IPWMP 4

185K 2.7K 49
                                    

Simula nung nag walk out ako ay hindi ko na nakita si Sander. Alam kong iniiwasan niya ako kaya ito ako at sobrang guilty na! Gusto raw ako eh suko naman agad? Tss.

"Oh, bagong notes." Nilapag ni Eiffel ang notes sa mesa ko at naupo sa tabi ko. 

"Galit ka? Mas kinakampihan mo siya kesa sakin? Baka nakalimutan mong ako ang pamilya mo!" Kumunot ang noo niya at tinago ang binabasang notes sa bag. 

"Hindi ako galit at hindi ko siya kinakampihan, okay? Ang akin lang kung ayaw mo sa tao wag mo nang hanapin, sobrang obvious mo eh." Sinamaan ko siya ng tingin. 

"Guilty lang ako Eiffel dahil sa ginawa ko. Gusto ko siyang makausap pero ang galing mag tago eh."

"Edi wag mong hanapin. Bahala na siya sa buhay niya, mag aral na lang tayong mabuti para naman smooth yung internship natin next school year." Tumango ako. Tama si Eiffel, ba't ko naman pagkakaabalahan yun eh nagtatago nga. 


Nasa canteen kami ngayon ni Eiffel kasama ang iba naming kaibigan na sina Stace at Lyn. Close kaming apat pero si Eiffel talaga ang pinaka close ko sa kanila. Si Stace at Lyn kasi sobrang busy lalo na't gusto na ng papa nila na matuto silang magtrabaho sa kanilang company kaya naman after dissmissal ay agad silang umaalis para magtrabaho. Minsan na lang kaming apat mag hang out.

"Rinig ko, nanliligaw daw si Sander sayo." Sabi ni Stace habang sinusundot ang tagiliran ko. 

"Oo nga. Sorry kung ngayon lang kami nagka time ha, sobrang dami pa naman kasing pinapagawa ni daddy." Busangot ang mukha ni Lyn habang kumakain. 

Kambal sina Stace at Lyn. Bata pa sila nang namatay ang kanilang ina kaya naman maaga silang nag-aral tungkol sa kanilang negosyo para matulungan ang kanilang ama. 

"Wag nga kayong magdrama diyan at alam ko namang importante ang ginagawa niyo kaya okay lang  tsaka hindi na nanliligaw si Sander." 

"Hindi na? Talaga lang ah?" Inirapan ko si Eiffel. 

"Totoo. Hindi naman niya sinabi na manliligaw siya no." Totoo naman eh. Nangungulit lang yun at never naman niyang sinabi na manliligaw siya. 

"Wag kayong maniwala, kilala niyo itong si Summer diba? Tanga rin kasi, nasa harap na pinakawalan pa." Sabi ko na eh, itong pinsan ko ay kumakampi talaga kay Sander. 

"Alam mo Summer, loving someone is risky but how will you learn if hindi mo subukan diba? I may not know what really happened between you and Ken pero past na yun tsaka life goes on parin diba? Look at you right now, your even more better than before." Sabi ni Stace. 

"At isa pa naka move on ka naman kay Ken. What's holding you back?" Tanong ni Lyn. 

"Fear. Takot akong masaktan na naman knowing na si Sander pa yun. Guys, he's a playboy!" I'm trying to make a point here, but clearly they're on Sander's side. 

"Hindi ba pwedeng mag bago ang tao? Wag judger." Natatawang sabi ni Stace. 

"Pwede pero ..." 

"Just shut up, Summer. Ramdam naming gusto mo na rin siya. Let go of your fear and free yourself from your worries. Tatandang dalaga ka niyan eh." Tumawa silang tatlo habang ako naman ay problemado. 




Mag-isa akong pumunta sa library ngayon para magsuli ng libro. Paalis na sana ako nang makita kong muntikan ng mabunggo si Sander sa pader maiwasan lang ako. See, he's avoiding me!

Nagpanggap akong hindi siya nakita at tuloy-tuloy lang sa paglabas. Nang nasa malayo na ako ay naghintay muna ako ng tatlong minuto bago pumasok ulit ng library. Nag ikot ako sa fisrt floor at wala siya doon ganun din sa second floor kaya sure akong nasa third floor siya.

Para akong ninja nang pumasok sa third floor. Nakita ko siyang nakaupo sa pinaka dulo at mukhang may sinusulat. Tahimik akong lumapit sa kanya hanggang sa naupo ako sa harap niya ng hindi man lang siya naistorbo. 

"Mukhang busy tayo ah." Nanlaki ang mata niya nang makita ako sa harap niya. 

"Busy avoiding me, Mr. Saavedra?" Yumuko ito at nagsimulang mag ayos ng mga gamit para umalis  nang hinampas ko ang mesa. Gumawa ito ng malakas na tunog pero wala akong pakealam.

"Ano ba ang problema mo? Ba't mo ako iniiwasan." Tanong ko nang umayos siya ng upo. 

"Sinusunod ko lang naman ang gusto mo." Sagot nito habang seryosong nakatingin sa mata ko.

"You said you like me."

"And you walked out on me." Hindi agad ako nakapagsalita. 

"I'm sorry, Sander." The way he looked at me right now, para akong matutunaw. 

"I was scared okay? Akala ko pinagtitripan mo lang ako kasi never ka namang nagsabing manliligaw ka diba?" Tahimik parin ito at nakatingin lamang sa akin. Baka nag aasume lang ako na liligawan niya ako? 

"Uhm.. Nanliligaw ka ba nun? I mean gusto mo ba akong ligawan?" Nagsimula ng uminit ang mukha ko sa kahihiyan. Napaka assumera mo naman talaga Summer. Akala ko ba ayaw mo sa kanya?

"Diba?" Kapag hindi pa to sumagot ako na mismo ang iiwas sa kanya!

"Ayaw mo naman." Sagot nito. 

"Sinong nagsabing ayaw?" Agad na nanlaki ang mata ko sa aking sinabi. 

"I mean.. ano.. teka.." Sumilay ang ngiti sa labi niya hanggang sa hinawkan na niya ang nanlalamig kong kamay. 

"Pwede bang manligaw,Summer?" Hindi ko alam kong anong nangyari sa akin pero napatango ako. Shit, ang gwapo niya!


I'm Pregnant with Mr. Playboy |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon