Chapter 1

5 2 8
                                    

A/n: Hi! Good morning/ good afternoon/ Good evening sainyo! Sana ay magustuhan niyo itong story! It's up to you kung magv-vote ka haha pero I wish na mag-comment po kayo kasi I LOVE READING COMMENTS nagr-reply din po ako, wag lang po sana negative kasi nakakapagpababa yan ng confident pero kung may makita po kayong mali sabihin niyo po sakin in a kind way. Thank youuuuu!!

You might encounter typos, wrong grammar, wrong spelling, and wrong feelings (ouch sakit!!)...feel free to correct it =)

*Muahhhh muahhh*

~Cryzycholyn

●○●○●
Jade's POV

Sabi nila lahat nang nagmamahal nasasaktan.

Bakit naman ganu'n? Hindi ba pwedeng kapag nagmamahal tanging saya lang ang mararamdaman at wala ng lungkot?

Hayy sino ba'ng niloko ko? Alam ko naman na kakambal ng pagmamahal ang sakit. Kasi kung hindi ka nasasaktan, hindi ka totoong nagmamahal. Kaya siguro maraming takot magmahal kasi takot silang masaktan.

All we can do is be strong and face our greatest fear. Isa na rin ako sa mga takot na masaktan pero hindi ako magpapaapekto sa sakit para hindi masira ang buhay ko. Alam ko na darating din ang panahon na maaalis ang takot ko, fresh pa kasi ang mga sugat na iniwan niya sa pagkatao ko at alam ko na maghihilom din ito nang hindi ko namamalayan.

"Bess, bakit parang ang kalmado mo? Hindi mo man lang ba susugurin 'yung malanding mangaagaw na 'yon?" nagtatakang tanong  ng bestfriend ko. Ito talaga parang mas galit pa kesa sakin hahaha.

"Bess, she's not worth my time. Beside mag-uusap naman kami mamaya ni Rex kaya malalaman ko na kung ano'ng pagkukulang ko o kung ano ang dahilan niya kaya nagawa niya 'yun sa'kin," sabi ko ng may kasabay na matipid na ngiti.

Fay Academy: School For FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon