phone niya. "May gusto ka ba ipabili? Wala kasi akong maisip na gusto kong hingin na pasalubong kasi wala akong masyadong alam tungkol sa Bangkok. Kung may gusto ka ipabili, sabihin natin sa kanya."

Bago ko pa masabi na huwag na, na-dial na niya ang kaibigan niya at nasa mesa na ang phone na naka-speaker. Matapos ang dalawang ring, sumagot na si Djoser.

"Sawadee kha!" masayang bati ni Arkin.

Napangisi ako. "Khap," I corrected him.

"Khap?" ulit niya na nag-angat ng paningin sa 'kin.

"Sawadee /khap/ kapag lalaki 'yung speaker."

"Sawadee khap!" ulit niya sa telepono na gamit ang kaparehong tono n'ung una niyang bati kay Djoser.

He's cute, isip ko na rin na nagpipigil ng ngiti. He's also /really/ cute.

"Uh..." May pag-aalangan sa boses ni Djoser sa kabilang linya. "Flynn?"

"Hindi! Si Arkin 'to, nukaba!" pagtatama ng kasama ko.

"Arkin?" parang naguguluhan pa ring sabi ni Djoser. "Ba't masaya ka?"

Sumimangot si Arkin. "Bakit? Hindi ba ako masaya?"

"Hindi! It's just... Are you okay?"

Hindi ko na napigilan  'yung ngiti ko. Naalala ko kasi 'yung mga sabi-sabi na may pagkasuplado raw kasi sa totoong buhay si Arkin. Mukhang totoo kung base sa reaksyon ng mga kaibigan niya kapag masayahin siya.

Napatingala ako kasi lumapit ang server namin na dala na ang mga baso ng iced tea at tubig. Nagpasalamat ako sa kanya, saka ko binalikan sina Arkin.

"Okay lang ako,”  sagot niya sa kaibigan. "Nakahanap na ako ng bagong best friend. 'Yung mas may respeto sa 'kin kesa sa 'yo."

"Gan'un? Sandali pa lang ako dito, pinagpalit mo na 'ko agad?"

"Mas cute siya sa ‘yo eh."

Muntik lumabas sa ilong ko ‘yung iced tea.

"Babae?" curious na tanong ni Djoser.

"Hindi, lalaki. Lagi ko lang sinasabi na cute siya kaya napagkamalan na niya akong bakla."

“Sorry na nga!” pilit ko.

Ngumisi si Arkin sa 'kin at narinig kong natawa na rin si Djoser sa kabilang linya.

"Siya ba 'yung nasa IG mo?"

"Oo. Alala mo 'yung game na nag-landing ako sa gitna ng UP Pep Squad? Siya 'yung sumalo sa 'kin."

At ayun na nga. Habambuhay nang kasama sa kuwento naming dalawa ‘yun.

/Alam mo bang nakilala ko ‘yang Lolo mo n’ung mag-landing ako sa gitna ng UP Pep Squad? Siya ‘yung sumalo sa ‘kin!/

‘Tapos mag-aaway kami kung aling season ‘yun kasi pareho na kaming uliyanin.

"Anyway, d’yan siya sa Bangkok lumaki. Kaya siya 'yung tinanong ko kung ano 'yung puwede ko ipabili sa 'yo."

"Ah, okay. So ano na?"

"Elepante."

"Eyng?"

"Joke lang." Tiningnan niya ako. "Ano'ng gusto mo?"

Na-pressure ako bigla. Ano bang namimiss ko sa Bangkok? Thai food lang naman, pad Thai at fried rice na sa kalsada nabibili, sampaloc candy, chili salt…

"Ahhh... Potato chips?" sabi ko na lang sa huli.

"Huh?"

"Oo, potato chips!”  Bigla akong na-excite sa idea. “O kahit anong chichirya. Para madali lang nila mabibili saka madali nila maiuuwi."

"Narinig mo, Djo?" tanong ni Arkin na bumaling ulit sa phone niya.

"Thai chichirya, got it. And hi! I'm Djoser."

I smiled and leaned over. "Hello! I'm Kavin.”

"Nice to meet you!" sabi ng lalaki. "Any specific na chichirya?"

Mabilis akong nag-isip. "May... Hindi siya chichirya pero... Tawag sa kanya Fresh Fish." Ipinaliwanag ko kay Djoser 'yung itsura ng snack habang si Arkin naman ang tumanggap ng pagkain namin na dinala na ng server.

"Okay. Hanapin na lang namin. Nasa labas pa naman kami eh. Kung may maisip pa kayo, i-message n'yo na lang ako. May convenience store naman na malapit sa hotel eh. Saka hanggang Thursday pa kami rito."

"Okay. And thank you! Pero okay lang naman kung hindi kayo makabili—"

"Hinde! Anong okay?" sabat ni Kavin. "Kapag walang pasalubong, huwag ka na magpakita pa ulit sa 'min!"

"Ungas. Sige na! Message n'yo na lang ako. And Karina, Noë and Kev say hi."

"Sawadee khap!" masayahing bati ni Arkin na ikinatawa ko, ni Djoser at ng tinig ng mga babae sa background. Saglit pa silang nag-asaran bago nila tuluyang pinutol ang tawag. Ibinalik ni Arkin ang telepono sa bulsa niya saka niya pinagkiskis ang mga palad niya habang nakatingin sa mga pinggan. "Ang bango! Mukhang masarap lahat!"

"Masarap naman talaga 'yan lahat," sabi ko na excited na matikman niya ang mga pagkain.

Inabot sa 'kin ni Arkin ang serving plate ng bagoong fried rice. Ibinalik ko 'yun sa kanya nang malagyan ko na ang pinggan ko, saka ako naglagay ng serving ng tom yum sa mangkok at inabot iyon sa kanya. Maanghang ‘yun pero siya naman ang nagsabi na gusto rin niya matikman.

Nasa kalagitnaan kami ng pagpapalitan ng pinggan ng pagkain bago ko naisip kung ano ang ginagawa ko. Kay Ame kasi, kapag nasa buffet kami, ituturo lang niya kung ano ang gusto niya, 'tapos ako na ang maglalagay ng pagkain sa pinggan niya. Hindi ako sanay na may nag-aabot sa 'kin ng pinggan para ako ang maunang kumuha ng pagkain. It made me feel... something.

"Ano ulit ito?" tanong ni Arkin habang pinag-aaralan ang pinggan ng pad gra prow.

"Stir-fried basil beef. 'Yan ang paborito ko. Lalo na kapag may pritong itlog na malasado sa ibabaw."

"Ahhh." Inabot niya sa 'kin 'yung pinggan. "Mukhang sosyal na tapa."

"Masarap 'to!" tawa ko.

"Wala akong sinabing hindi!" balik niya na tumatawa na rin. Naglagay ako sa pinggan ko ng karne, at para na rin masigurong titikman niya ang paborito kong pagkain, ako na 'yung naglagay ng serving sa pinggan niya. Nang sulyapan ko siya, nakita ko sa mukha niya 'yung naramdaman ko kanina. Siguro ngayon niya na-realize na halos magtulungan kaming magpuno ng pinggan ng isa't-isa.

"So." He cleared his throat and picked up his spoon and fork. "May gusto akong itanong."

"Walang cilantro 'yan."

"Hindi 'yun."

"Hindi pa rin ako nagpapabango. HUWAG!" reklamo ko nang nakawin niya 'yung pinakamalaking hiwa ng karne mula sa pinggan ko at idinirecho 'yun sa bibig niya.

"Ang kulit mo kasi—uy, masarap 'to ah!" sabi niya habang ngumunguya.

Hindi ko alam kung bakit parang hindi proportional 'yung tuwa ko sa sinabi niya. Nagustuhan lang naman niya 'yung paborito kong pagkain, akala mo naman kung ano na 'yung nangyari.

"Sabi sa 'yo eh." Nagsimula na rin akong kumain. "Ano 'yung itatanong mo?"

Nagpatuloy siya sa pagnguya. "Saan nakuha ng parents mo ang Kavin? 'Yan ba talaga ang pangalan na pinili nila para sa 'yo o Kevin talaga dapat 'yan pero nagkamali sila sa spelling sa birth certificate mo?"

"Hindi, sira!" tawa ko kahit pa nakadama ako ng kirot sa puso ko nang maisip ko ang mga magulang ko. "Kavin talaga 'to. Landian kasi 'to ng nanay at tatay ko."

"Paano?"

"N'ung pumunta kasi si Mommy dito, hindi siya marunong mag-Tagalog. Thai, English at Mandarin ang alam niya. Ang unang Tagalog word na natutunan niya eh 'guwapo'. Itinuro sa kanya ng tatay ko. All the while, akala ni Mommy, Kuya ang ibig n'ung sabihin, so 'yun ang tawag niya sa tatay ko." Napangiti ako nang matawa si Arkin. Napansin ko rin na huminto talaga siya sa pagkain para makinig sa ‘kin na para bang kailangan niyang mag-focus. It made me feel a little self-conscious. "'Yung una namang Thai word na natutunan ng tatay ko eh 'soo-way'. Beautiful. N'ung nalaman nila na buntis si Mommy, naghanap sila ng pangalan na ibig sabihin eh guwapo o maganda. Kavin 'yung napili nila kasi ibig niyang sabihin eh guwapo o maganda."

May pagka-aliw na sa mukha ni Arkin and he finally sat back to start eating. "Ang cute naman! Ang kulit siguro ng parents mo."

I smiled sadly. "Yeah. They were."

Nakita ko 'yung pagkabigla ni Arkin na sinundan ng pagkapahiya. "Shit, dude. I'm sorry."

Tumango lang ako. "It was a long time ago." Alam kong gusto niyang itanong kung ano’ng nangyari pero pinigilan niya ang sarili na na-appreciate ko naman. Sa halip, tinikman na lang niya ang pad Thai sa pinggan niya.

"Ikaw?" tanong ko para baguhin ang usapan. "Ano’ng ibug sabihin ng Arkin?” 

“ Ah, mahilig kasi sa fantasy ‘yung nanay at tatay ko. Ibig sabihin ng Arkin eh ‘son of the eternal king’.”

Siguro dahil nabanggit ‘yung fantasy kaya may naalala ako. “May game n'ung bata ako na may Arkin."

"Runes of the Arkin," he grinned. "Nilaro mo 'yun?"

"Oo! Adik ako d'un noon!"

Mas lumaki ang ngisi niya, kasabay ng pamumula ng mga pisngi niya. "Ako 'yun, actually. Well, sa 'kin kinuha 'yung pangalan n'ung Arkin d'un."

"Huh?" nagtataka kong tanong. '"Ano'ng ibig mong sabihin? Paano?"

"Parents ko 'yung nag-develop n'ung game. Si Dad ang nagsulat ng storyline. Mommy ko 'yung art director."

Namilog ang mga mata ko. "Talaga?"

"Mukha ba akong nagsisinungaling?" tawa niya.

I could hear how proud he was, and why wouldn't he be? Runes of the Arkin was one of the biggest games in the world when we were kids.

"May isa pa 'yun di ba? May nauna d'un?"

"Stars of the Astrid, yeah. Ate ko si Astrid."

Napasandal ako sa upuan ko at nalimutan ko na 'yung pagkain namin. "That is so cool!" bulalas ko.

He shrugged, but he was still grinning. "Kamukha ko nga 'yung Arkin d'un eh. Three years old ako n'ung sinimulan ni Mommy na i-conceptualize 'yung art n'ung game. 'Yung Arkin d'un, 'yun 'yung idea niya ng magiging itsura ko kapag nineteen na ako." Pabiro siyang umanggulo na para bang nag-mo-model. "Kamukha ko naman siya di ba?"

Pinag-aralan ko 'yung mukha niya. Big, soft eyes,  straight nose, and that smirk on beautifully-shaped lips…

"Shit," namamangha kong sabi.  "Ikaw nga siya! Ang galing ng mommy mo! Teka!” Umangat sa dibdib ko ‘yung isa kong kamay. “Na-starstruck   ako!"

"Sa 'kin?" he asked in amusement. "Gusto mong autograph? HOY!" Siya naman ang nagreklamo dahil ako naman ang nagnakaw ng hipon mula sa pinggan niya. Idinirecho ko 'yun sa bibig ko sabay nguya.

"I meant sa parents mo!" paglilinaw ko.

"Gusto mo sila makilala?" tanong niya. "Malapit lang 'yung bahay nila dito. Punta tayo sa kanila pagkakain."

"Hala!" Napalakas ang tawa ko. "Tama ba 'yun? Nag-uwi ng stranger sa bahay ng nanay niya?"

"Stranger? Hindi mo ba ako narinig kanina? Ipinagpalit ko na si Djoser sa 'yo di ba? Kaya best friends na tayo!"

"Sige, best friend," sabi ko saka ko sinubukang magnakaw ng isa pang hipon mula sa pinggan niya. Sinangga niya ang tinidor ko. "O! Akala ko ba best friend mo na ako?"

"Hindi nagnanakaw ng pagkain ang best friend!" Isinubo niya ang hipon. "Pero seryoso ako. Kung gusto mo silang makilala, let me know. They'd love to meet you."

Napangiti ako d'un pero hindi ko alam kung bakit nadama kong uminit din 'yung mga pisngi ko. "Saka na. Kapag close na tayo."

One of the things I hated about myself is that I'm really bad at being with new people. Sinabi ko nang nahihirapan akong makipagkaibigan, di ba? Multiply mo 'yun by 10,000 at gan'un kahirap sa 'kin ang makipag-date. Hindi sa date ang tingin ko dito sa paglabas namin ni Arkin, pero hindi ko rin maalis sa isip ko na kung ganito lang kadali ang makipag-date, baka mas madali rin ang buhay.

Sa unang pagkakataon na may kasama akong bagong kakilala, hindi ko namalayan ang oras. Kung saan-saan napunta ang usapan namin. Naikuwento ko nang lola ko ang kumupkop sa 'kin n'ung namatay sa aksidente ang mga magulang ko, at na sa Cebu nakatira ang branch nila ng mga Uytengsu. Dahil d'un, mapanukso na niya akong sinimulang tawaging "bai".

Nalaman kong marketing ang course niya at na may part-time job siya sa maliit na kompanya ng computer software and app developer niyang Ate Astrid, at ikinuwento kong pre-med ko ang kasalukuyan kong course na Sport Science. Only child ako pero may apat akong pinsan na puro babae.

"P'wedeng magpareto?"

"Hindi," sabi ko agad kahit hindi pa siya tapos magtanong.

Agad din kaming nagkatawanan. Pero ang totoo, nakadama ako ng magkahalong kirot at panic sa tanong niya. Kung may mga babae kasing off limits talaga, mga pinsan ko na 'yun.

Pinag-usapan namin ang mga sport na gusto namin, at hindi siya makapaniwala na sa lahat ng sport, volleyball pa ang hindi ko alam laruin.

"Tuturuan kita! Hindi puwede 'yan! Hindi p'wedeng hindi ka marunong mag-volleyball! Hindi ako makapaniwala. Sa lahat naman ng sport!" iiling-iling niyang reklamo na may kasama pang paghampas sa ibabaw ng mesa.

Inirapan niya ako nang magsimula akong tumawa. Offended na offended kasi siya.

Napagkuwentuhan din namin ang mga kaibigan namin. Childhood friends na raw sila nina Flynn at Djoser, at ikinuwento ko na college na kami naging magkaibigan ni Ame pero may tatlong itlog akong iniwan sa Bangkok na mga kababata ko.

"Sa Thailand kasi, uso 'yung may nickname ka na random English word. Kasi komplikado sa mga foreigners ang mga pangalan ng mga Thai. Eh ako lang 'yung marunong mag-English sa barkada kaya ako 'yung hiningan nila ng suggestion."

"Ano'ng suggestions mo?"

"Marami eh. Coffee, Cream at Sugar..."

Napasandal si Arkin sa upuan niya at malakas na tumawa. "Langya! Ginawang 3-in-1 'yung mga kaibigan?"

"Sabi nila gusto nila na may koneksyon sa isa't-isa eh!" depensa ko sa sarili ko. "Pero hindi pa 'yun! Bacon, Eggs at Ham. Shampoo, Conditioner at Body Wash. Dami pa eh! Pero nahalata na nila na ginagago ko sila kaya sabi ko may naisip ako na maganda na bagay sa kanila."

"Ano na?" tanong ni Arkin na parang emotionally invested na sa mga English names ng mga kabarkada ko.

"Earth, Wind and Fire."

Kumurap siya. "As in 'do yo remember...'?"

Ako naman ang ngumisi. "'The 21st night of September'," patuloy ko sa kanta. Tawang-tawa ulit si Arkin pero pinagtanggol ko ulit ang choice ko. "Pero bagay naman kasi sa kanila! Si Earth, 'yung cool at kalmado lang. Si Wind, 'yung parang si Flynn sa inyo. Si..." Napahinto ako kasi bigla kong naisip na puwede ring Earth, Wind and Fire sina Djoser, Flynn at Arkin. Parang 'yun din ang naisip niya kasi sabi niya, "'Tapos ako si Fire?"

"Oo."

"Kasi hot ako?"

"Kasi ikaw 'yung amoy sunog."

"Gago 'to!" tawa niya na pinukol pa ako ng tissue.

Binato ko 'yun ulit sa kanya. "Wow! Ginagago na ako ah! Close na tayo?" biro ko.

Kitang-kita ko kung paano siya kinabahan at mabilis na nagpaliwanag kasabay ng pag-abot sa braso ko mula sa tapat. "Shit, sorry! Nabigla lang ako! Akala ko si Flynn ka lang eh! I didn't mean to! Sorry talaga!"

Pinitik ko siya sa noo, at lumipad ang kamay niya para kuskusin 'yun.

"Nukaba?" tawa ko. "Joke lang. Saka natutuwa rin naman ako na komportable ka sa 'kin na parang si Flynn na ako sa 'yo."

Saglit siyang natahimik at pinagmasdan lang ako. Nagtaas ako ng mga kilay and he smiled. "Well, maybe not exactly like Flynn."

Magtatanong pa sana ako kung ano ang ibig niyang sabihin kaya lang naramdaman kong nag-vibrate ang telepono ko. Kinuha ko 'yun mula sa bulsa ko at nag-alala pa nang makita ang pangalan at picture ni Ame.

"Si Ame," sabi ko kay Arkin bago ko sinagot ang tawag. "Hello?"

"Kav? Nasaan ka?"

Sinulyapan ko si Arkin na sumilip na rin sa sarili niyang telepono. "Nasa labas. Kasama ko pa si Arkin."

"Oh! Okay. Nag-alala lang ako kasi halos 11 na."

"Huh?" Tiningnan ko 'yung oras sa relo ko. 10:48 PM na. "Hala! Akala ko maaga pa!"

"Okay lang naman kung nagkakasarapan pa kayo ni Arkin... ng kuwentuhan," hagikgik niya bago pa ako makahirit.

Well, hell.

"Hindi na, okay na. Tapos na rin naman na kaming kumain."

"You sure? Kasi okay lang naman talaga. Nag-alala lang ako. Kanina pa kasi ako naka-uwi. Kung gusto n'yo pang tumambay..."

"Hindi na," giit ko. "Late naman na rin kasi saka malayo pa si Arkin."

Napatingin ako sa kasama ko nang magtaas siya ng kamay para kuhanin ang atensyon ng isang server at hingin ang bill namin.

"Alright. Sige. Ingat kayo pauwi."

Nagpaalam ako kay Ame at sabay na ibinaba ang phone ko sa mesa at kinuha ang wallet mula sa bulsa ko.

"Ako na," sabi ni Arkin nang dumating ang server. Sa kanya inabot ng babae ang bill.

"Hindi! Ako na!" pilit ko na inaabot 'yung bill na inilalayo niya sa 'kin. Talagang iniikot niya ang katawan niya para tumalikod sa 'kin nang tumayo ako para kunin ang bill mula sa kanya.

"Ako na kasi!" sabi niya na akmang sisikuhin pa ako palayo. "Okay lang talaga. Pa-thank you for the Muay Thai lesson kanina."

"Bayad na 'yun!" sabi ko at inabot ulit ang bill pero tinampal ng walangya ang kamay ko at inabot sa server ang credit card niya.

"Kunin mo na 'to, miss! Bago pa niya maagaw."

Bumungisngis ang babae, at nag-sorry sa 'kin bago dinala ang credit card sa cashier.

Sinimangutan ko si Arkin. Umiling siya. "Hindi na nga. Ako nang bahala."

Kahit anong pilit ko, ayaw talaga niya ako pagbayarin. Ayaw niya rin na hatian ko siya.

"Sa susunod mo na lang ako ilibre," sabi niya nang bumalik ang babae na dala-dala ang credit slip at isang ballpen.

"Sa dami ng na-plano nating gawin ngayong gabi, forever na tayong magkasama," I pointed out. Arkin only snorted as he signed his name on the slip.

Nilingon ako ng server na may friendly na ngiti. "Matagal na po ba kayong dalawa, sir?"

"Ha?!" bulalas ko kasabay ng malakas na tawa ni Arkin.

Ang walangya na rin ang sumagot nang ibalik niya sa babae ang credit slip at ballpen, saka ibinalik sa wallet ang credit card niya. "Hindi!" tawa niya. Pero bago ko pa siya ma-back up eh nagsalita na siya ulit. "First date pa lang namin 'to. Kaya ko nga siya nilibre eh."

Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa.

"Ay, gan'un po?" kinikilig na sabi ng server namin.  Binalingan niya ako "Naku, sagutin n'yo na po si sir! Bagay po kayong dalawa."

Nagbukas-sara ang bibig ko kasi hindi ako maka-isip ng pang-comeback sa gulat ko.

Muli, si Arkin ang nagsalita. "Bagay talaga kami?"

"Opo, sir!" sabi ng babae na mukhang BL fan pa. "Guwapo po kasi kayo pareho!"

"O, 'yan, bai, ah," sabi sa 'kin ng walangya. "Bagay daw tayo!"

Gusto ko siyang sipain ulit pero ngumiti na lang ako sa server namin. "Pag-iisipan ko pa muna kasi hindi ko siya masyadong type eh."

"Ay! Mataas ang standards ni sir! Pero tama po 'yan. Don't settle!"

Noon ako tumawa. Akala ko kasi talaga sasabihin niya na patulan ko na si Arkin kasi guwapo naman. Di ba 'yun ang madalas sinasabi ng mga tao? Okay na 'yan kasi guwapo/maganda naman, na para bang pinakamalaking factor sa kung gaano kayo kasaya sa relasyon ay kung guwapo o maganda sa iba ang partner mo.

"Tsk, akala ko naman kakampi kita!' reklamo ni Arkin.

Tumawa ulit ang babae. Inabot ko 'yung bill folder at nag-iwan ako ng tip para sa kanya, 'tapos ay tumayo na kami ni Arkin. Inihatid pa niya kami sa pintuan at kumaway kami sa kanya bago kami naglakad pabalik sa kotse ko.

