Maayos ang laban namin at hindi sa pagmamalaki pero halos wala silang score. Bago magsimula ulit ay kinuha ko ang bottled water para sana uminom ng wala na palang laman.



Napabuntong hininga ako at tatayo na sana para bumalik sa court ng lumitaw sa harapan ko ang tatlong bote ng tubig.



Tinitigan ko 'yon at unti-unting inangat ang tingin sa mga kamay nilang maugat. Sunod sa tatlong gwapo na nag-abot.



Lorcan is serious but I saw a little smile on his lips. Si Deon ay nakangiti rin habang nakatitig sa'kin at si Darsen na kulang nalang mapunit ang pisngi sa laki ng ngiti.



"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko.



Lorcan spoke "Drink first, bab---Col"



Nagkunwari siyang umubo para takpan ang pagdulas ng dila niya. Tinignan siya ng dalawa habang may nanliliit na mata.



"Okay okay, akin na.." kinuha ko ang tatlong bote na inaabot nila sa'kin. Binuksan at uminom ako sa isa, bahala na kung kanino man 'yon galing.



"Mamaya niyo na 'ko guluhin.." huling saad ko at tumalikod na pabalik sa court.



Nakita ko sa dadaanan si Valen at wala naman akong planong pansinin siya ngayong araw kung hindi niya pasimpleng binangga ang balikat ko.



Tinignan ko lang siya saglit, kita ko rin ang ngisi nito sa labi. Lalakad na sana ako ng magsalita siya, sapat lang para marinig naming dalawa.



"You're such a flirt huh?" Saad nito sa mapang-asar na tono.


Hinarap kong muli siya. "Kung flirt ako, ano ka?"


Hindi nito pinansin ang tanong ko, sa halip ay tinignan niya 'ko ng nakataas ang kilay. "Ganyan ka na ba kalandi? Tatlong lalaki pinagsasabay mo?"


This time I smirk at her. "Think what you want, I don't care. Ni hindi kita pinakialaman noong nakita kong nagme-make out kayo ni Sir Castro"


Her eyes widened. Mas lalo akong napangisi dahil sa reaksyon niya. Akala niya ba walang makakakita sa kanila?


"Y-you---Bitch, gawa gawa ka!" Gigil na saad nito.


"Oh talaga? Then Why are you scared right now?" I sarcastically asked her.


Ng matahimik siya ay binigyan ko siya ng huling tingin bago tumalikod at pumunta sa team ko.



Nagsimula ang game at gano'n uli ang nangyari. Halos lahat yata sila ay hindi marunong maglaro, a bunch of spoiled brats.


Maganda ang palo ng kakampi ko. Tinignan ko ang tatlong lalaki at nakitang mga nakangiti ito. Si Darsen nga ay pumapalakpak pa na parang ewan.



Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa suportang binigay nila sa'kin ngayon kahit practice lang yung ginagawa.



Ibabalik ko na sana ang atensyon ko sa laro ng bigla akong matumba. Bigla yatang namanhid ang mukha 'ko dahil sa malakas na pagtama ng bola.



"Captain!" I heard my team called me.



Ang sakit ng siko ko dahil naipang tukod ko bago ako matumba. I heard many footsteps coming, may biglang humawak sa'kin at iniupo ako.



"Coleen.." he whispered. Unti-unti kong dinidilat ang matang nalagyan ng alikabok mula sa bola.



Mahapdi pero nagawa kong makita ang nag-aalalang mukha ni Darsen. He look at me with worry.



"I'm oka--"



"What is your fucking problem?" Lorcan's voice thundered. Napalingon ako kung nasaan siya at nakitang nakaharap ito kay Valen.



"Mr. Francisco! Your mouth!" Coach Gomez shouted.



Madilim ang mata niya habang nakatingin sa babae. Deon is beside him and they both look annoyed.



Magsasalita palang sana uli ako ng buhatin ako ni Darsen. Napahawak ako sa batok nito dahil baka malaglag ako.


"I'll bring you to the clinic.. Kapit ka sa'kin hmm?" Saad nito sa mababang tono at nginitian ako.


I just nod at him. Bigla 'kong naalala ang napag-usapan namin tungkol kay Darsen kahapon. It's actually a good thing to like him. He's kind, handsome and well---ma-muscle.


Wala lang, naramdaman ko kase yung matigas niyang abs.



Natapos gamutin ng nurse ang mga gasgas ko, particularly sa siko. Nagkapasa rin ako sa pisngi dahil sa impact nung bola kanina. Si Darsen ay nasa gilid at hawak ang aking kamay.



Ng makaalis ang nurse ay agad na humarap sa'kin si Darsen. "Are you okay now? Masakit pa ba?"


Tinitigan ko siya at nginitian. "I'm okay"



Tumango ito. Mas lumapit siya sa'kin at naramdaman ko ang haplos niya sa pisngi ko. Marahan lang 'yon.



Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko mula sa kaniyang haplos. Ilang inch lang ang layo ng mga mukha namin kaya nagawa ko siyang titigan mismo sa kaniyang mga mata.



We stared at each other's eyes for a second. Naramdaman ko na lamang ang malambot niyang labi na lumapat nang marahan sa pisngi kong may pasa.



"There, para hindi masakit" ngiti nito.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Itinuro ko ang labi at tinignan siya. "My lips hurts too. Pwedeng pahingi pa ng Halik?"


Nakita ko ang pagkatigil niya ngunit kalunan ay mas lalong lumawak ang ngiti. Inilapit niyang muli ang sarili sa'kin at naramdaman ko na ang malambot at mainit niyang labi.


He pressed his lips against mine. I closed my eyes to feel him..


"There.." saad nito ng maghiwalay kami.


"May halik ka galing kay poging Darsen." He winked.



I Own ThemWhere stories live. Discover now