PAYBACK TIME

191 15 11
                                    

"Okay, gan'to na lang. Let's promise each other na 'pag laki natin e magpapakasal tayo."

In-offer nya ang pinkie finger nya sa'kin pero tiningnan ko lang yun.

"Promise ka dyan. E mga bata pa kaya tayo. Hindi naman natin hawak ang kapalaran natin e."

"Pfffttt. Ang nega mo talaga kahit kelan. Sige naaaa~ let's promise each other." - pagpipilit nya sa'kin.

In-offer na naman ulit nya ang pinkie finger nya sa'kin and for the second time, tiningnan ko lang ulit yun.

"E promises are meant to be broken. Ayoko ng may nab-broke na promise sa'kin e." - pag-aalburuto ko.

"E di I'll make every best possible ways to make my promise happen." - sabi nya tapos in-offer na naman nya for the third time ang pinkie finger nya sa'kin. Balak ko na namang tingnan yun for the third time kaso kinuha nya ang kanang kamay ko tapos in-interwined nya ang pinkie finger nya sa pinkie finger ko, sealing the promise that we had made that day.

The moment na nag-intertwined ang pinkie finger ko sa pinkie finger nya, nakaramdam ako ng sudden spark na hindi ko naman ma-explain.

---

"Wahahahaha! Nakakatawa ka talaga, Avery!"

Bigla akong nagising sa ingay ng kaklase ko. Kung sino man sya, naku for sure napakalaki ng bunganga nya. Ang lakas makatawa e. Siguro dinig hanggang sa katabi naming room.

Tiningnan ko ang taong may malaking bunganga at aba! Hindi nga ako nagkamali! Malaki talaga bunganga nya.

"Hoy lalake, ba't mo ko pinagtatawanan?!" - medyo pasigaw na tanong ko.

Hindi sya sumagot. Tawa lang sya ng tawa. Hala, sige. Ikayayaman mo yan.

Omegash! Baka sya natawa kasi tulo laway ko habang natutulog?!

Kinuha ko agad ang salamin ko sa bag. Pagtingin ko sa mukha ko...

"Aaaaaahhh!!! PRINCE!"

Okay. Anytime ata, magt-transform na ako. Grr. Asan na ba yang Prince na yan?

"Uhm Avery nakalabas na si Prince. Ang mabuti pa, pumunta ka munang powder room." - Maan.

Padabog akong pumunta ng cr. Buti nga, may cr sa loob ng room namin dahil nakakahiyang lumabas lalo na kapag ang itsura mo e dinrawing-drawing-an ng isang halimaw. Grr! Humanda talaga sya sa'kin pag nakita ko sya mamaya.

Grabe! I look like a panda!

Matapos kong linisin ang mukha ko e bumalik na ako sa upuan ko. Saktong kadarating lang din ni Mrs. Gomez.

Asan na kaya yung Prince na yun?

Pagkatalikod ni Mrs. Gomez, may biglang bumato sa'kin ng papel galing sa likod.

Pinulot ko ang crumpled paper at tiningnan kung ano ang nakasulat doon.

GRR! Isang drawing ng panda!

Alam kong si Prince ang gumawa nito kaya tumingin ako sa likod kung saan sya nakaupo at sinamaan sya ng tingin.

Nag-peace sign lang sya sa'kin.

Sinulatan ko ng 'Humanda ka sa'kin mamaya' ang nakalukot na papel tapos tinapon ko ulit sa kanya. Pagharap ko, nakita ko ang mukha ni Mrs. Gomez. Pati mga kaklase ko nakatingin na rin sa'kin. Uh-oh.

"Ms. Hansen, bakit mo binato si Mr. Locke ng crumpled paper?"

"E kasi po, ma'am sya---"

"I'll accept no excuses. Nakita ko ang nakita ko. Ang mabuti pa'y pagtabihin ko na lang kayo nang sa gayon, di mo na uli sya batuhin ng papel."

PAYBACK TIMEWhere stories live. Discover now