- ADELINE GANDA :))





" Idiot. " I whispered to myself, even though she's a crazy woman she still makes me laugh. I didn't realize that I was smiling because of this letter that Adeline wrote.

Why I seem to want to see her, my eyes are looking for her even though she fought me before. She must be very angry about it. I've never thought of a woman, only Adeline did that, damn what's wrong with her why do I think of her like that, hindi siya mawala sa isipan ko.







ADELINE POV

Lumapit ako sa lalaking humihigop ng kape sa may sala, pero nakapa ko naman ang suot ko, ngayon ko lang napansin na iba na pala ang suot kong damit. Mabango at malinis ang mga ito, kaya mas lalo akong nagtaka kung sino ba talaga ang lalaking ito?

Lumapit ako sa kanya, lumingon naman siya agad na parang nagulat at tumayo sa pagkakaupo niya, naistorbo ko yata. Infairness ang gwapo niya, speaking of gwapo kamusta na kaya si pogi, iniisip niya rin ba ako?

Bobo kaba Adeline paano ka niya iisiipn eh galit nga sayo yun, hayst.

" Oh Miss, you're awake, how's your feeling? " Tanong naman nitong lalaki habang pinaupo niya ako sa may sofa katabi niya. Nakatingin lang ako sa mukha niya, ang gwapo eh.

" Miss?- hello? Are you okay? "

" A-eeh- yes, okay lang ako. Sino ka pala? Bakit ako nandito, bahay mo ba 'to? "

Napakamot naman ito sa ulo niya. " This is not my house Miss, I'm Aeron, and you? " Inabot niya ang kamay niya saken para makipagshakeshand, nakipagshakeshand din naman ako. Gagu beh ang lambot ng kamay.

" I'm Adeline Claire Ro- " hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may dumating isang babae, nasa 30s ang edad niya, nang makita ko ang kabuuhan ng mukha niya bigla nalang nagsitayuan ang mga balahibo ko.

" Hi Ma'am, gising na po pala siya. " Sabi naman nitong Aeron.

" Okay, hi iha are you okay? " Tila istatwang naninigas ako dito, hindi ako makakilos totoo ba itong nakikita ko? Itong babaeng nasa harapan ko ngayon ay ang ina ko, hindi ako nagkakamali siya si Mommy.

" Iha, are you okay? " Ulit na tanong niya kaya napatayo ako.

" Okay lang po ako. " Umupo naman siya sa harapan namin.

" Basang-basa ka kagabi iha, bakit san ka ba galing at naglalakad ka mag-isa ang dilim pa naman at malakas pa ang ulan. "
Gusto kong umiyak, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero bakit parang pinipigilan ako ng utak ko. Bigla naman akong napalingon sa gilid nang may liwanag na lumabas, nakita ko si Bianca.

" Adeline, wag mong sasabihing ikaw ang anak niya masisira ang lahat. " Sabi naman nito at bigla nang nawala na parang bula.

" Ano po kasi, naliligaw lang po ako nun bago lang po kasi ako dito sa Manila. " Pagsisinungaling ko naman.

" Ahh okay, iha may mga magulang kaba? "

" Wa-wala po, matagal na po silang patay." Gusto ko mang sabihin na ako yung anak niya pero hindi pwede, hindi ko tuloy napigilang tumulo ang aking mga luha.

" Okay ka lang Adeline? " Napalingon naman saken si Aeron.

" Adeline? " Tanong ng mommy ko

" Yes Ma'am Adeline po yung name niya. "

Spy Of TomorrowWhere stories live. Discover now