FIVE

143 26 5
                                    

💖💖💖

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

💖💖💖

DAPHNE

"Ang dami namang bulaklak niyan, halos araw-araw yata ay tatlong vase ang dumadating bukod pa sa dala mo galing sa opisina," puna ni nanay habang inaayos ko ang tatlong bouquet ng bulaklak sa magkakaibang flower vase sa kusina.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Alam ni nanay na wala akong pinapayagang manligaw sa akin kaya wala naman talagang nagpapadala ng bulaklak o bumibisita man lang dito sa bahay namin para umakyat ng ligaw.

At si Dylan, I flatly told him na iba na lang ang kumbidahin niya sa bahay at buhay niya. So these flowers were unexpected. Ang mamahal pa naman. It was tulips and carnation for today. 

Mayroon ba nito sa Pilipinas?

"Ipapakilala mo ba sa amin?"

Napalingon ako kay nanay. "Wala 'to, Nay. Wala lang mapaglibangan itong taong ito. Feeling niya siguro ay bibigay ako dahil sa mga bulaklak na ito."

Naupo siya sa isa sa anim na silya sa dining table. "Eh, bakit naman hindi ka puwedeng bumigay kung totoo naman siya?"

I sighed. "'Yon nga po. Hindi ko alam kung totoo siya." At wala akong balak alamin. 

Dylan in my life spelled heartbreak. Mas malaki ang tendency na ma-inlove ako sa kanya. Mas masakit kapag nambabae siya. At baka ikamatay ko na kapag nagsawa siya sa akin.

"Tingin mo ba magpapadala 'yan ng ganyan karaming bulaklak kung hindi siya totoo sa iyo?"

Naku, nangangarap ang nanay ko. Kailangang putulin ko ito ngayon pa lang. "Nagpadala po siya kasi kaya niya." 

Walang idea si nanay sa mga lalaki ngayon. Feeling niya kapag nagpadala ng bulaklak ay totoo na.

Si Dylan ay kayang magpadala kahit isang buong greenhouse ng bulaklak at ni hindi man lang ito maapektuhan. Ano na lang na iutos nito sa sekretarya once a week na padalhan ako ng anim na bouquet na bulaklak araw-araw. Tatlo dito sa bahay at tatlo sa opisina. Pinamimigay ko na nga ang iba.

Bumuntong hininga siya. "Daphne. Huwag mong isara ang puso mo. Hindi lahat ng lalaki ay tulad ni Rigor."

"Hindi naman sarado ang puso ko, Nay. Ayaw ko lang umasa. Masakit kaya iyon. Tingin mo may magtototoo pa sa akin? Ang dami kong issue at hanggang ngayon ay kasal pa ako."

Napailing siya. "Bakit hindi mo hanapin si Rigor para makapaghiwalay kayo nang maayos?"

"Kung gusto ni Rigor iyon ay noon niya pa ginawa kasi siya ang may pera. Kahit hanapin ko siya, wala naman akong magagawa."

She looked hopeful. "Alam ba ng lalaking iyan ang estado mo?"

"Hindi ko po iyon itinatago kahit kanino."

"Alam niya naman pala, eh. Kung lolokohin ka lang niyan, no'ng tanggihan mo siya, hindi na sana nagpadala ng bulaklak."

Hindi ako kumibo. Mananalo ba ako sa nanay ko? 

FALLING IN LOVE AGAIN (ONGOING)Where stories live. Discover now