CMIIF 1

193 5 4
                                    

Lara's POV

First day of school yet napaka-boring ng araw ko ngayon. Wala kasi 'yung bestfriend kong si Nina eh. May sakit daw. Psh. Napaka-sakitin talaga nun -.- dalawin ko nalang mamaya sakanila. Bestfriend eh. :3

Ay, oo nga pala. I'm Lara Collins, 19years old, simple at maganda pero binago ko itsura ko para walang makakilala sakin at mag-isa lang ako sa bahay. Kung tutuusin 'di ko naman kailangang ako lang mag-isa eh. Pero, nagdecide ako'ng humiwalay sa mga magulang ko. Especifically, sa pamilya ko. Why you say? Kasi nga naman di'ba? Ako lang naman ang pangalawang anak ng may-ari ng pinakasikat at pinakamayang clothing line sa buong mundo. Ang TCC o The Classy Collins. At bilang babae, mas bagay daw kung ako ang magmamana ng pinaka-business ng pamilya namin. Kumbaga sa akin ang pinaka-major. Meron pa kasi kaming iba pang business bukod dun yun ay ang Collins Records, Collins Enterprises, Collins Academy at marami pang iba. Pero siyempre ayoko ng makadagdag sa sakit ng ulo ko yun kaya 'yung kuya ko nalang ang magmamana nun.

Ay, may nakalimutan akong sabihin sainyo. Kaya ako humiwalay dahil ayokong malaman ng mga tao kung sino ako. Ayokong gamitin nila ako dahil lang sa pangalan ko. At mayroon pa akong isang dahilan kaso next time ko nalang ikkwento at malalaman niyo din naman siguro. :) basta ang nakakaalam lang kung sino ako ay yung mga kaibigan ko. Sina Nina, Marcus at Stacey. Sila kasi yung nakagaanan ko na ng loob at isa din pala sila sa mga business partners ng pamilya namin :)

Sa Collins Academy ako pumapasok at 3rd year college nako. BA Fine Arts ang course ko kasi mahilig akong magpaint at magsketch. Kapag free-time ko pupunta ako sa roof top kung nasaan ang secret garden ng school namin. Oo, dun ako laging tumatambay kasi ako mismo ang nagpagawa nun habang nasa states ako. Para may place akong pupuntahan kapag gusto kong ako lang magisa.

Eto nga ako ngayon at papunta nako sa tambayan ko ng biglang may bumangga sa akin.

"aray ha. tumitingin ka ba sa dinadaanan mo?! kitang may tao eh. ang laki laki ng daanan." sambit ko habang pinupulot ko 'yung salamin ko. like heller? ang tangkad kaya niya. sino ba namang hindi masasaktan dun? -_-

"ay. sorry naman ha? alam ko kasi ikaw yung hindi tumitingin sa dinadaanan mo. ano'ng gusto mo ako pa tumabi para sa'yo? Hindi mo ba kilala kung sino ang nabangga mo?" sabi niya. abaaa. he's so sarcastic. sino ba sya at kung makaasta siya akala niya hari sya? ako kaya reyna dito. de joke lang. haha. sayang sana kasi gwapo sya. ano daaaaw? erase erase! >.<

"Hoy ikaw na lalaki ka! Ay lalaki ka nga ba? Napaka-rude mo kasi at hindi ka gentleman 'no? Kung makaasta ka akala mo kung sino ka. Sino ka nga ba ha?!" sabi ko. Nagtitinginan na ng masama 'yung ibang tao sakin. wait. sakin? bakit sakin? wala naman akong ginawang masama? ugh! -_-

"You're one lucky girl then. Kasi ako lang naman ang leader ng pinakasikat na banda sa buong asia. You should be happy. Pagbibigyan kita ngayon kasi I'm feeling nice today. Pero wag na sanang mangyayari 'to lalo na't teritoryo ko ito. Kuha mo, nerd?" huh? teritoryo? ano ba'ng meron? leader daw ng ano? aish! bahala na. at ako? nerd? get-up lang 'to!

"Excuse me Mr. I don't know who you are. Pero sa pagkakaalam ko kasi hindi ikaw ang may-ari nitong school kaya wala kang karapatan para maghari-harian." sabi ko sakanya at mukang napahiya ata siya. I flashed him my sweetest smile and hurriedly left him there. argh! istorbo! makapunta na nga sa secret garden ko. stress!

Oo nga pala 'no? 3years ako sa states kaya wala akong balita sa mga nangyayari dito. meep. bahala na nga basta walang pwedeng kumalaban sakin. pero medyo mahirap din lalo na at ganito ang ayos ko -.- haha wala eh. paninindigan ko na!

Malapit na sana ako sa hagdan para papuntang secret garden ko kaso nakakarinig ako ng bulung-bulungan.

"yan ba yun? yung babaeng inaway si prince josh natin? yuck!" sabi ng isa.

Catch Me, If I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon