Epilogue

866 22 3
                                    

Ilang buwan na rin ang lumipas mula nang napagpasyahan ko na magpagamot. Dahil tama sila na kailangan kong umusad. Pero hindi ibig sabihin non ay lilimutin ko si nitch. Ang tagpo sa tabing dagat ang naging huling pagkikita namin. Pagkikita namin na tanging gawa-gawa lamang ng isip ko.





Inaayos ko ang ibang gamit sa kwarto namin nang may matagpuan akong picture at isang usb. Picture iyon ng isang ultrasound. Alam ko iyon dahil nung buntis si Ria ay sinasamahan ko sya.





Kinuha ko ang usb at sinalpak ko sa laptop ko.






Ipinlay ko ang video na naroon. Nandon si Nitch na inaayos ang anggulo ng camera.







"Ayan maayos na! Hello mahal ko. Hello daddy. Happy birthday sa pinaka mamahal kong lalaki sa buong mundo. Ginawa ko itong video na to para sa birthday mo. May surprise ako mahal ko."






May inilabas itong litrato at PT.





"Magiging daddy ka na ulit! Congarats satin mahal ko! Magkaka baby na ulit tayo."





Pinahidan nito ang luhang namumuo sa mata nya.






"Ayan naiiyak tuloy ako. So ayun nga... Salamat. Salamat sa lahat lahat Nate. Salamat sa pagmamahal. Salamat sa pag-aalaga. Salamat kasi ipinaramdam mo sakin na ako lang. Inalagaan mo ako na para bang ako na ang pinaka mahalagang bagay dito sa mundo. Mahal na mahal kita palagi. Gaya ng palagi mong sinasabi sakin... Ikaw lang din ang mamahalin ko sa kabila man o sa susunod na buhay."






Natapos na ang video habang umaagos parin ang luha ko... Ang video na yon dapat ang magiging video greetings nya para sakin... Pero naaksidente kami. Sumalpok ang truck sa amin at mas napuruhan si Nitch. Tumagal rin ng linggo ang pagpapagaling ko pero nakalimutan ko iyon dahil nga iba ang sinasabi ng isip ko.







"Nitch ko.... Mahal na mahal kita... Patawarin mo ako hindi kita nailigtas... Patawarin mo ako mahal ko..."






Ang hirap mong bitawan... Ang hirap mong bitawan kasi mahal na mahal kita.






*****


Nakaupo ako sa tabing dagat kung saan palagi kaming pumupunta dati. Pinagmamasdan ko ang paglubog ng araw.








"Ang ganda ng sunset mahal ko, Sampung taon na ang lumipas pero narito parin ako inaalala ang lahat lahat ng masaya pa tayong dalwa."







"Nandito parin ako at umaasang babalik ka sakin... Kahit alam kong hindi na talaga."







Sa lumipas na sampung taon ay hindi naging madali sakin ang lahat. Kahit mahirap ay pinili kong magpagamot para sa anak ko.

 Kahit mahirap ay pinili kong magpagamot para sa anak ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


(This is Nate while reminiscing his memories with Nitch.)





Nang magdilim na ay umuwi na rin ako.
Naabutan ko si Nasher sa sala. Binatang binata na ang anak natin.. parang kailan lang.









"Galing ka nanaman po ba don dad?" Tanong nito.






Tumango ako.






"Namimiss ko ang mama mo. Alam mo namang yun lang ang lagi kong pinupuntahan kapag namimiss ko sya."






"Daddy its been ten years... Wala naman pong kaso sa akin kung maghahanap kayo ng makakasama nyo sa buhay." Sabi nya.






"Hindi ko kayang magmahal ng iba tulad ng pagmamahal ko sa mama mo. At hinding hindi ako magmamahal ng iba bukod sa kanya."






"Gaya nga ng palagi kong sinasabi.."





"Sya lang ang mamahalin ko kahit wala na sya. Sya lang kahit sa kabila o sa susunod mang buhay." Sabay naming sabi. Tumawa kami parehas.





"Solong solo ko na yan daddy." Pagtawa nito. "Palagi kong ipinagdarasal na sana sa susunod na buhay ay maging masaya kayo don ni mommy." Dagdag pa nya.


*****



"Happy birthday... Happy birthday.... Happy birthday daddy." Bati sa akin ng anak ko.






It's been 27 years mahal ko... 60 years old na ako... May sarili na ring pamilya ang anak natin... May apo na rin tayo.






"Salamat anak." Sabi ko rito.





"Happy birthday daddylo!" Bati sa akin ng apo ko.







Masaya na ang lahat mahal ko... Siguro ay ayos na ang mga taon na hindi kita kasama... Hanggang ngayon miss na miss parin kita.





Pagkatapos non ay hinatid ako ni Nasher sa kwarto ko. Kahit 60 ako ay nanghihina narin talaga ako.






Humiga ako sa kama at kinumutan nya ako. Tumingin ako rito.






"Anak... Okay lang ba sayo kung magpapahinga na si daddy?"






Tumulo ang mga luha nito.





"D-daddy..."




"Tama na siguro yung mga taon na hindi ko kasama ang mommy mo... May pamilya ka na ngayon... Pwede bang magpahinga na si daddy? Gustong gusto ko nang makita ang mommy mo anak... ikukwento ko sa kanya lahat ng masasayang ala-ala nating magkakasama. Mahal na mahal ka ni daddy anak ko."






Niyakap ako nito. At umiyak.





"Mahal na mahal rin kita daddy... Salamat po sa lahat lahat... Magpahinga ka na..."






Nang sandali na iyon ay nakita kong muli ang muka ng pinakamamahal ko... Ang Nitch ko...





Ipinikit ko na ang aking mga mata.




Nasher's POV


Yakap yakap ko si daddy habang nakahiga ito. Naramdaman kong hindi na ito gumagalaw.





Humiwalay ako sa yakap. Nakita kong payapa syang nakapikit. Napaka aliwalas ng muka nya. Ramdam ko ang kasiyahan sa kanya.





"Mahal na mahal ko kayo mommy, daddy."





Nung araw na din yon ay pumanaw na si daddy.

Lost In thoughts (COMPLETED)Where stories live. Discover now