“Ikaw!” Itinulak ko siya palayo sa ‘kin. “Mamaya may nakarinig sa ‘yo na kilala ka, ikalat pa na bakla ka talaga.”

“Bakit? Sa palagay mo ba walang nag-iisip na bakla ako?” hamon niya sabay ngisi. “Bukod sa ‘yo?” dagdag niya.

“Sorry na nga!”

He chuckled. “Joke lang. Saka hayaan mo sila. Hindi ko na problema kung hindi sila makatulog kakaisip kung bakla ba ako o hindi.”

“It doesn’t bother you?” curious kong tanong. “Unang reaksyon kasi ng tao eh maging defensive kapag ganyan.”

“Eh, oo nga. Pero wala ka namang panalo kapag ganyan. Kapag itanggi mo, sasabihing masyado kang defensive kaya bakla ka. Kapag hindi ka nagsalita, sasabihin rin naman ng mga tao na baka totoo nga. So bakla ka pa rin. Hindi na ako pumapatol kasi wala namang masama kung bakla ako. Okay lang sa ‘kin kung ‘yun ang gusto nilang isipin. Only assholes use gay as an insult anyway, and dealing with assholes is a waste of time.” Sinulyapan niya ako. “Ikaw ba? Hindi ka ba napapagkamalan?”  

“Dancer Ako, Arkin. What do you think?”

“Ah.”

“Yeah. Pero weird kasi parang wala akong lugar,” sabi ko. “Sa mga barako, masyado raw akong effeminate para maging straight. Sa mga bakla naman, masyado raw akong straight para maging gay.”

Arkin started to laugh. “Hayaan mo na. Hindi naman na natin problema ‘yun eh. Kilala naman natin mga sarili natin di ba?”

Yeah, I definitely do. At siguro natuwa lang din ako sa attitude ni Arkin kaya…

"Ihahatid na kita," bigla kong sabi bago ko pa na-realize na iniisip ko pala 'yun.

"Ha? Sa bahay ko?" He sounded confused.

Sinulyapan ko siya. "Malamang. Alangan namang iuwi kita sa bahay ko." At dahil mukhang okay lang naman sa kanya ang mga ganitong joke, humirit na rin ako. "First date pa lang natin, gusto mo nang umuwi sa 'kin?"

Itinulak niya ako ulit. "Sira, hindi!" tawa niya. "Ang layo lang ng bahay ko. Sa Taft pa ako nakatira. Mag-ga-Grab na lang ako."

"Mag-ga-Grab pa eh ihahatid ko na nga. Saka patas lang 'yun kasi nilibre mo ako ng hapunan."

Huminto siya sa paglalakad at nilingon ko siya. "Hindi naman tayo nagbibilangan. Saka anong oras na, Kavin. Uumagahin ka na sa kalsada kapag ihatid mo pa ako."

"I like driving," sabi ko na nagkikibit-balikat. "I like driving at night."

"Huwag na kasi. Okay lang talaga."

Bumuntong-hininga ako. "Eh okay. Mag-Grab ka, pero ihahatid ko sa bahay mo 'yung bag mo." Nalaglag 'yung panga niya. Kinindatan ko siya saka ako tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa kotse ko. Sa likuran ko, narinig kong nagsimula siyang tumawa, pagkatapos at sumunod na rin sa 'kin.
---
"DO YOU want music?" alok ko kay Arkin habang nagmamaneho ako. Tahimik kasi sa loob ng kotse eh. Baka naaasiwa siya. Nasa San Juan pa rin naman kami. Wala namang traffic at sinusundan ko lang ‘yung GPS na ni-program niya. 

"Ah, sure. Okay lang kung playlist ko o mas gusto mo 'yung sa 'yo?"

"Okay lang kahit alin."

"Can we listen to yours?"

Sinulyapan ko siya at nakitang nakatingin siya sa 'kin. "Yeah, go ahead," sabi ko bago ako nag-panic sa loob ko na baka ma-kornihan siya sa gusto kong music.

He swiped through my playlists then stopped at one.

"Badlands?" masaya niyang bulalas. "Favorite ko sila!" He  tapped on the screen at nagsimulang tumugtog ang bagong album ng paborito ko ring banda.

"Ako rin!" sabi ko. "Wala pa yata akong ibang pinakinggan na album mula nang i-release nila 'yan."

"Nakapanood ka na ng gig nila?"

"Oo! Isa sa HaLo, isa sa UP. Pero kung puwede lang, papanoorin ko lahat ng gig nila."

“Tanong natin kay Karina—‘yung kasama ni Djoser kanina—kung kailan sila ulit manonood. Family friend nila sila Kuya Marlon eh.” 

“Ah talaga? Sige! Nakilala mo na ba sila? Puwede ba ako magpa-picture?“

“Oo naman!” natatawa niyang sagot. “Mabait silang lahat sa banda. Sige, nood tayo ng gig nila.”

Napangisi ako at sinulyapan siya. “Dami na talaga nating plano,” biro ko.

“Oo nga eh. Nag-volunteer na nga akong ipakilala ka sa mga magulang ko! Daig mo pa mga ex ko ah!”

“Ganyan talaga,” pagmamayabang ko. “Mukhang mas cute din naman ako sa kanila eh.”

Tumawa siya pero binalikan niya ang mga playlist ko. Huminto siya sa isang playlist na puro Thai ang kanta.

“Turuan mo ako mag-Thai,” bigla niyang sabi.

“Huh?”

“Nakaka-insecure ka eh. English Tagalog lang ang alam ko, pero ikaw, marunong kang mag-English, Tagalog, Bisaya, Thai at Mandarin di ba?”

“Hindi masyado sa Mandarin at Bisaya. Nakaka-intindi ako pero hindi ako marunong magsalita.“

“Buti nga nakaka-intindi ka. Pero sige na. “ Kinalabit pa niya ako. “Turuan mo akong mag-Thai. Kahit one word a day lang.”

“Forever na talaga tayong magkasama, kung one word a day lang ang ituturo ko sa ‘yo,“ tawa ko.

“We have to start somewhere. Sige na. One word lang.”

Actually, hindi ko kinailangang mag-isip ng salitang ituturo ko sa kanya.

“Na rak,” sabi ko agad.

“Ano ulit? The Rock?”

“Na rak.”

“Ano’ng ibig sabihin n’un?”

“Hanapin mo!” tawa ko. “Mas matututo ka kapag gan’un.”

“Ehhh,” reklamo niya pero kinuha na niya ang phone niya.

Inabot ko ‘yun para takpan 'yung screen. “Mamaya na pag-uwi mo!”

“Bakit? Mura ba ‘yun? Mura ‘yun ano?”

“Hindi! Pero mamaya na.” Sinulyap-sulyapan ko siya at bumuntong-hininga siya pero ibinaba naman niya ulit ang phone niya. Hmm. Masunurin. Good boy.

“Ay, teka pala,” bigla niyang sabi. “Pahiram pala ng phone mo. Ilalagay ko lang number ko.”

Okay. Puwede namang hingin na lang niya ‘yung number ko di ba? Pero ewan kung mambubudol ba ito kasi itinuro ko ‘yung phone ko bilang permiso na kunin niya ‘yun, ‘tapos ibinigay ko pa talaga ‘yung passcode ko.

Nag-miss call siya sa sarili niyang phone para makuha ang number ko, saka niya ibinalik ang telepono ko sa center console.

“Ayun na ‘yung building namin,” turo niya nang malapit na kami sa condominium complex kung saan siya nakatira.

“AMC ‘to ano?” tanong ko.

“Oo. Housemate ko dati si Djoser. Family friend nila ‘yung mga Montesines. Dami nilang friends ano?”

I snickered.

Iniliko ko ang kotse papunta sa entrance ng complex. “Kailangan ko ba mag-iwan ng lisensya?”

“Hindi na. Ibababa mo lang naman ako sa lobby eh. Magpapakita lang ako sa guard.”

Inihinto ko ang kotse nang parahin kami ng guard pero agad namang pinapasok na may saludo pa nang magpakita si Arkin. Mukhang close siya sa guards ng complex nila.

“Saan ka?”

“D’yan na lang.” Itinuro niya ang maliit na rotonda sa harapan ng entrance ng unang building. Iniliko ko ‘yung kotse at inihinto sa tapat ng entrance.

Inalis ni Arkin ang seatbelt niya saka inabot ang bag niya mula sa backseat.

“Thank you sa paghatid,”  sabi niya nang maka-ayos siya ulit ng upo. “At sa Muay Thai lesson kanina.”

Pabiro ko siyang nginitian. “Baka naman hindi ka na bumalik.”

He flexed his fingers, glancing at his injured knuckles, then looked back at me. “Alam mo? I think it might be worth it. Kailan ka ulit nasa gym?” tanong na niya agad bago ko pa maisip kung ano ‘yung “worth it”. 

“Thursday.” 

“Then I’ll be there on Thursday.” He grinned. “’Tapos ikaw naman ang manlibre ng dinner n’un ah.”

“Sige!”

“Magdadala na rin ako ng kotse n’un. Kung gusto mo, ako naman ang maghahatid sa ‘yo pauwi.”

Hindi na naman ako nakasagot agad.

