Chapter 13(Twist)

7 3 0
                                    

SHANTAL'S P.O.V.

Maaga akong nagising ng maramdaman na nay kung anong mabigat na nakapatong sa bewang ko. Kamay pala ni Drake na nakayakap sa akin. Marahan kong itinaas ang kamay nya para sana alisin pero hinigpitan nya pa ang pagkakayakap sa akin.

"Drake wake up! Baka may trabaho ka ngayon?"

"Hmmm. It's my off today. " Hayst naalala ko na anak sya ng owner kaya anytime pwede syang mag leave o mag day off kung gugustuhin nya.

"I love you too." Naguluhan ako sa sinabi nya kase wala pa naman akong sinabing ganon sa kanya.

Binigyan nya ako ng nakakalokong ngiti dahil mukhang napansin nya na hindi ko sya maintindihan.

"Last night you said that you love me. Reason kung bakit ko sinabi yon." Ahhhhh oh my!! Narinig sya pala yun? Bigla ko syang tinalikuran sa kahihiyan. Di ko inaasahan na narinig nya pala iyon. Ang buong akala ko kase tulog na sya kaya ko yun sinabi.

"Why? Are you ashamed of that? It's okay! I love you too. I really do." Sagot nya bago ako yakapin habang nakataligod parin sa kanya. Kung siguro nakaharap ako sa kanya ay makikita nya kung gaano kapula ang mukha ko ngayon dahil sa mga sinasabi at ipinaparamdam nya.

Ramdam ko ang pagbangon nya at bumaba sa kama. Pumunta sya sa harap ko at inalalayan akong umupo bago halikan sa pisngi.

Ahhhhhhhhh!!!!!

"From now on, girlfriend na kita. Walang makakapigil sakin kahit ikaw pa." Maotoridad nyang sambit.

"Whatever Mr. Mendoza!" Inirapan ko sya bago tumawa sa sinabi nya.

"I'm serious!" Natawa naman ako ng bigla syang mag pout. Kyut nya rin pala pag nagtatampo.

"Oo na, oo na! Wag ka ng magtampo kase nawawala yang angas mo."

Biglang pumasok ang nurse at may kung ano anong chineck sakin.

Kinausap din nito si Drake bago muling lumapit sa akin.

"Pwede ka na daw umuwi!" Masayang balita nya sakin. Inalis ng ng nurse yung mga nakatusok sa kamay ko. Medyo magaling na din ang sugat sa likod ko pero kahit papano ay kaya ko na. At isa pa gusto ko ng umuwi kase naiinip na ako dito.

Inayos na ni Drake lahat ng mga gamit ko at inalalayan nya ako hanggang sa makarating kami sa parking lot. Isang Van ang tumigil sa harap at pagbukas non ay bumungad ang halos mapunit na labi ni Trisha kakangiti ng makita nya ako.

Agad nya akong niyakap ng mahigpit na para bang wala akong tama ng bala ng baril sa katawan. Medyo napaawang ako ng bibig ng maramdaman na tumama ang kamay nya sa likod ko kung san nadon pa ang sugat.

Agad namang hinawi ni Drake ang kamay ni Trish at sinenyasan na di pa magaling sugat ko. Bigla naman itong nag peace sign at sinabing hindi nya sinasadya.

"Ingay talaga!" Kumento pa ni Drake.

"Ano? At sino namang tinutukoy mo?"nakacross arm na tanong ni Trish.

Imbes na sagutin ay hinawakan nya ang kamay ko at inalalayan na papasok ng sasakyan. Siniringan naman ito ni Trisha dahilan para matawa ako sa kanila.

Sa halip na sa bahay ko nila ako dinala ay sa bahay nina Drake kami dumiretso. Pagbaba namin ay agad na sumalubong si Tita at agad akong niyakap.

"Juskong bata ka! Mabuti at okay ka na!"

"Namiss ko po kayo. Pasensya na pi at pinag alala ko pa kayo." Dumiretso kami sa kwarto at marahan akong ihiniga ni Drake. Sabi nya kase saka na daw ako maggagalaw kapag magaling na magaling na talaga ako.

