Prologue

14 3 22
                                    

This story is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Plagiarism is a crime

Warning: This story is a bit clichè

●●●●●

Sa isang malawak at napakagandang paraiso ay nakatira ang anim na dyosa. Kung minsan ay dinadalaw nila ang mundong binuo nila para sa mga nilalang na hindi maaring makisalamuha sa mga mortal.

Napakaganda sa mundong ginawa nila at ramdam na ramdam ang mahika na nakapalibot dito. May iba't ibang nilalang ang naninirahan dito kung kaya ay may iba't ibang imperyo ang bumubuo sa mundong ito.

Una nilang binisita ang imperyo na pinamumunuan ng mga fairies dahil alam nila nanganganak na ang Emperatris nito.

Lahat ay napapaluhod sa tuwing sila ay nakikita dahil sa lakas ng awra na taglay nila. Pumunta sila sa Throne room ngunit walang nilalang na narooon ngunit sinabi ng isang tagapagsilbi na nanganganak ang Emperatris kaya dumiretso sila sa kwarto nito sa tulong ng tagapagsilbi at saktong tapos na manganak ang Emperatris ng sila ay dumating.

Napabitiw sa yakap ang Emperador sa kaniyang asawa at agad na yumukod bilang paggalang sa mga dyosa.

"Praise the Goddesses!!" Sabay na sabi ng magasawa.

"We are glad you visited our empire," nanghihinang sambit ng Emperatris na hindi magawang yumukod upang magbigay galang.  Pero naintindihan naman iyon ng mga dyosa.

Ngumiti lang sila sa Emperador at Emperatris at lumapit sa kambal. Napasinghap sila ng makita ang kambal hindi dahil sa itsura nito kundi dahil nakita nila ang nagaabang na kapahamakan na dala nito.

"B-Bakit po?" Nanghihinang sambit ng Emperatris.

"What's their name?" Tanong ng Goddess of light.

"The one with golden brown hair is Kianna and with black hair is Gianna," may ngiti sa labi na sagot ng Emperatris.

"She will cause chaos," makahulugang sambit ng Goddess of light.

Nawala ang ngiti sa labi ng Emperatris. Samantalang hindi naman makagalaw o makapagsalita ang Emperador dahil sa dami ng mga posibilidad na kaniyang naiisip.

"W-Who?" Kinakabahan ang Emperatris sa isasagot ng Dyosa.  Napakalakas at napakabilis nang pagtibok na kaniyang puso.

"Gianna... Her power is death." Naglandas ang luha sa magandang mukha ng Emperatris at napakuyom ng kamao ang Emperador—pinipigilan ang sariling lumuha.

Ang kapangyarihan na binanggit ng dyosa ng liwanag ay itim na mahika. Hindi maaaring magkaroon ng itim na mahika sa mundong ito kaya lahat ng mayroon nito ay pinapatay ano man ang katungkulan.

Hindi masasabing masama o makasarili ang mga Dyosa dahil inililigtas lang nila ito at ang mundo dahil alam nilang kinakain at pinapahirapan ng itim na mahika ang katawan at kaluluwa ng nilalang na mayroon nito. Bukod pa dun, napipilitan ang mga nagtataglay ng itim na mahika na sumunod sa dyosa ng kadiliman kahit hindi nila gusto.  Ang tanging paraan para mailayo ang lahat sa pagpapahirap ay ang kitilin ang buhay ng mga may itim na mahika o kaya ay bawiin ng Goddess of Darkness ang sumpang binitawan—na malabong mangyari.

"I'm sorry, but you need to end her life if you don't want to see her suffering from the unbearable pain caused by the curse," Sabi ng Dyosa ng tubig.

Fay Academy: School For FairiesWhere stories live. Discover now