DGH 38

2.3K 92 133
                                    

Chapter 38

Philip's P.O.V.

"Hindi mo alam na nagpapanggap kang may sakit para utuin mo si  Mathius!" Sabi ko sa kanya na ikinalaki ng mga mata niya

"Ano bang pinagsasabi mo Philip, hindi ko alam ang mga pinagbibintang mo!" Galit na sagot naman nito sa akin

"Hindi mo alam? (Sabay ngisi ng mala-demonyo) pwes!" Sabi ko sabay play ng cellphone ko kung saan nandoon ang video nong panahon na nakita ko siya sa opisina na may katawag sa kabilang linya.

Nanlaki naman ang kanyang mga mata dahil sa nakita niya.

"How could you!" Galit niyang sigaw sa akin sabay lapit at akmang kukunin ang cp ko pero mabilis ko itong itinago.

"Ngayon alam ko na ang baho mo! At alam ko na din ang pakay mo! So bakit mo ginamit si Mathius! Anong ginawa ni Mathius sayo!" Galit kong sigaw sa kanya

"Hindi mo alam kong bakit ko ito ginagawa Philip!" Ang galit at umiiyak nyang sabi

"Oo hindi ko alam, pero ang inaalala ko ngayon ay bakit mo idinamay si James sa kasakiman mo!"

"Wala kang alam!"

"Pwes kung hindi mo sasabihin ay mas mabuti pang malaman agad ito ni Mathius  para matapos na ang mga pinaplano mo!" Galit kong sigaw sa kanya

"Sige! Subukan mo at ako ang magpapapatay sayo!" Galit nitong sabi sa akin

"Bakit? Sa tingin mo matatakot akong mamatay? O baka naman ikaw pa ang una kong mapatay!"

"Gago ka Philip!"

"Maganda ka sana pero ang bobo mo!"

"Bobo na kong bobo, atleast nasimulan ko na ang paghihiganti ko!"

*PAKKKK*

Umalingaw-ngaw naman sa loob ng banyong ito ang malakas na pagsampal ko kay Jade na sanhi ng pagtahimik niya.

"Anong sabi mo! Paghihiganti, bakit anong maling ginawa ni Mathius sayo, diba mas dapat  si Mathius pa sana ang maghihiganti sayo dahil sa mga panglolokong ginawa mo sa kanya!"

"Tama ka walang ginawa sa akin si Mathius, pero ang asawa niya meron! Dahil buhay ang kinuha niya dapat buhay rin ang kapalit! At ngayon ng umaayon na sa akin ang panahon! Ayokong may hahadlang pa sa plano ko kahit ikaw man yon oh kung sinong punso pilatong hudas man!"

"Winasak mo na si James, Jade! Napaghiwalay mo na sila ni Mathius, ano pa bang gusto mo!"

"Nagsisimula palang ako! At dahil nakuha ko nang paghiwalayin si Mathius at ang baklang yon! Ako na ang bagong heir na magtataguyod sa Montenegro Corp.!"

"Walang hiya ka talagang babae ka! Bakit ano bang ginawa sayo ni James bakit mo siya ginaganito!"

"Dahil mamamatay tao siya! Pinatay nya ang taong pinaka-mamahal ko!"

Nabigla naman ako sa sinabi niya.

"Anong sabi mo? Pinatay ni James ang mahal mo! So it means na matagal mo na palang pinagloloko si Mathius!"

"Oo! Dahil hindi ko naman talaga mahal si Mathius pinilit nya lang ako!"

"At dahil sa tanga niyang asawa namatay ang fiancee ko! Dahil sa katangahan ng baklang yon tumawid siya bigla habang nagmamaniho si Prince!"

"April 21, 2016, alas kwarto ng hapon sa harap ng isang coffee shop! Si James! Ang lintik na baklang yon! Tumawid siya bigla ng hindi man lang tumitingin sa tinatawiran niya kung kayat nabunggo kami ni Prince! Siya ang dahilan kong bakit namatay ang taong papakasalan ko na sana!"

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon