Naiinis siya sa mukha nito. Akala pa naman niya mabait ito. Hindi niya akalaing may tinatago pala itong kabulastugan sa katawan. Akala mo kung sinong anghel, demonyo din pala.

"Did you just rolled your eyes on me?!" rinig niya ang inis sa boses nito. Mukhang hindi inaasahan ang ginawa niyang pag-irap.

Hindi siya sumagot kaya mas nainis ito. Dali-dali itong naglakad papalapit sa kaniya hanggang sa tumigil ito sa kaniyang harapan. She didn't dare to even glance at her. Iniwas niya lang ang tingin dahil masyadong nakakaasiwa ang pagmumukha nito. Hindi kayang tanggapin ng mata niya.

"You bitch!" Sinampal siya nito. "How dare you to fucking rolled your eyes on me? Huh?!"

Hinawakan siya nito sa panga. Pilit siya nitong iniharao. Wala siyang nagawa kundi ang tingnan ito. Bored na nakatitig sa pangit nitong mukha.

"Putangina mo." Gusto niya sanang sabihin iyon pero hindi niya magawa dahil nga nakabusal ang bibig niya. Hindi siya makapagsalita.

Nagpuyos ito galit kaya hindi na siya nagtaka nung malakas ulit siyang sampalin nito.

Shuta, kung hindi lang talaga ako nakagapos ngayon, paniguradong ubos na ang bukok ng babaeng 'to. Pangit pa naman.

"You still have the guts to talk to me like that, huh?" she said with an ugly smirk on her face. "Aren't you aren't of me? I have the enough strength to kill you. Any moment by now."

Umirap ulit siya.

Gago, kung hindi lang talaga ako nakagapos, kanina pa sira ang mukha ng babaeng 'to. Pangit kausap. Kainis.

Binitawan na nito ang panga niya. Umayos ng tayo at parang tangang pinagpagan ang sarili. Pinagkrus nito ang braso. Sinadya yata para ipakita sa kaniya ang dibdib nito malaki pero peke naman.

Tss. Akala yata niya maiiinggit ako. Eh, mas malaki naman iyong akin kaysa sa kaniya. Take note, orig, hindi fake.

Huminga siya ng malalim para maikalma ang sarili. Hindi dapat siya magpadalos-dalos lalo na't wala siyang laban sa sitwasyon niya ngayon. Lamang pa rin ang babaeng kaharap niya kesa sa kaniya. She needs to think of a plan. For her, especially for her baby.

Pinagdadasal niya na lang talaga na sana hindi alam ni Nathalie na buntis siya para wala itong mailaban sa kaniya. Dahil kung sakaling alam nito, paniguradong gagamitin ang baby niya laban sa kaniya. At hindi niya gusto iyon.

Her unborn baby is her only source of strength by this moment. She can't afford of losing her child. Kahit na sabihin nating ayaw na niya sa ama nito, mahal niya naman ang bata. Isa pa, nasarapan din naman siya nung ginawa nila ang bata kaya ngayon, wala siyang karapatang magreklamo.

"Kamusta ang pang-aagaw? Ha?" tanong nito, naka-krus pa rin ang braso.

Sa ngayon, gusto niya na lang ulit na irapan ang kaharap pero pilit niyang hindi iyon gawin. Baka sampalin ulit siya edi nasaktan ulit siya. Kaya 'wag na. Ayaw niyang dumapo ulit ang magaspang nitong kamay sa pisnge niya. Sayang naman ang ginawa niyang pag-aalaga sa mukha kung madudumihan lang, 'di ba?

Like, ew?

Hindi siya sumagot.

Kumunot ang noo nito. "Ayaw mong sumagot?!"

Hindi pa rin siya nagsalita. Wala siyang maintindahan. At sa sitwasyon niya ngayon, sinong tanga ang magtatanong at ine-expect na sasagot siya kung alam naman nitong nakabusal siya. Tanga lang, gurl?

Naramdaman niya ulit ang pagdampi ng magaspang nitong palad sa mukha niya. She closed her eyes tightly and tried calming herself down by breathing harshly.

Her face still facing the right side after that slap. Her jaw in clenching aggressively while her fist is molded tightly.

Nagpipigil siya. Paulit-ulit ang ginagawa niyang pagpapakalma sa sarili para lang hindi siya makagawa nang kahit anong kilos.

