Chapter 12

635 13 0
                                    

Flashback:

Naglalakad ako pababa sa sala nang marinig kong kinakausap ni papa at ni ria ang mga kasambahay at si Nasher.




"Kailan pa sya naging ganan?" Tanong ni Ria.





"Pagkatapos po ng aksidente ma'am. Palagi mya pong sinasabi na kasama nya si ma'am nitch. Nahuhuli ko rin po sya minsan na kinakausap ang sarili nya. Minsan din po at niyayakap nito ang hangin na para bang may tao roon." Tugon ng isang kasambahay.




"Ayos ka lang ba apo?" Tanong ni papa kay Nasher.




Tumango ito bilang pagsagot.





"Pa, tingin ko ay kailangan na nating ipatingin si kuya."




Pagkatapos non ay isinama ako nila papa. Hindi ko alam kung saan iyon.




"Schizophrenia is a serious mental disorder in which people interpret reality abnormally. It may result in some combination of hallucinations, delusions, and extremely disordered thinking and behavior that impairs daily functioning, and can be disabling. Sa kaso ni Nate ay nagkaron rin sya ng PTSD (Post-traumatic Stress Disorder) hindi matanggap ng utak nya ang nangyari kaya lumikha ng bagong memorya ang utak nya. Iniisip nya na masaya nilang idinaos ang kaarawan nya kahit ang totoo ay yun ang araw na naaksidente sila. Sinabi niyo rin na pangalwang beses nang na involved ang pasyente sa car accident. Ang una ay nung bata sya na naging dahilan ng pagpanaw ng ina nya at ngayon na naging dahilan ng pagkamatay ng babaeng mahal nya. Kaya na trigger ang utak nya na naging sanhi ng paghahallucinate nya na nadan parin sa tabi nya ang babae kahit wala na."




"Doc. May paraan pa po ba para gumaling ang anak ko?" Tanong ni papa.



"He can undergo through treatment and medications."



"Kailangan pa po bang ipasok si kuya sa mental health facility?"



"We need to observe his occupational function if he improves within 6 months. Kailangan nyang sumailalim sa therapy na kung saan ay na t-train ang social skills nya o pakikihalubilo sa tao. Kaya hindi muna sya dadalhin sa facility. And also 50% of people with schizophrenia recovers or improve to tha point that they can work ang live on their own."



"Gagaling ka kuya.." Sabi ni Ria.





Naguluhan ako sa sinasabi nila.




"Teka... Sinasabi nyo bang baliw ako?" Nakakunot ang noo kong tanong sa kanila.




"Sinsabi nyo bang gawa gawa lang ng utak ko na nandito si Nitch?" Tumawa ako. Nagbibiro ba sila?




Pagkauwi namin ay ipinaliwanag nila ang lahat sa akin. Sobrang naguguluhan ako sa kanila.




"Ano bang sinasabi nyo?! Hindi patay si Nitch! Kasama ko pa nga sya e! Pwede bang itigil nyo na yang mga kasinungalingan nyo!" Galit na saad ko.





"Anak..." Tawag sakin ni papa.






Pinuntahan ko ang anak kong si Nasher. At niyakap ito.




"Bigboy, sabihin mo nga sa kanila na buhay si mommy mo. Ayaw nilang maniwala sakin e. Diba lahi nating kasama si mommy mo dito?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman ito sa akin.




Dahil sa kagustuhan nilang maintindihan ko ang lahat ay dinala nila ako sa sementeryo. Sinamahan nila ako sa isang puntod roon.




Nang tingnan ko ang lapida nito ay tila gumuho ang mundo ko... Si Nitch...





Napaluhod ako at umiyak... Pano nangyari yon e kasama ko lang sya palagi. Totoo bang sinasabi nila na baliw ako? Na gawa gawa lang ng utak ko ang lahat?



Hinawakan ko ang lapida ng pinakamamahal ko.




"Nitch ko..."




Hanggang ngayon ay di ko parin maisip na wala na sya... wala na ang babaeng pinaka mamahal ko...




Hanggang sa umuwi kami ay parang lutang ang isip ko.





"Kuya... Magpagaling ka please... Kahit para kay Nasher lang.."



"Pero kapag nagpagaling ako Ria, di ko na sya makikita." Balik na sabi ko.



"Kuya wag mong hayaang makulong ka sa nakaraan mo. Kung gusto mong sumaya, umusad ka na..."




"Paano ako makakausad kung lahat ng masasayang ala-ala nasa nakaraan ko?"



"Paano ako makakausad kung sa araw-araw wala na sya sa tabi ko."




"Tanggapin mo na wala na talaga sya..."



"Hindi ko kaya..."



"Kayanin mo kuya please... Para sa anak mo."

"Bigyan nyo pa ako ng isang araw. Isang araw na iniisip kong nandito sya..."



Kailangan kong gawin 'to para sa anak ko. Para sa anak namin.

End of flashback

Lost In thoughts (COMPLETED)Where stories live. Discover now