"You know you're brother, kapag nakakaisip ay umuuwi." Kibit balikat ng ama. "Sit down, hija. May hinihintay lang tayo saglit."

I smiled a little and sat at the sofa.

"So Dianne. Magkaklase kayo?"

"Ah, opo. Ininvite lang po ako ni Nadia na pumunta dito kasi may gagawin po kaming report-"

"Report? If I'm not mistaken start pa lang ng o
Pasukan niyo right, baby?" Bumaling siya kay Nadia.

"Ms. Lyla daddy."

Tumango tango ang ama. "Where do you stay, hija?"

"Sa VNC po, sir-"

"Really?" Gulat na sabi nito.

"Yes, sir. A friend told me that place po,"

"Do you know how much one room in that building cost?" Aniya.

"Actually hindi po. The owner-" I was cutted off again.

"You knew the owner?!" Gulat na tanong ni Nadia. Tila may nasabi akong nakakuha ng atensyon niya. Kanina kasi ay busy siya sa cellphone niya.

Tumango ako. I will never lie of knowing Vyn because he's really a big help to me adjusting in this place. "Actually yes. Pero hindi ko po kasi alam kung magkaibigan po ba kami o hindi. Ilang beses pa lang din po kasi ang encounters namin pero sobrang dami na niyang nahelp sa akin."

"Can you elaborate us more?" Pag uusisa ni Nadia. Maging ang ama ay naging interasado rin sa mga sasabihin ko. Inayos pa nito ang upo at umaktong makikinig sa akin.

"Ah kasi po-" handa na akong magkwento nang maputol ang sasabihin ko dahil sa baritonong boses na nagsalita.

"Hey, dad."

Natigilan ako saglit dahil sa pamilyar na boses na iyon! Shit! Hindi ako pwedeng magkamali! Dahan dahan kong inangat ang aking ulo dahilan para sumalubong ang kaniyang kulay asul na mga mata. Walang halong gulat na nakita niya ako doon!

"Son," lumapit siya sa ama at bahagya silang nagyakap.

Pagkatapos ay nilapitan niya si Nadia at hinalikan sa noo. "Hi, baby. How's your first day?"

"It's okay kuya! I have new friend, Dianne. Do you know her?"

Vyn's eyes landed on me. "Yeah," But I am wondering why doesn't he looks surprised?

"So how do you know each other?" Nasa dining na kami at kasalukuyang kumakain. Nadia's dad insisted to continue our kwentuhan in the dining. While me, I'm still starstruck sa nalaman ko na magkapatid pala si Nadia at Vyn!

Nakaupo sa gitna ang daddy nila Vyn at nasa kaliwa naman si Nadia habang magkatabi kami ni Vyn sa kanan.

"We first met when I delivered my speech in Thaddeus Elementary School. Her sister was the valedictorian," si Vyn ang sumagot.

"And your next encounters?"

"It was a accident encounters, dad." Sagot nito. Saglit ko siyang sinulyapan subalit busy lamang siya sa kaniyang pagkain.

Nagpatuloy sila sa kwentuhan habang ako ay tahimik lang at nakatitig sa crabs na nakahain. Gusto ko kumain 'non pero hindi ako marunong magbukas. Mga seafoods kasi ang ulam, may hipon, malalaking alimango, may isda at may iba pa na hindi naman sa hindi ko alam ay ngayon ko lang nakita sa personal.

"Gusto mo ba ng crabs, Dianne? Kain ka lang," umiling ako sa sinabi ni Nadia.

"You want crab?" Si Vyn naman.

"W-wag na. Okay lang," Hindi ko na napigilan si Vyn nang kumuha siya ng tatlong piraso ng malalaking alimango at nilagay sa pinggan ko. "Eat."

"Hindi ako marunong magbukas," bulong ko para hindi marinig nina Nadia pero mukhang hindi nakisama si Vyn.

"I'll peel it for you," aniya at nagsimula nang balatan at himayin ang mga alimango na nasa pinggan ko. Umangat ang tingin ko kina Nadia at sa sa daddy niya and they're both watching Vyn doing in my plate. Nahihiyang nag iwas ako ng tingin. "Kain na," sa lamyos ng boses niya sabay sabay kaming natigilan.