"So pano Shant. Uuwi na ako. Ingat ka dito ha! Bukas dadalaw ulit ako, promiseee!"nginitian ko si Trish bago sya yakapin.

I'm so happy to have her. Sa mundong ito,sya talaga yung tumayong kaibigan/kapatid ko. Kaya mahal na mahal ko tong babaeng to.

"Shhh. Ok na ako. Ingat ka din sa pag uwi. I love you... And Thankyou."lalo naman itong naiyak sa sinabi ko.

"Best friend nga talaga kita! Bye Shant." Huling bigkas nya bago lumabas ng kwarto. Naiwan akong mag isa sa loob dahil nasa baba si Tita at nagluluto habang si Drake naman ay may pupuntahan daw.

Ipinikit ko ang mata ko hanggang sa lmunin na ako ng antok.

"Shantall,anak." Isangpamilyar na boses ang lumitaw sa kung saan.

Si D-daddy yun. Sigurado ako.

"Wag mo na kaming alalahanin. Hayaan mong alalahanin ka ng taong alam naming aalagaan at mamahalin ka." Hindi ko napigilan ang pag agos ng luha sa aking mga mata. Si Mommy yun.

"Masaya kaming si Drake ang nagustuhan ng iyong puso. Mahal na mahal ka namin ng Mommy mo. Ngayon ay matatahimik na kami dahil alam naming nasa tamang tao ka na."

"Ingatan mo sana ang sarili mo anak. At sana ay huwag mong kalimutan na mahal na mahal ka namin. Paalam"

Paalam...

Salitang paulit ulit na dinudurog ang puso ko.

Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang kulay puting kwarto. May nakita din akong babae na nakaputi at nakatayo sa tapat ko. Nang mapansin nyang gising na ako ay dali dali syang lumabas na parang may tinatawag.

"Gising ka na pala ija. Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ng babaeng sa tingin ko ay nasa 45-50 yrs na.

Agad akong nagtaka dahil may kasama itong dalwang babaeng at dalwang lalaking nakaputi.

"S-si D-drake po? Si T-trisha? Yung bestfriend ko po?" Nagsimulang umiling ang isa nitong kasama.

"Ija,listen to me. Drake and Trisha didn't exist okay?" Napakunot ang qnoo ko sa sinabi ng babae.

"Trisha is just part of your imagination,as well as Drake." Nagsimula na akong magtaka at umiyak sa sinasabi ng babae.

"A-ano po bang sinasabi nyo? Hindi po totoo ya. T-totoo po sila. Hindi po sila imahinasyon ko lang! " Nagsimula ng sumikip ang dibdib ko sa sinasabi nya.

Hindi. Hindi totoo to. Kung panaginip lang to gisingin nyo ako. Hindi ko na kaya. Hanggang kailan pa ba ako mahihirapan? Ayaw ko na.

Hindi ko alam kung paanong imbento ko lang ang lahat ng iyon. Naguguluhan na ako. Hindi ko namaintindihan ang nangyayare sa akin. Pakiramdam ko buong pagkatao ko ay pawang imahenasyon ko lang din. Inalala ko yung gabi bago mamatay si Mommy at Daddy. Sigurado akong iisang tao lang ang pumatay sa kanila.

Pero pano ako napunta sa ganitong sitwasyon? Paanong...baliw ba ako? Hindi! Impossible! Hindi totoo to!!

Nagsimula na din akong magwala sa mga nalalaman ko. Iyak at tanging pag awat nalang nila ang naririnig ko. Nagwawala ako sa galit kung bakit kailangan pa nila akong itali sa kama. Hindi ako makagalaw. At mas lalo akong nanghina ng may maliit na kung ako ang itinusok sa akin.

Naramdaman ko nalang ay antok na antok ako dahilan para hindi ko na malaman ang mga sumunod pang nangyari sa akin.

DARK NIGHTHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin