Chapter 8

471 8 2
                                    

Nang marinig nya ang sinabi ni nasher ay di na sya muling nagsalita. Sa halip ay tumabi ito sa amin. Nasa kabilang gilid sya ng anak namin.






Nagtataka ako dapat ngayon ay nagtatanong na sya tungkol don.






Kaming tatlo ay nakaupo sa buhanginan habang pinagmamasdan ang kalangitan at paglubog ng araw.






Naramdaman kong may yumakap sa bewang ko. Nang lingunin ko si Nate ay yakap yakap nya kaming dalwa ni Nasher. Kitang kita ko kung gano sya ka kuntento ngayon.







Nang magdilim ay tumayo na kami para umuwi. Nilapitan ko si Nate.






"Nate... yung tungkol sa sinabi ni nash--"






"Bukas na tayo mag-usap. Magpahinga muna kayo. Pupuntahan kita sa inyo. Wag kang mag-alala makikinig ako sa lahat ng sasabihin mo."






Tumango ako rito at sumakay sa kotse kasama ang anak ko. Pinaandar ko na ito pauwi.







Nang sumunod na araw ay napaka aga ni Nate na pumunta sa bahay. Hindi nagsalita si mama o si papa ng kahit ano tungkol sa kanya. Nakatingin lamang ito sa amin.






"Nasan si nasher? Nasan ang anak natin?" Nakangiting tanong nya.






Anak natin. Ang sarap sa pandinig.






Sinamahan ko sya sa kwarto naming dalwa ng anak ko. Nakita nya si Nasher na nakahiga sa kama habang mahimbing na natutulog.







"Napaka gwapo nya." Sabi nito habang sinusuklay ng daliri ang buhok ng bata.







"Kamukhang kamukha mo sya." Dagdag pa nya.






Totoo naman ang sinasabi nya. Kahit lalaki ang anak namin ay kitang kita na kaumukha ko talaga ito.







"Anak ko sya..." Sambit nito habang nakatingin sakin. Tumango ako bilang sagot.






"B-bakit? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi mo sinabing may anak tayo." Tanong nya sa mababang tono.







"Nitch. Alam ng Diyos kung gaano ko ka gustong magkaron ng pamilya kasama ka... buong akala ko anak sya ni farkas... hindi ako naglakas ng loob tanungin ka kasi natatakot ako, natatakot akong masaktan kapag sinabi mong hindi akin yung bata. Natatakot ako kasi mahal na mahal kita." Puno ng sakit ang kanyang boses.







"A-akala ko di mo sya kayang tanggapin." Sabi ko.






"Nitch anak ko yan e. Bakit hindi ko tatanggapin? Anak natin yan e..."







"K-kasi nung araw na yon.. narinig ko ang sinabi mo na mali ang nangyari sa atin. Na hindi dapat nangyari yon... Akala ko pinagsisisihan mo lahat... Akala ko di mo ako mahal."







"Ilang beses kong sinabi sayo na mahal kita. Ilang beses ko rin na ipinaramdam sayo. Pano mo nasasabi yan? Hindi ako nagsisisi na may nangyari satin. Naiinis ako dahil ipinangako ko sa sarili ko at sa pamilya mo na papakasalan muna kita bago natin gawin yon."







"Kaya ako umiwas sayo kasi akala ko magagalit ka. Na baka isipin mo na yun lang yung habol ko sayo. Mahal kita nitch sobra pa sa sobra." Niyakap nya ako habang nakasubsob ang muka nya sa leeg ko.






"P-pero paano si Ria? Hindi ba kasal kayo?" Tanong ko sa kanya.







"Ano ba yang sinasabi mo. Wala akong ibang pakakasalan kundi ikaw. Kapatid ko si Ria, Nitch." Nagulat ako sa sinabi nito. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.







So ibig sabihin sa loob ng ilang taon nagseselos ako sa sariling kapatid nya?






"A..akala ko--" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita sya.






"Hindi ba ilang beses kong sinabi sayo na ikaw lang ang mamahalin ko." Sabi nya sakin.







"Ako lang talaga? Wala nang iba?" Pagsisigurado ko.







"Kailan ba nagkaron ng iba?" Sagot nya.





"Balik na tayo sa dati mahal ko, pangako gagawin ko lahat. Pagbubutihan ko... basta wag ka lang mawala sakin... wag lang kayong mawala."





Nang magising si Nasher ay ipinakilala ko na sa kanya si Nate.







"Baby, halika dito kay mommy." Tawag ko rito. Lumapit naman ito sakin. Tiningnan nya si Nate.







"Diba po kayo yung guy kahapon? Bakit po kayo nandito?" Magalang na tanong nya.








"Nasher diba sabi mo gusto mong makilala ang totoo mong papa?" Tumango naman ito.







"Ayan na sya oh." Turo ko kay Nate. "Sya ang totoo mong daddy baby. Bumalik na sya. Binalikan nya na tayo." Nilingon nya ito.








"Totoo po? Kayo po yung totoo kong daddy?" Manghang tanong ng bata.






"Yes kiddo. Ako ang daddy mo." Sabi nito at ginulo ang buhok ni Nasher.







Niyakap naman ito ng bata habang tuwang-tuwa. Binuhat nya si Nasher papunta sa kama kung saan ako nakaupo.






Tumabi ang dalwa sa akin at niyakap ako.







"Nakauwi na ako, mahal ko." Sambit ni Nate sakin.








Maging ako Nate. Nakauwi na rin ako. Nakauwi na rin ako sa totoo kong tahanan.

Lost In thoughts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon