DGH 15

613 34 0
                                    

Chapter 15


James P.O.V.

"Di ba sabi mo uuwi kana? Last week mo pa sinasabing uuwi ka ah! May problema ba? Baka pwede ako pumunta diyan para matulungan kita!" Ang nag-aalala kong sabi

"No! Its okay, promise uuwi na talaga ako bukas!" Saad naman nito sa kabilang linya

"Promise yan ah! I miss you, mag ingat ka diyan, I love you" Tugon ko naman

"Cge bye, medyo busy kasi ako ngayon" Sagot nito at bigla niyang pinatay ang telepono.



Ganun nalang palagi ang nangyayari
sa tuwing tumatawag ako, kung di niya sinasagot ay pinapatay niya agad ang tawag, sinasabi ko nalang sa sarili ko na baka busy lang siya sa trabaho, ayokong isipin na iniiwasan niya nanaman ulit ako, ayokong
isipin na babalik ulit sa dati ang relasyon namin.




After nong birthday ko ay di ko na sya
nakita, di pa sya nakakauwi mula nong araw na yun. Sabi niya ay may business trip raw sila, pero parang ayaw kong maniwala o baka napapraning lang ako.



*Dingdong*Dingdong*


"Teka lang!" Sabi ko habang binubuksan ang pinto.

"Good evening!" Bungad sa akin ni Lithium

"Oh Lithium bat ka nandito? At bat
nakaformal attire ka yata ngayon?" Taka kong tanong kasi wala naman kaming napag-usapang lakad

"Nakalimutan mo ba? We agreed last night na aattend tayo ng event together" Ang nakangiting saad nito

"Ah! Oo nga pala sorry nakalimutan ko. Upo ka muna don at magbibihis na muna ako!" Saad ko naman sa kanya.

Di na ako tumanggi ng yayain ako ni Lithium na sumama dahil sobrang tahimik dito sa bahay, wala man lang akong kasama dahil si Manang ay di na nakabalik kasi may sakit ang kanyang apo at kailangan niyang
alagaan.



May nagbigay rin kasi ng invitation
card sakin kaya napagpasyahan naming sabay na pumunta don.


"Tara! baka pagdating natin don ay tapos na ang event!" Saad ko sa kanya ng matapos akong mag-ayos

"I don't really wanna attend in that event! Kung di lang dahil sa business. Eh ikaw bat may invitation card ka?Kakilala mo ba ang dadaluhan nating event?" Tanong niya habang binubuksan ang pinto ng sasakyan
para sakin.

"Di rin! Baka kakilala ng asawa ko! Di ko rin kasi nabasa yung invitation." Sagot ko naman




Pagdating namin sa venue ay ang daming tao, at media. Siguro sikat ang bida ng event ngayon, ang nasabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang nagkakagulong tao.


Umupo kami sa reserve table para samin. Iniwan naman ako saglit ni Lithium dahil may kinausap syang kanegosyo.


Habang nililibot ko ang aking mga mata sa paligid ay parang nakita ko si Mathius, di ako sigurado kung sya ba talaga yun o baka naghahalucinate lang ako dahil sa sobrang pagkamiss sa kanya.


Imposibling nandito siya dahil kausap ko sya kanina at nasa business trip pa sya at sabi niya pa ay busy sya kaya imposibling sya ang nakita ko. Ilang sandali pa inintroduce na nang Emcee ang mga bida ng gabing ito.



"Good evening everyone! Let me call on the newly engage couple Ms. Christine Jade Cole and Mr. Mathius Montenegro!" Sigaw ng emcee


Wow!

Kapangalan niya ang asawa ko. Pero natigil ako sa aking pagpalakpak ng lumabas ang isang babae kasama ang isang lalaki. Natulala ako, biglang nag sink-in saking isipan na Mathius Montenegro din pala ang pangalan ng aking asawa.



Sinampal ko ang sarili ko, baka kasi
nanaginip lang ako, paulit ulit kong
sinampal ang sarili ko pero talagang totoo ang mga nangyayari. Totoong nakangiti ang asawa ko habang hawak ang kamay nung babae.


"Good evening again everyone, me and my fiance says thank you for attending our engagement party, and thank you for celebrating with us." Ang nakangiting saad ng babae habang hawak ang kamay ng asawa ko


Di ko talaga maintindihan ang mga
nangyayari kaya nagtanong ako sa babaeng katabi ko.


"Excuse me! Pwede bang magtanong?" Sabi ko sa katabi kong babae

"What?" Sagot naman nito

"Kaanu-ano ba ng babaeng nagsasalita ang lalaking nakahawak sa kanya?" Tanong ko dito

"Di mo ba narinig? Silang dalawa ang
engaged couple, so malamang yung lalaking nakahawak sa kanya ang fiance niya." Sagot naman nito

Engage?

Fiance?

Pano?

Sabi ko habang wala sa sariling naglalakad palapit kay Mathius. Wala na akong pakialam kung tinitignan na ako ng mga tao dito, pinagpatuloy ko ang paglakad palapit sa kanya at mukhang di niya pa ako napapansin
dahil busy sya sa kanyang fiancee.


At nang ilang hakbang nalang ay abot ko na sya ay nagkatinginan kami sa mata. Alam kong nagulat sya.

Papalit-palit kong tinignan ang mga mata niya at ang kamay niya na nakahawak sa kamay ng babaeng
katabi niya. Pinigilan ko ang sarili kong yakapin sya.


"James!" Gulat at mahina niyang sabi.




************************

Vote and Comment



-Geraheart_17

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora