Kabanata Pito: Pabalik Sayo

1 0 0
                                    

Whatever the ending is, thank you for making me feel loved.

KATATAPOS, lang namin mag interview sa mga mini-store. Nag dine-in kami sa isang mini eatery dahil malapit na maggabi.

Ilang linggo ng hindi ko nakikita si Ian. Hindi na ako napunta sa mil teas shop na maaari niyang pagtambayan na alam kung doon ko siya maaaring makita. Akala ko after ng pag-uusap namin sa maiksing oras na yun okay na kami. Medyo okay na ako. I planned to be close sana sa kanya as friend gusto kong isalba pa rin yung friendship na meron kami ngayon. At mas nagi-gets ko na two ex'es though di kami naging ex'es can't be friends.

"Chin, samahan mo ko bilis", Tarantang hila sa akin ni Diachi. Mabilis siyang gumalaw at pinaadar yung motor.

"Bakit anong nangyari?", Nagtataka kong tanong.

"Si Ian napaaaway", Sigaw niya dahil hindi kami magkarinigan.

Nag-aalala rin ako sa kanya. Noon pa lang nang lumipat siya dito ay nag-iba na raw ugali niya. Marami siyang bisyo alak at barkada. Single mom na dalaga ang lagi niyang naging gf. Yung iba nagtatagal madalas hindi. Gusto niya yung mga matured.

Dali daling pinark ni Daichi yung motor sa gilid. Nasa court kami ngayon. Sinundan ko siya at nakita namin si Ian kasama ang isang babae na hindi pamilyar sa akin ang mukha. Basta hindi ito yung girl na kasama niya nang makasalubong ko sa apartment. Maraming gasgasa at pasa sa katawan si Ian. Habang nakatitig lang yung babae sa harap niya.

"Anong nangyari, Aica?", Pag-aalalang tanong ni Daichi. Lumapit siya dito at sinuri ang kabuuan ng kaibigan.

"Nagkainitan sila ni Tito Ian", Maluhang luhang wika nung Aica.

"Iuwi muna natin siya sa inyo Daichi", Wika ko kay Daichi. Halos di na kasi maimulat ni Ian yung kanyang kaliwang mata.

"Ihatid ko muna si Aica. Diyan lang muna kayo",

"Sigee, ingat Daichi", Wika ko sa kanya.

Tinignan ko kabuuan ni Ian. Hindi siya nagsasalita. Kinuha ko yung tumbler ko at pinainom si Ian.

"Inom ka muna", mahinahon kong wika sa kanya.

Inilalayan ko yung ulo niya. Iniaangat ko ito at pinainom sa kanya ang tubig. Nilabas ko yung panyo at pinunas sa mukha niya. Pawis na pawis siya at natulo ang ibang dugo. Hindi ko namalayan na kanina niya pa ako tinignan. Nagtama mga mata namin. Hinawakan niya ang kamay ko. Biglang kung may anong kuryente at nakaramdam ako ng init sa aking mga pisngi. Tinuloy tuloy ko lang ang pagpunas sa kanya pero hindi niya binibitawan ang kamay ko.

"Malinis na yang mukha mo", Sabi ko at inalis na yung kamay niya sa pagkakahawak niya sa akin. Sumandal din ako sa kinasasandalan niya. Nakasandal kami sa stage.

Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit sila napaaaway nila Tito. Kaso alam kong mahihirapan siyang magsalita. Isinandal ni Ian ang ulo niya sa balikat ko.

"Salamat", Bulong niya pero pautay utay niyang sambit

"Huwag ka na magsalita muna. Mahihirapan ka niyan"

"Nahihiya tuloy ako sayo. Sorry ito yung Ian na matagal mo ng hindi mo na kilala. Pasaway sa magulang at walang plano sa buhay", Mahal niya pamilya niya sila Tita pero dahil dala na rin siguro ng barkada kaya siya naimpluwesiyahan ng ganito. Maling grupo ng kaibigan siya napunta.

"Alam ko matagal na laging nababanggit ka ni Tita kapag nagkakasalubong kami. Si Ian namin pasaway laging nasasaktan ng papa niya. At alam kong may dahilan ka sa mga ginagawa mo. Tsaka lahat naman dumadaan sa ganyan. Kaya hindi mo kailangang mahiya sa akin. Kahit kelan naman ay hindi nagbago tingin ko sayo", Tadhana talaga, nagkataong kami lang nandito. Wala siyang reaksyon sa sinabi ko. Saglit kaming natahimik. Ang sarap sa pakiramdam hindi ko alam kung saan nanggaling pero ang sarap at ang ginahawa sa pakiramdam kapag kasama ko siya nang kaming dalawa lang. Ito yung mundo namin na kaming dalawa lang ang may alam.

CommittedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant