Chapter 6

53 1 0
                                    

Her Frustration

Kahit hindi ako nagtrabaho kagabi,pakiramdam ko sobrang pagod ko ngayong pagkagising. Maraming bagay ang nangyaring hindi ko inaasahan kahapon. Kagabi kahit na papauwi hindi maiwasan na maalala si Chana. Iniisip ko kung okay lang ba siya. Galit kaya sila. Buti nalang si Sheen yung tinext ko para magsundo sa akin at nagkaroon ako ng balita tungkol kay Cha.

Habang tahimik na binabaybay namin ang daan pauwi sa amin,naisipan kong tanungin si Sheen tungkol kay Chana. Sigurado akong nabalitaan na niya siguro ang nangyari,hindi maaaring mahuli toh sa balita. Chismoso yan eh.

"Sheen? Alam kong alam mo na ang nangyari kay Cha. Ayos lang ba siya?" hindi makatinging tanong ko dahil sa hiya at pagka guilty.

Matagal bago siya sumagot. Galit siguro siya. Sabagay,sino ba naman hindi magagalit kung ang isa sa mga kaibigan mo ay iniwan nalang basta kapalit ng pera diba? Lalo na't isa pa niyang kaibigan ang gumawa non.

"Bakit mo nagawa yon? Para saan? Dahil sa trabaho mo? Yun kasi yung sinabi ni Ada. Kahit anong isipin ko kanina,hindi ko talaga maintindihan ang rason mo para iwanan nalang basta si Cha." seryosong sabi nito. Sabi na nga ba galit siya.

Napabuntong hininga ako bago sumagot. "I'm sorry. I'm sorry kung nagawa ko yun,pero alam kong maiintindihan nyo rin ako balang araw. Hindi kasi kayo yung nasa posisyon ko kaya hindi nyo alam ang pinagdadaan ko."

"Posisyon? Kailangan pa ba naming maranasan ang lahat ng yan bago ka namin maintindihan? Minsan,hindi ka marunong makinig sa amin,no, scratch that,lagi----lagi kang hindi nakikinig sa amin. Kailan ka namin masusuportahan at matutulungan kung hindi mo kami minsan pinakikinggan? Ano pa itong pagkakaibigan natin kung hindi rin naman tayo magtutulungan. Wala rin palang kwenta ganon?" mahabang sagot nito. Magsasalita palang sana ako nang umiling at itinapat niya ang kaniyang palad sa harap ng mukha ko.

"No Zyn. Listen to me first. Hayaan mo muna akong maglabas ng sama ng loob. Okay. As I said,dapat marunong ka ring makinig sa amin. Alam mo kahit akong childhood friend mo,hanggang ngayon konti palang ang pagkakakilala ko sayo. Ang misteryoso mo masyado beh. I hate when you just left her lalo na't may kinalaman sa pera. Ano yon? Pinagpapalit mo nalang sa pera ang pagkakaibigan niyo? Natin? I don't really understand you sis but maybe when you finally open up to us? Maybe we can fully understand you then." nakayuko lang ako buong pagsasalita niya.

I looked up knowing he's smiling warmly at me. Napaluha ako sa nasaksihan. Naka open kasi yung mga braso niya,inaaya ako nitong yumakap sa kaniya. Dali-dali naman akong yumakap sa kaniya at humagugol.

Hinihimas nito ang aking buhok bilang pagpapakalma sa akin ngunit mas lalo lamang akong naiyak sa kaniyang ginawa.

"Shhh. It's okay. Tahan na."

Matapos ng ilang minuto pag-iyak kumalas na rin ako sa pagkakayakap sa kaniya. "Sorry talaga. Hindi ko rin naman gustong gawin yon sa kaniya pero wala akong choice."

"Malalampasan mo rin yan lalo na at kasama mo kami. Basta lagi mo lang tatandaan na nandito lang kami. Subukan mo rin kasing mag open samin minsan,kaibigan mo kami eh." he calmly said then he tucked my hair behind my ear. Nakangiting tumago naman ako.

"Paano ba yan? Uuwi na ako? Hindi na pala natin namalayan na nakauwi na tayo hahaha."

"Yeah. Hindi ko rin napansin. Goodnight Sheen. Thank you din!" saka na ako tumalikod pauwi. Nakita ko nalang siyang kumaway bago umalis.

Medyo magaan na ang pakiramdam ko bago pumasok sa loob ng bahay. Nakapatay ang ilaw ngunit hindi nakapatay ang mga ilaw. Wala bang tao? Wala ba si Mama?

Dahan-dahan kong binuksan ang gate para makapasok. Sinubukan ko ding hanapin ang susi namin sa ilalim ng paso ng mga bulaklak. Buti naman at nandito lang,pero ibig sabihin wala si Mama? Kasi ito yung isa pa naming susi eh.

"Ma? Ma,nakauwi na po ako!" sigaw na pagtawag ko kay Mama.

Ilang minuto pa ang hinintay ko bago naisipan na ituloy ko ang pagpasok ko. Agad na hinanap ko ang switch ng ilaw para nabuksan ito.

Nagulat na lamang ako pagkasindi ng ilaw. Basag na mga bote,kalat-kalat na balat ng chichirya,at mga balat ng buto ng pakwan. Ang gulo,parang pinasukan ng magnanakaw.

Hinanap ko kung nasaan si Mama at natagpuan ko siya sa ilalim ng sofa. Tulog at humihilik pa. Bukod doon,may hawak pa siyang bote ng alak sa kaniyang kanang kamay.

Napaupo ako at napaiyak na lamang sa nakita. Lagi-lagi na lang ba sa alak niya gagamitin yung mga perang pinaghihitapan ko? Nakakapagod naman. Nakaka frustrate na parang gusto ko nang sumuko.

Hindi ko na hinayaan na masayang pa ang ilang oras at kumilos na. Nilinis ko ang mga pinagkalatan ni Mama at tinapon sa labas ang nga basag na bote. Pagkatapos lahat sinubukan kong gisingin si Mama pero hindi man lang natinig sa sobrang lasing. Kaya hinayaan ko nalang siya doon at binigyan na lamang ng unan at kumot.

Bago umakyat sa taas sinigurado ko munang naka lock ang pinto at mga bintana. Pagkaakyat ko sa taas agad akong naghilamos at nagpalit ng damit.

Pagkahiga ko agad akong hinila ng antok.

"Sis! Bakit ang sabog mo today? Ke aga aga naman nating nakauwi kagabi?" bungad agad ni Sheen.

"Yun na nga. Ke aga aga din akong nasermunan. Kesyo daw bakit ang tagal ko kagabi? Nasaan daw yung mga pera? Kinginang yan kakapagod." bwisit na sagot ko.

"Yun naman pala. Osha! Halikana't pumasok na lang tayo." aya niya na agad ko namang tinanguan.

Katahimikan ang bumalot sa amin habang naglalakad patungo sa sakayan. Ngunit maya-maya lang binasag na agad ito ni Sheen.

"Uhmm sis? Kasi..ano uhm..ano kasi--"

"Ano ba yon? Pwede bang ituloy mo na." sagot ko sa di niya masabi-sabi.

"Kakausapinkadawnaminmamaya!" mabilisang sabi niya kaya hindi ko maintindihan.

"Ano?! Tangina,ayusin mo naman. Wala akong maintindihan eh. Lalo lang sumasakit ulo ko." inis na sabi ko. Nagkamot naman siya ng ulo.

"Kakausapin ka daa namin mamaya tungkol sa nangyari sayo." this time malinaw na ang kaniyang sinasabi. Napalunok naman ako sa narinig.

"You mean? Kokomprontahin nyo ako?" kinakabahang tanong ko. Tumango-tango naman siya. "Ito na ba talaga ang time para sabihin ang lahat tungkol sakin? Hindi ba kayo magagalit?"

"Of course magagalit. Pero mas pipiliin ka naming intindihin. Para na rin makilala ka namin ng lubusan. Sampung taon na tayong magkaibigan Zyn pero hindi pa rin kita kilala ng lubusan,samantalang ako,kilalang-kilala mo na pati siguro yung nunal ko alam mo na kung saan eh."

"Siguro nga kailangan ko ng magpaliwanag. Huwag kang mag-alala sasabihin ko na ang lahat simula ngayon." nakangiti at pinal na pangako ko.

"Yan. Ganyan dapat! Para matulungan ka namin. Tara na at pumasok na tayo." sabay akbay niya sa akin.

Wala pa ring nagbabago pagkarating namin sa paaralan. Naghihintay pa rin ang tatlo sa amin. Tama nga si Sheen na ayos na si Cha. Pero parang ang bigat naman ng pakiramdam ko ngayon?

Sinubukan kong ngumiti at kumaway ngunit umiwas lamang sila ng tingin. Na-stuck naman ang kamay ko sa ere ngunit agad itong ibinaba ni Sheen.

"Intindihin mo nalang sila. Nagtatampo sayo eh. Besides,may kasalanan ka din naman." atsaka na siya nagpatiuna kasama ang tatlo

Wala akong magawa kundi sumunod sa kanila. Tama naman si Sheen,kasalanan ko. Ganito siguro yung nararamdaman nila sa tuwing sinusubukan kong umiwas sa lahat noh? Ang sakit pala. Ngayon maranasan ko na? Siguraduhin kong magsasabi at magbabahagi na ako sa kanila ng aking mga problema.

Mabigat man ang pakiramdam na pasan ko bago tuluyang pumasok sa loob ng paaralan,pinili ko pa ring ngumiti kahit nasasaktan. Just always smile like how I used to be. Magkakaayos din kami. Claim it.

UNTIL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now