Kabanata XXVIII

Začít od začátku
                                    

"Adik ka talaga Ethel," sabi ko sa bestfriend ko. Tinignan niya ako, blanko ang ekspresyon. Nag pekeng tawa ako. "Girlfriend ka dyan?"

"Balik na ako sa classroom," biglang paalam ni Asher. "magt-time na din e."

"Oh?" tumaas ang kilay ni Ethel. "Aga pa."

Ngumisi lang si Asher at tumalikod na. Bigla nalamang akong may naramdaman na kung anong bigat sa dibdib ko nang panoorin ko ang pag alis niya.

Tinignan ko si Ethel, "Bakit kasi kailangan mo pang sabihin 'yun?"

"Nagtatanong lang naman ako ah? Bakit? Wala ba siyang plano na maging kayo?"

Umupo ako sa isang bakanteng upuan, "Wala kaming plano."

Nangunot ang noo niya, "Ano?"

"Bata pa naman kami 'Thel, 'di pa kailangang magseryoso."

"So ano pala?" tanong niya. "Laro laro lang?"

"Hindi naman sa ganun," sagot ko. "gusto namin isa't isa. 'Yun na 'yun. Kailangan pa ba ng relasyon agad agad? Dadating din kami doon someday."

Ano bang lumalabas sa bibig ko? Kitang kita ko ang hindi pag sang ayon ni Ethel sa mga pinagsasabi ko, maski ako ay hindi sang ayon. Isang malaking bullshit. Pero anong magagawa ko? Ayaw pa ni Asher ng relasyon ngayon.

Inilingan ako ni Ethel, "Siguraduhin mo lang na hindi ka mai-inlove dahil mukhang walang sasalo sa'yo."

• • • • • • • • • •

Napatakip ako sa ilong ko nang may maamoy akong mabaho, "Shet. Ano 'yun amoy tae?"

Umiling iling si James, "Tanginang Hero kasi 'to e, kung saan saan ume-ebak."

"Isa pa talaga Jay, ipapakain ko sa'yo 'yang sapatos mo." rinig kong sagot ni Hero.

"Eh," mas lalo akong napasimangot. "nakatapak ka? Ikaskas mo gago."

"Nakaskas ko na," aniya. "wala na nga oh." Itinaas niya 'yung kanang paa niya para matignan ko 'yung ilalim ng sapatos niya. "Pero dumikit 'yung amoy."

"Pano ka uuwi nyan?" tanong ko. "Kingina 'wag kang sasabay samin ah."

Ngumuso si James, "Nanghiram akong tsinelas kay Kiko."

"Ah, dadalhan ka niya?"

"Oo, padating na 'yun."

"Adi oh," ani Enrico na kadarating lang. May hawak hawak siyang malaking plastic cup na may lamang scramble. "sa'yo nalang."

Umiling iling ako kaya naman napasimangot si Enrico. Binatukan siya ni Troy na nakatayo lamang sa gilid niya, "Ayaaan, hindi mo maubos ano? Takaw mata ka kasi e."

"Bigay mo nalang kay Hero," sabi ko sakanya. "akin na." Kinuha ko 'yung plastic cup at iniabot 'to kay Hero. "Hermano, sa'yo nalang daw oh."

"Ano 'yan?"

"Scramble."

Agad 'tong tinanggap ni Hero at itinanggal 'yung maliit na kutsra para mainom niya nalang. Pipigilan ko sana siya pero huli na, ini-straight niya 'to na para bang umiinom lang siya ng tubig. Napalunok ako nang bigla siyang mapatigil. Oh shet eto na.

Napahawak siya sa ulo niya, "Oh fak, brain stop."

Huh? 'Nu daw?

Humalagakpak ng bigla ng tawa si James kaya naman napatawa na din kami. 'Yung tipong tawa na wala ng tunog tapos mapapahawak ka nalang sa kung anong malapit sa'yo.

STASG (Rewritten)Kde žijí příběhy. Začni objevovat