Sa libre nga pala nabubuhay ang tao.

"Coffee lang sa akin." Si Stell.

"Milktea!" Si Justin.

"Two!" Si Pablo.

"Three!" Si Josh.

"Hala madaya! Ba't ako lang yung coffee?!" Angil ni Stell. Nakanguso siya at nakacross arms na nakatingin sa kanila.

"Yun lang ba? Aalis na ako. Hintayin niyo ko dyan." Agad akong umalis kase baka nagtataka na yun bakit ang tagal ko.

Pagkarating ko sa loob ng bakeshop ay natakam na rin ako sa mga cakes.

"Good afternoon, Sir." Bati sakin ng babae sa harap ng counter.

"Good afternoon. One box of chocolate cake and a box of mocha cake." Nakangiti kong sabi at agad namang kumilos ang mga nakatoka na magbalot. "Anyway, yung mocha cake pala is dadaanan ko nalang mamaya. 7pm pa yung labas ko eh. Open pa ba kayo nun?"

"Yes, Sir. Hanggang 10pm po kami dito." Nakangiti pa rin niyang sagot.

"Thank you. Yung chocolate cake lang yung dadalhin ko, iwan ko nalang muna yung isa." Tumango yung cashier sa akin.

"That would be 1,345 pesos, Sir." Inilabas ko ang card ko at saka nagbayad. Wala akong dalang cash eh.

Nakakaasim sa mukha yung total. Magkano ba isang cake dito?!

"Thank you! Come again, Sir!" Kumaway silang lahat sa akin. Sumunod naman akong dumaan sa katabing store para sa mga milktea at coffee nila.

"Limang milktea nga po at isang coffee." Tinanong pa nila ako ng kung ano-ano bago ako naupo sa mga tables nila. Nagbukas lang ako ng mga social media accounts ko habang naghihintay.

"Here's your order, Sir. Five milkteas and one coffee. A total of 1,250 pesos." Nakangiting sabi ng cashier pagkalapit ko.

Ngumiti nalang ako at hindi na nagsalita habang inaabot sa kanya ang card ko.

"Thank you, Sir! Come again!"

Pagpasok ko sa loob ay hindi ko na madatnan ang mga kaibigan ko sa station ko. Pumasok ako sa office ni Jane at rinig ko agad ang tawanan at boses ni Stell ang nangingibabaw. Gulat din akong nadatnan si Kuya Yani sa loob.

"Finally you're here! Akin na milktea namin!" Inuna kong ilapag ang cake sa table ni Jane bago ko kinuha yung milktea ko at inabot sa kanila.

"Wala man lang ba akong thank you dyan?!" Sarkastiko kong sabi habang nakatingin sa mga kaibigan ko.

"Thank you!" Sabay sabay nilang tugon. Parang napipilitan pa hanep.

"Ay, Kuya Yani sorry di pala kita nabilhan. 'Di ko kasi alam na pupunta ka pala." Nahihiya kong sabi.

"It's okay. Kakagaling ko lang din naman sa labas." Nakangiti niyang sagot kaya ngumiti nalang din ako.

"B-bakit nga pala kayo nandito?!" Mahinang asik ko sa mga kaibigan ko. Nag uusap sila Kuya Yani at Jane.

"Dumating si Diko eh. Inaya niya na din kami pumasok dito kasi pinagtitinginan kami sa labas." Bulong ni Jah.

"Buti 'di nagalit?"

"Hindi nga pero nakakatakot naman tumingin. Muntik na nga kami 'wag tumuloy sa pagpasok dito eh." Si Stell.

Mukha kaming mga tanga dito na nagbubulungan habang umiinom sa mga sarili naming inumin.

"Nagtext sa akin kanina si Ate Rose. Pupunta daw tayo sa office sa Sabado. 9AM calltime natin tapos training na tayo ulit onwards." Si Pablo.

"Nice. Namimiss ko na rin magtraining." Aning Josh na nag iinat inat pa sa katawan.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now