“O, ikaw ‘yung mahilig sa patas ah! Magpahatid ka na sa ‘kin para quits na talaga tayo.”

“Ah, okay. Sige.” *blink, blink*

“Ay, teka. Paano kayo pupunta ni Ame? Gusto mong sunduin ko na rin kayo?”

Hindi pa rin nakakahabol ‘yung utak ko. “Ah, itatanong ko muna. Text na lang kita.”

“Okay!” Inabot niya ‘yung door handle; inabot ko ang braso niya. Nilingon niya ako. “Thanks sa dinner. I really had a great time… with you.”

Tumawa si Arkin. “Bakit parang di ka makapaniwala na nag-enjoy ka?”

Noon ko na-realize na kunot ang noo ko. Mahina akong tumawa. “Hindi. Medyo… matagal kasi bago ako nagiging komportable sa tao. Hindi ako sanay na first time ko lang lumabas kasama ng isang tao na okay na agad ako sa kanya. O na gusto pa niya akong makita ulit,” dagdag ko na half-joking, half-serious.

He gave me one of his soft smiles that lifted the corners of his perfect lips. “I like you,” sabi niya bago siya tuluyang ngumisi. “In a straight, non-gay way. Hindi ko rin alam kung bakit, kasi ako naman talaga ‘yung suplado, pero magaan agad ‘yung loob ko sa ‘yo. Bihira lang ‘yun eh, kaya rin siguro ako nakikipagkaibigan sa ‘yo. I don’t want to waste the chance to be friends with someone I like. Konti na nga lang ‘yung gusto kong tao sa mundo eh, hindi ko pa ba susubukang makipagkaibigan?”

Ako naman ang napangiti. “Well, I’m glad. Salamat din para d’un.”

He extended his fist and I bumped my knuckles against his, carefully dahil may mga galos nga siya.

“Ingat sa pag-da-drive. Text mo ‘ko pag naka-uwi ka na.”

Tumango ako  “I will.”

“Good night.”

“Good night.”

He gave me one last smile before he opened the door and got out of the car. Kumaway siya nang magsimula akong magmaneho paalis, at mahina akong bumusina bilang pagpapaalam. N’ung nasa guard house na ako, sumilip ako sa rearview mirror. Naroon pa rin si Arkin sa labas, pinapanood ang pag-alis ko.

Habang nagmamaneho pauwi, binalikan ko ‘yung buong gabi na kasama ko si Arkin. Ngayon lang talaga ako nag-enjoy nang ganito kasama ang isang bagong kakilala. May mga naikuwento rin ako sa kanya na inabot ng taon bago ko naikuwento kay Ame. And I just felt so comfortable. Nagpapasalamat na lang din ako na nakipagkaibigan siya sa ‘kin sa kabila ng pagiging borderline anti-social niya. Bihira nga naman kasi na makakilala ka ng isang tao na makakasundo mo agad. I’m glad neither of use wasted our chance with each other.

Nang ma-realize kung ano ang naisip ko, malakas akong natawa sa sarili ko. Kapag marinig ako ni Ame, kahit ilang beses ko pa ipilit na hindi ako bakla, iisipin n’un na soulmates kami ni Arkin. Eh sige lang. Soulmates don’t actually have to be lovers, right? I’m good with being platonic friends with a soulmate.

Kung hindi ko naalis sa isip ko ang idea ng soulmates Hanggang sa maka-uwi ako, sanabi ko na lang sa sarili ko na ‘yun ay dahil sa pinaghahandaan ko ang mga sasabihin—no, ititili—ni Ame sa tainga ko kapag mag-usap na kami tungkol sa gabing ito.

---

Kavin: Bahay na! Thanks ulit ah. You know, for dinner and everything else. Sana tulog ka na and I don’t disturb you. Good night!
Wed 1:02 AM

Kavin: At talagang “Bai” ang nilagay mong contact name ah! Muntik ko nang hindi mahanap ‘yung number mo.
Wed 1:02 AM

Bai: Hey! Ang bilis mo ah! At siyempre, para special!
Wed 1:03 AM

Kavin: O, ba’t gising ka pa? Matulog ka na! May trabaho ka pa mamaya!
Wed 1:03 AM

Bai: Opo na! Tutulog na. Hinihintay lang naman kita haha thanks ulit ah! I really had a great time. Talk to you later?
Wed 1:05 AM

Kavin: Okay po. Later. Good morning!
Wed 1:07 AM

Bai: Good morning!
Wed 1:07 AM

Bai: Oo nga pala!
Wed 1:07 AM

Bai:
Na rak
น่ารัก

(adj.) cute

As in, “your face is na rak.”
Wed 1:07 AM

Everything Leads to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon