Nandito lang ako sa likuran mo
Kapag ika'y malungkot, lumingon ka't ako'y makikita mo
Nandito lang ako, mahal ko, susuportahan ka sa lahat ng mga pangarap mo
Magsusulat ng mga liham na puno ng talinghaga, hinihiling na sana'y makarating sayoHindi ako mawawala, pangako, kapag ika'y lumingon ako ang iyong makikita
Mamahalin kita kahit hindi mo makita't madama
Patuloy kang mamahalin nang ganito. Masaktan man ako, mapagod man ako, hindi ako susuko
Paulit-ulit kong ibubulong ang pangalan mo, hinihiling na sana'y marinig moNandito ako sa likuran mo
dahil ako'y isang nakaraan na lamang sa iyo
Pero ako? Ikaw pa rin ang hinaharap ko, ikaw lang ang nakikita ko
Mananatiling ako ang iyong numero unong tagapaghanga sa lahat ng iyong mga gawa
Iaalay sayo ang lahat ng kantang aawitin, hinihiling na sana'y iyong dingginTanaw ang ganda mula dito sa likuran mo
Di man ako makalapit sayo, sa ngayo'y magiging sapat muna ang mahalin ka mula dito sa kinatatayuan koNandito pa rin ako sa likuran mo minamahal ka nang buong buo, hinihiling na sana'y ako na ulit ang nasa harapan mo.
YOU ARE READING
My Silent Screams (on going)
PoetryPoems of unsaid thoughts and feelings. This isn't really well made and I just wrote this from my heart. This book is filled with just little pieces of me that I write down to somehow find comfort and shelter to my vulnerabilities. These are the emot...