Putangina talaga 'tong babaeng 'to. Parang ngayon, kailangan ko nang magandang sagot kung bakit ba 'to mahal ni Damon Knott. Ang pangit ng ugali.
Hindi na nga kagandahan ang mukha, hindi pa kagandahan ang ugali.

Ibang klase. Malala.

"Hindi mo pa rin ba ako sasagutin? Ha? Wala ka bang bibig?"

Ang bobo talaga. Amputa.

Binalingan niya ito saka sinamaan ng tingin. Nanlilisik ang mata niya dahilan para bahagya itong mapaatras.

Gago, takot din pala sa 'kin. Pasekreto siyang napangisi dun.

Nanlilisik pa rin ang mata niya. Huminga ng malalim nang magsalita ang kaharap.

"Oh!" parang gulat pa nitong sabi, "Nakabusal ka pala." Saka ito tumawa ng parang tanga.

Ay, hindi pala parang, tanga talaga.

"Kaya pala ayaw mong sumagot sa 'kin," Nathalie said in between her laugh.

Anong nakakatawa?

Napangiwi siya.

Napapantastikuhan niya lang itong tiningnan. Hinintay na matapos itong tumawa sa dahilang hindi niya alam. Laking pasasalamat niya na lang na tumigil din ito makalipas ang ilang minuto. Ang sakit sa tenga ng tawa e.

"Do you want some thrill, Zawen?" Nathalie said with a wide smirk on her lips.

Hindi niya pinahalatang kinabahan siya sa ngisi nito. Alam niyang may binabalak na naman itong hindi maganda.

Humagikgik ito. "I almost forgot, you can't talk pala."

Ramdam ni Zawen ang hapdi ng palad niya dahil na rin sa mahigpit niyang pagkuyom dito. Nagkakasugat dahil sa kuko niya.

"Arnold, give me my phone."

Sa likod ni Nathalie, nagkatinginan ang dalawang lalaking parehas nakaitim. Ito ang kanina pa nagbabantay sa kaniya. Parang mga tanga, nagpaturo-turo pa.

She saw how Nathalie's forehead furrowed. Hindi binigay ng tinatawag nitong 'Arnold' ang hinihingi niya.

Kinagat niya ang labi para pigilan ang pag-alpas ng tawa. Grabe, nasa intense na nga ako ng kaganapan sa buhay ko, nagawa pa ng mga taong 'to ang magpatawa.

Binalingan ni Nathalie ang dalawang lalaki. "Ano? Wala ba kayong mga paa? Bakit hindi niyo binibigay sa 'kin ang hinihingi ko?"

Nagkamot ng ulo ang dalawa. "Eh, Ma'am, sino bang Arnold? Hindi po namin alam e. Dalawa po kaming Arnold ang pangalan. Dalawa po ba kaming kukuha ng cellphone mo?" sabi nung isa.

"Tsaka Ma'am, pa'no namin makukuha ang cellphone mo? Eh, nasa kamay mo na. Kukunin pa din ba namin tapos ibibigay ulit sa 'yo?"

Dun niya na hindi mapigilan ang tawa. Kahit nakabusal siya hindi pa rin iyon nakatakas mula sa pandinig ni Nathalie dahilan para samaan siya nito ng tingin.

Nga naman kasi, pano nila kukunin kung hawak na niya? 'Di ba? May point naman ang mga bantay na 'to. Mukhang pinag-isipan ng mabuti ang sasabihin.

"Hindi ka titigil?"

Her breathing stop. She can almost hear her own heartbeat the moment she felt the lips of the gun on her head.

Wala sa oras na natigil ang pagtawa ni Zawen. Napalunok pa siya.

"Good. Madali ka palang kausap e."

Parang nakahinga lang ulit siya nang kinuha na nito ang baril sa ulo niya. Mas malawak ang ngisi sa labi nito.

Nilapag nito ang baril pabalik sa lamesang katabi lang ng kinatatayuan nito. After that, Nathalie stared at her. Her heart beat on its abnormal pace. She's fucking nervous but her heart clenched more the moment she heard what Nathalie said next.

"Now, can we call Damon? I kinda miss his voice e. For sure, he missed me too."

★ S H A N A Y S 2 3 ★

The Employee (Game Challenge Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant