Prologue

2.3K 21 7
                                    

Nate Jonas

"Pre may bago daw na transferee dito sa law school ah?" Pagkukwento ni Rexter sa aming tatlo.





"Pogi?" Tanong ni Lucus.






Pare-pareho kaming napalingon dahil sa sinabi nito.






"Wohoy! Kalma tinatanong ko lang, anong masama don." Depensa nya.





Hindi nalang namin pinansin ang sinabi nito dahil mukhang di pa sya ready na sabihin sa amin ang totoo. Wala naman kaso sa amin kung ano man sya dahil magkakaibigan parin kami.






"Maganda daw pre, Oy Nate baka sya na ang magiging destiny mo." Pang-aasar pa nito.






"Siraulo!" Sigaw ko.






"Gago pre anong balak mo? Maging matandang binata? Mag girlfriend ka na uy! Wag kang mag-alala pakilala tayo!" Pangungulit pa ni rexter.




Isang-isa nalang talaga dadagukan ko na 'to.





"Pre! Sino yon?" Turo ni Lucus sa magandang babaeng naglalakad.






"Yan na ata yon. Shit pre ang ganda. Oh ano ayaw mo Nate? Kay Farkas nalang!"






"Tsss.. Wag ako may hinihintay pa ako." Sambit ni Farkas.






Tinitigan ko ang babaeng iyon. Napaka ganda nya. Gandang hindi ka magsasawang titigan.






Lumingon ito sa amin at ngumiti. Tangina yung puso ko. Teka anong klaseng ngiti ba yon? Bakit nakakapag patigil ng mundo.






"Hoy Nate!" Nabalik ako sa katinuan ng sigawan ako ni Rexter. Si Farkas at Lucus naman ay tumawa lamang.





"Bakit ba!" Galit na singhal ko. Nababadtrip na talaga ako buti nalang ang ganda nyng babae.





"Hi!" Napalingon kami kung saan nanggaling ang boses na iyon.





"I'm Nitch Cortes, ahmm.. transferee kasi ako dito e pwede bang makipag friends?" Nahihiyang tanong nito sa amin.






Hindi ko alam kung bakit sa amin ito lumapit. Marami namang ibang babae don na pwede nyang kausapin bakit kami pa diba? Pero okay na yon atleast nalaman ko ang pangaln ni miss ganda.






Nagkatitigan kaming dalwa. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Gago may sakit na ba ako? Kailangan ko na bang magpa check up? Yung boses nya grabe mala anghel literal na 'angel baby angel'






"Ah sure! Ano ako si Rexter eto si Lucus yun si Wolf tapos eto naman si Nate." Turo nito sa akin.





Hindi ko alam pero sa akin lamang sya naglahad ng kamay.






"Hello." Sabi nito at naglahad ng kamay sa akin.





"Ang ganda..." Huli na nang marealize ko ang sinabi ko.






Tumawa lang ang tatlong kumag.






"Mukang tinamaan ka na." Sabi naman ni wolf. Hindi ko din alam sa lalaking 'to minsan seryoso minsan siraulo. Bipolar ata 'tong mga kaibigan ko e.







Tumawa lang si Nitch. Grabe yung tawa nya pakshet parang gusto kong himatayin dinaig ko pa ang babae sa sobrang kilig. Kinuha ko ang kamay nya at nakipag shake hands.




"Ehem baka gusto mo nang bitawan yung kamay ni Miss?" Galit na sinulyapan ko si Rexter. Napaka panira ng gago.





Tumayo ako at hinabol ito. "Halaa! Hoy pre joke lang." Nakatingin lang sa amin si Nitch habang tunatawa. Hindi ko alam na yun na pala ang magiging simula ng lahat.

Lost In thoughts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon