"No. Baka magkasakit ka." Hinawakan niya ang kamay ko na mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng di siya nagpapigil at sabay na pumasok sa ospital.

Pumasok kami sa isang opisina at dun tumambad sa'kin ang doctor ni nanay.

Nanlalaki ang mata ko at labis ang kaba ko na baka malaman ni Liam na ang nanay ko ay nagkasakit. Kapag nalaman niya na may sakit si nanay at puntahan niya ito ay baka malaman niyang hindi kami mayaman at maudlot ang plano namin ng ina niya.

Iniwas ko agad ang tingin kay doc ng pakatitigan ako nito.

"Dude, stop staring at my wife." Si Liam na hinarangan ako.

"Wife huh." Sabi ng doktor bago umalis sa harapan namin at pumunta sa lamesa niya at umupo dun na hindi tinatanggal ang tingin sa'kin. Mahigpit naman ang hawak ko sa laylayan ng damit ko dahil sa kaba at taranta.

"Anong ginagawa mo sa ospital ko Buenaventura?" Nakataas ang isang kilay nito ng ibaling ang tingin kay Liam.

"Check her."

"Why? Does something bad happened?"

"Nabuhusan ng malamig na tubig at natuyoan."

"Ohh--- What?!" Malalaki ang mata na nakatingin kay Liam si doc.

"Just fucking check her, Guerrero. I'll just get her clothes outside." Bago lumabas si Liam na siyang paglakas lalo ng kaba ko ng kaming dalawa na lang ng doktor ni nanay ang naiwan dito sa loob ng opisina niya.

"So?" Sabi niya na para bang naghihintay ng paliwanag ko.

Hinarap ko siya ng buong tapang para sabihan na wag sabihin kay Liam na nandito ang nanay ko.

"Doc... Please wag mong sabihin sakanya na nandito si nanay-"

"Okay okay. I get it and no need to worry. Your secret is safe with me, Esther."

Nakahinga ako ng maluwag ng maintindihan niya ang sitwasyon ko kahit hindi niya alam ang buong istorya kung bakit kailangan kong magsinungaling sa kaibigan niya.

"T-thank you..."

"In one conditon. Wag mong sasaktan ang kaibigan ko." Tiningnan ko siya na may hindi siguradong sagot.

At sa isang iglap, bagong kasinungalingan na naman ang ginawa ko.

"O-oo."

"Okay hindi na kita kailangan e-check. OA lang ang boyfriend mo. Maliban sa natuyo ka? Ano pa ang nararamdaman mo?" Tanong niya..

"Wala na."

"By the way. Kagabi pa nakalabas ang nanay mo."

"Ano?"

"Bumubuti-buti na ang kalagayan niya. Gusto niya munang makapagpahinga sa bahay niyo. Don't worry, che-check ko pa din ang kalagayan niya."

Gumaan ang pakiramdam ko ng madinig mula kay doc na bumuti na ang pakiramdam ni nanay.

Sana magtuloy-tuloy na ang paggaling ni nanay...

"Ganun ba?"

"Yes. And by the way, highway. I'm Ezekiel Guerrero." Pagpapakilala nito sakin at umalis sa pagkakaupo sa kanyang lamesa at lumapit sa isang aparador at may kinuha dun.

"Ano yan?" Tanong ko ng iabot niya sakin ang isang pirasong papel at ballpen.

"Ilagay mo ang adddress niyo para mapuntahan ko ang nanay mo at ma check ang kalagayan niya."

"Address ko o ni Pat?"

"Fuck. Just... God. Pat's address." Pag amin din neto sa huli ng matansiya ko ang pakay niya.

Kaya ganun na lang ang pag tago niya ng sekreto ko dahil may kailangan pala.

Hmmm... Smell something fishy huh?...

Natawa ako ng kaagad niyang ibinulsa ang papel matapos kong maisulat ang address ni Pat.

"Tinamaan ka ata."

"Shut up." Inirapan ako neto na akala mo bakla kung makairap sakin.

Napailing na lang ako at umupo sa sofa ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Liam na may dalang paper bag.

"Where is your comfort room, Guerrero?" Kaagad nitong tanong sa kaibigan na prenteng nakaupo sa upuan niya.

"Doon oh." Sabay nguso niya sa isang pintuan nitong opisina niya.

"Done checking her?" Kunot noong tanong nito sa doktor.

"She's fine, Buenaventura. You're just overreacting." Iiling iling at natatawang sabi nito sa kaibigan.

"Fvck you, Guerrero."

Lumapit sa'kin si Liam at gulat ako ng hawakan ako ni Liam sa kamay at iginaya sa cr.

"Uy! Ako na! Chansing ka din." Kinuha ko na agad ang hawak niyang paper bag na alam kong damit ang laman nun, bago pa siya makapasok sa loob kung saan ako magbibihis.

"Fuck. Go." Pagsuko nito at ibinigay na sakin ang paper bag pero nandun pa din yung mga ngisi niya sa labi. Manyak.

Pumasok akong napanguso dahil baka makita niya ang ngiti ko at ng makapasok na ay dun ko na pinakawalan.

God... Anong nangyayari sa'kin.











End of chapter ten...

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now