Shit. Ano na naman ba 'tong iniisip ko.

Umalis na yung babae na may ngiti sa labi.

Hindi ko alam, pero hindi ko gusto ang may humahalik kay Liam. Matagal na siyang wala sa isipan ko at hindi ko gustong maulit ang nararamdaman ko para sa kanya.

Mahirap magmahal ng taong katawan lang ang habol sayo. Mahirap lang siyang mahalin, kung kailanman ay hindi mo siya minahal. Ngunit kung minahal mo naman, dun ka na maghihirap. Madaming katanungan ang pupuno sa isipan mo. Magkakaroon ka ng mga insecurities sa katawan na hindi mo magugustuhan habang pinagpapatuloy mo ang pagbabago sa sarili mo para sa taong mahal mo, dahil pakiramdam mo maraming nawala sayo. Ng makilala ko siya, ng makatalik ko siya ng isang gabi. Doon pumasok ang maraming tanong sa isipan ko. Malaking bagay kasi sa'kin ang makuha ni Liam ng gabing yun. Hindi ako natatahimik ng mag umaga matapos ang gabing yun. Puno ako ng pagsisi ng gumising. Ngunit, kung titingnan mo si Liam ay parang walang nangyari sa'ming dalawa. Isa lang naman ang ibig sabihin nun. Katawan ko lang ang habol niya samantalang ako ay puso ang habol sa kanya noon.

Pero ngayon? Hindi ko alam kung may hahabulin pa ako kung may nag mamay-ari na ng hinahabol ko.

Napabalik ako sa katinuan ng biglang bumukas ang pinto ng sasakyan sa gilid ko at tumambad ang galit na mukha ni Liam.

"Shit that girl. I will fucking kill-"

"L-liam... Yung l-lipstick naiwan sa gilid ng l-labi mo..."

Iniwas ko ang tingin sa kanya at ibinaling sa harap ng makaramdam ng kakaiba sa dibdib ko.

"Fuck."

Hindi ko alam kung anong ginawa niya pero basta-basta na lang niyang sinara ang pinto at malalaki ang hakbang na umikot papunta sa driver seat.

Ng makapasok siya ay agad siyang lumapit sa'kin at kinuha ang seatbelt para sa'kin. Sandali kong nahigit ang paghinga ko sa ginawa niya at ng pakiramdaman ko ang puso ko ay sobrang lakas ng tibok nito lalo pa at ng maramdaman ko ang mabango niyang hininga sa mukha ko.

Yung naramdaman kong mga karayom na tumutusok sa dibdib ko kanina ay unti-unting nawala at napalitan ng kakaibang pakiramdam na kaba.

Akala ko aalis na siya ng matapos niyang mag seat belt sakin, ngunit nanatili ang tingin niya sa'kin na para bang sinusuri ako kung ayos lang nga ba ako o guni-guni ko lang yun.

"I'm sorry..." Sabi niya bago lumayo.

Hindi ako makahinga ng maayos hanggang sa marahang umaandar na ang sasakyan, hindi tulad kanina.

"Sorry ka ng sorry wala ka namang ginagawang masama." Di mapigilang usal ko.

"Tss. But I love the way I apologize to you when I took your vi-"

"Tumigil ka, gago." Tinawanan niya ang sinabi ko.

Nagpatuloy siya sa pagmamaneho ng hindi ko inaasahang sa isang lugar kung saan nandodoon si nanay huminto ang sasakyan ni Liam.

"B-bakit tayo nandito?" Kinakabahang tanong ko.

Ng tingnan ko siya ay nakita ko siyang nakatingin sa bandang hita ko na nabasa.

"A-ano?"

"Let's go inside, Zeke was there. Natuyuan ka diba? So don't worry, your clothes are coming so you can change." Dire-ditetsong sabi nito na ikinatigil ng mundo ko.

Bigla akong di makapagsalita sa mga nadidinig mula sa kanya. Natuyoan lang ng hindi grabeng basa ay sa ospital na ang patutungohan ko.

God...

Lumabas siya at umikot para pagbuksan ako na siyang tinunganga ko na naman.

"Hey let's go."

"H-hindi! Ayos na'ko! S-sa bahay na lang tayo!" Tarantang sabi ko sa kanya.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now