Walang pakialam siyang nagpatuloy sa pagkain niya. Pagkatapos ay may dessert pa pero tumanggi na ako dahil gabi na rin at may pasok pa bukas.

"Thank you sa dinner Nadia. Thank you rin po, sir-"

"Please call me tito." putol nito sa sinasabi ko.

"T-tito, t-thank you po sa pagtanggap. Uuwi na po ako,"

"Okay, I'll just call our dri-"

"Wag na, Nadia. Ako na maghahatid sa kaniya," singit ni Vyn sa usapan. Tumayo na siya at lumapit sa akin. "I'll sleep here, don't worry. ihahatid ko lang siya. Let's go."

Nagpaalam ulit ako sa kanila for the last time and followed Vyn outside. Nakabukas na ang kotse niya pagkalabas ko at nasa driver's seat na rin siya.

True to his word, he just drive me home then umalis na rin siya. I thanked him one last time before going up to rest.

"Patay, late na ako!" Sabi ko sa sarili ko habang mabilis na naglalakad papunta sa DIS. Late na ako nagising kagabi dahil nag review pa ako sa subject ni Ms. Lyla dahil nung nakaraan ay nag quiz siya bigla at naka three points lang ako out of fifteen items. Unang beses na ganon ang score ko!

"I'd miss." Nagmamadali kong kinalkal ang bag ko dahil hinarang ako ng guard, napansin yata na wala akong I'd. Pero sa kamalas malasan yatang pagkakataon ay naiwan ko pa yata ang I'd ko!

Lord, bat naman ngayon pa? Huhu. May test pa yata kami sa first period!

Nang tumunog ang cellphone ko ay kinuha ko 'yon at nakitang si Nadia ang tumatawag. And yes, close na kami! Isang buwan na yata simula nang magpasukan at after ng reporting namin kay Ms. Lyla ay palagi na kaming magkasama. Masayang masaya kami nung araw na iyon dahil kami ang may pinakamataas na marka. We even exchange our number and she's really kind!

"Celestina, asan ka na?! Five minutes before the first period!" Bungad niya kaagad sa akin.

"Nasa gate ako! Late na ako nagising dahil sa pag rereview, ayaw pa ako papasukin ng guard dahil wala akong I'd!"

"Nyemas ka! Kahit pa takbuhin mo ang VNC ay hindi ka aabot! How could you forget your I'd?! Nang sesermon na anas nito.

"Oo at kung mag uusap pa tayo rito ay lalong hindi ako makakapasok!"

"Sige sige na!"

Pagkababa ng tawag ay tumalikod na ako para sana takbuhin ang VNC pero dahil yata malas ang araw na ito para sa akin ay may nakabangga pa ako dahilan para matumba at sumadsad ang palad ko sa semento!

Shit, masakit siya! Ramdam ko ang sakit na dulot nang pagsadsad ko.

"Shit! I'm sorry, miss. Okay ka lang?" Inilahad niya ang kamay sa akin kaya inangat ko ang mukha para makita ang hitsura niya. Maamo ang mukha at halatang mabait kaya tinanggap ko ang kamay niya at nagpaalalay tumayo.

"Thank you," Sabi ko at nilingon ang palad kong dumurugo na.

"You're hand is bleeding, miss. Let's go, I'll bring you in the hospital. Malapit lang 'yon dito." Sabi nito at binalutan niya ng panyong pula ang dumurugo kong palad na may nakaukit na 'IÑIGO' sa gilid.

Binawi ko ang kamay ko na hawak niya. "H-hindi na. May hahabulin pa akong-"

"I insist, miss. Besides, hindi ka rin naman makakapasok, diba? You don't have your I'd,"

"Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko.

Tumikhim siya saglit at umiwas ng tingin. "I h-heard the g-guard," Muli siyang tumingin sa akin. "Let's go and get your wound treated."









-

Love at First TouchWhere stories live. Discover now