Chapter 05

181 11 12
                                    

Chapter 05

Heartbeat


"Sadie..." I called to have her attention.

We're inside the library. Abala ako sa paghahanap ng libro tungkol sa topic namin sa subject na literature habang si Sadie ay kanina pa na nakakuno't ang noo sa gilid ko. Ang dahilan lang naman ay labag sa kalooban niyang maging groupmate si Damon which I was the one who iniatiated it.

"Sabing ayoko nga. Huwag mo kong pilitin dahil never magbabago isip ko." she hissed making me wonder what she's talking about.

Gusto ko lang namang sabihin na may nahanap akong libro na sa tingin ko ay makakatulong sa assessment namin. And here we are, having different thoughts.

"Sinasabi mo?" I tilted my head to look at Sadie.

Saglit na dumaan ang tingin ko sa kung nasaan si Damon. Damon is sitting on the table not too far from the shelves we're standing in between. He's already reading a book he found. At mukhang siya pa ata ang magbubuhat saamin para makapasa sa assessment namin sa literature.

Kinunutan ko ng noo pabalik si Sadie na ngayon ay mas sumama ang tingin saakin.

"Ayokong mapalapit kay Damon, okay? Kahit sabihin mong na-misinterpret ko lang--"

I took the book I found out from the shelf as I faced her.

"Wala naman akong sinasabing pipilitin kitang maging kaibigan si Damon ah? I just want you to know that I found a book. At, nga pala, kakain ako kasama ni Damon ng lunch." I interrupted her.

Napakurap-kurap siya. Unti-unting nawala ang kunot sa noo nito.

"Ay..." Sadie laughed awkwardly as she scratched her neck.

I smirked by her awkwardness. Binasa ko ang pangibabang labi ko pagkatapos ay naglakad ako papalapit sa kaniya.

"Gusto mong sumabay?"

Naningkit ang mata niya saakin dahil sa sinabi ko.

"Kakain lang naman. Hindi kita pipiliting kausapin siya." kibit balikat kong paliwanag.

"Paano kami maguusap hindi naman siya umiimik."

I gave her a warning look, "Sadie..."

Our eyes locked momentarily. Ang tingin niya ay naninimbang habang nanatiling seryoso ang akin. Ilang oras ang lumipas bago siya nag-iwas ng tingin.

Sadie crossed her arm below her chest and took a glance at Damon's side in a distance before looking back at me.

"Fine! Sasabay na!"

My lips curled up for an undeniable smile. Finally!

Sadie glared at me, "This is only because I also want to grab lunch with you! Ilang araw mo ng pinipiling samahan ang pinsan ko kaysa sakin!"

Humalakhak ako at hindi na sinubukang i-deny dahil totoo naman ang sinabi niya.

Ilang araw na din ang lumipas nang nagsimula na akong turuan si Damon. I patiently guided him to speak two words while maintaining an eye contact with me. Sa unang beses ay pansin ang panginginig niya. But the good thing is he's slowly becoming comfortable in my presence. Although the curiosity within me piqued towards the source of him having social anxiety.

Nahihirapan lang akong buksan ang topic na ganoon sa kaniya dahil may posibilidad na hindi pa siya handa na mag-open up. For now... I want to cherish our friendship and to be able to hear his voice without him shaking.

Pagkatapos humindi si Sadie noong sinubukan ko siyang i-persuade tungkol kay Damon ay hindi na ako nagpumilit. Although I still want them to be close, I have to respect Sadie's decision as well.

Whisper my Name, DamonWhere stories live. Discover now