RH2 - Kinsley

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hi Miss Magna!" tawag nito sa akin at umupo sa katapat na upuan. Tiningnan ko siya saglit para makita kung anong timpla ng kaniyang mukha. Nakangiti ito sa akin at tila parang pinagtatawanan ako sa isip. Bwisit na 'to!

"Wag mo nga akong guluhin!" singhal ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan lang ako. Kanina pa 'to namumuro! Hindi naman kami close! Amp!

"I know you. Ikaw yung babaeng obsess kay Jander, right?" tanong niya.

OH DIBA SABI KO SA INYO SIKAT AKO BASTA SA LARANGAN NI JANDER! KINIKILIG NAMAN AKO DOON!

"Hmm. Goodluck na lang hahaha." sabi nito. "By the way I'm—" Pinutol ko agad siya.

"Not interested." Ngumiti ako at niligpit ang gamit ko.

"Whoah loyal masyado?" Natatawang sabi nito. Tumayo na ako at pumunta sa canteen, ikakakain ko na lang 'to.

Bumili ako ng snack ko at umupo sa isang tabi. Lungkot na lungkot akong nagsusulat ng assignment. Kinuha ko ang cellphone ko at inilabas. Kitang kita ko ang wallpaper ko na gwapo! Si Jander!


"Huhuhuh gwapo gwapo mo talaga, baby!" Call me obsessed or something pero gustong gusto ko talaga si Jander mula grade school.


Tuwang tuwa akong nilagay sa harap ko ang picture ni Jander sa harap ko. Kaya habang nagsusulat ako kinikilig pa rin ako hahahaha.


"Hay nako, Jander! Kapag talaga tayo nakatapos, pakakasalan kita!" Sabi ko sa wallpaper ko.


**

2 days after. 


"Kinsley Fleur Pojadas!!! Ano nanaman 'to!?" Tanong ni daddy sa akin.


Kadadating lang kasi ng bago kong pinagawang tarpaulin na picture ni Jander! Yep! Mayaman kami kaya afford ko lahat ng gusto ko. Napaka-aksayado ko daw sa pera dahil walang kwenta nama daw si Jander at inaatupag ko pa. You don't understand okay?


"Kinsley, masyado kang adik sa Devera na 'yan. Daig mo pa ang fan na idol na idol ang isang artista."

"Well dad, kasing gwapo naman ng isang artista si Jander kaya crush na crush ko wiee!" Kinuha ko sa kaniya ang tarpaulin at pumunta sa kwarto ko.

"Pa-extend ko kaya kwarto ko? Wala na akong paglalagyan! Puno na ng picture ni Jander ang room ko!!!" Sabi ko sa sarili ko habang tinitingnan ang buong kwarto ko.

"Waaaaah gwapo mo talaga baby!!!" Kiniss-an ko ang isang picture ni Jander na nasa pader.


Ganito ako kaadik kay Jander! Kahit na ang sungit sungit niya dati sa akin ay patuloy ko pa rin siyang minamahal. Sabi nga nila, mamahalin mo ang isang tao dahil sila ay sila.

Weekend ngayon at walang pasok~ Pero ang boring kasi wala pa rin si Jander!! Wala akong ma-text hehehe. Lagi ko siyang ka-text pero puro 'k' 'whatever' 'shut up' ang text niya sa akin.

PERO ATLEAST NAGREREPLY DIBAAAAAA?! *u*


"Ohhh~ finally Jander happened to me~ isang kiss~ buhay ko'y 50/50~" Kanta ko sa kwarto ko. Nakakalss naman yung ariel pero pinalitan ko ng bersyon ni Jander~!


Biglang nagtext sa akin si Yvette. Oh my God!


Yvette;

Jander's back. Niyaya agad si kuya sa bar pagkauwing pagkauwi. Adik! :/


To Yvette; 

Punta ako sa kanila hahfiahahah!!! =)))) 



Nagbihis ako ng magandang damit at nag-ayos na mabuti. "Magpapasalon pa ba ako mommy? Maganda na ba ako?" Tanong ko kay mommy pagkababa ko ng kwarto ko.


"Maganda ka na lagi, Kinsley." Ngiti ni mommy sa akin at gumora na ako.


Nagpadrive ako sa driver namin papunta kila Jander~ Omg first time ko pupunta sa apartment nila! waaah!! Kinikilig na ako.


Bumaba ako ng kotse at sumigaw. "Jander milaaaaaaaabs~" Sigaw ko.


May lumabas na magandang babae mula sa loob. "Ay, sino ka?" Tanong niya.


Napanganga ako. Ganda niya! "Ate Jaile? Ikaw po si Ate Jaile?" Tanong ko at tumango siya. "Ikaw siguro si Kinsley." Nakangiti niyang sabi.


WAAAAAAAH KILALA AKO NG ATE NI JANDER PWEDE NA PO AKONG MAMATAY!!

Jaile Ella Devera, ang pinakamatanda sa magkakapatid na Devera. Pangalawa si Jander at pangbunso si Jailer. Ang cute ng mga names nila 'no? Puro J ang simula.


"Tanggap na po ba ako sa pamilya?" Tanong ko pero natawa siya.

"Nasa loob si Jander kasama ni Jail. Tara pasok ka." Sabi nito at pinagbuksan ako ng gate. Pumasok ako doon at kasabay kong pumunta sa loob ang ate niya.

"Jander, si Kinsley oh!" sabi ni ate Jaile! Omg ate Jaile talaga?

Kumaway ako kay Jander at kinawayan rin ang kalapit na lalaki. Omg eto yata yung boyfriend ni ate Jaile!!!!! Jail Ashford. Mayaman ang pamilya neto sa apelyido pa lang. Naririnig ko siya minsan kayla daddy sa larangan ng mga business. Destiny pala talaga sila kasi sa name pa lang mtb na! Kulungan at Kulungane. Ang cute naman!

Tumayo ang bf ni ate Jaile at umalis na silang dalawa. Ngayon ko lang napansin na nakapang-alis sila. Hehehe ang ganda talaga ng ate ni Jander.

Umupo ako sa tabi ni Jander at niyakap siya.


"I MISSED YOU JANDER!!!!!!" Sabi ko.

"Kinsley Fleur Pojadas, you're impossible!" aniya pagkatapos ay nilayo ako sa kaniya.

Nagpout ako pero happy ako na nayakap ko siya and he's back!




Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon