Chapter 1 Job Interview

48 0 0
                                    

<Short Update>

JADE

"Okay na ba ang suot ko?" Tanong ko habang umiikot para makita ni Lexie ang get up ko. Nakasuot ako ng white long sleeves, brown bandage skirt, at 2 inches heels para sa interview na magaganap sa araw na ito. Nagsuot rin ako ng brown coat para sakaling malamig ay handa ako. Girl scout! Huehue.

Nakanga-ngang pinasadahan ako ng tingin ni Lexie, "Ang ganda mo friend! Nahiya byuti ko sa fezlak mo!"

Namula ako at umiwas ng tingin at sinabing, "Hindi naman masyado."

"Wag ng pa-humble girl, masyado kang maganda kaya ibalato mo na lang sa akin 'to! Nga pala, dala mo na ang resumé mo? And other requirements?"

"Yup." Simpleng sagot ko.

"May pamasahe ka ba papunta doon?"

Napakamot na lang ako sa batok, "Gagawan ko na lang ng paraan."

"Bestie naman! Ito," Sabay abot niya sa akin ng five hundred peso bill, "Libre ko na, basta ba pag unang sweldo ah!"

"Oo ba! Ikaw pa! Salamat ah," Sincere kong sabi.

"Sige, punta ka na doon. Galingan mo sa pag sagot ah! Dapat Venus Raj ang sagot mo! Major major!" Napatawa ako sa tono niya at nagpaalam na.

~Fast forward~

"Miss Crystal Jade Santiago?" Napatingin ako sa secretary nang mabanggit ang pangalan ko at nagtaas ng kamay.

"Kayo na po." Tumango muna ako sa babae at ngumiti bago pumasok.

"Good morning, ma'am. I'm Crystal Jade Santiago." Pakilala ko sa babaeng interviewer habang nakatayo.

"Take a seat, Miss Santiago." Sabi niya at umupo na ako.

"Why should I hire you?" Agad na tanong nito.

"Because I'm an excellent worker, ma'am." Wooh! Kaya mo yan, Aja!

"Hmm. Wala ka namang criminal records, at may credentials ka," Napangiti ako ngunit agad ring kinabahan sa tanong niya, "But what makes you different from other applicants out there?"

Kaya mo 'toh, Jade! Isa kang Santiago at ang isang Santiago ay inuurungan! Tama!

"Ma'am, If you were to ask that question to me then the answer would be not much regarding my records and credentials but I assure you that if you hire me, then I would offer my best and my quality as a worker. Major major." Ginaya ko pa si Venus Raj sa major major niya. Hihihi!

Napatawa naman si Miss interviewer sa sagot ko.

"I see. Comedian ka rin pala. " Nakangiting sabi nito sa akin. Hehe, na-compliment ako! Char lang.

"Medyo lang po," Siyempre pa-humble ako.

Tumayo na si Miss interviewer kaya napatayo na rin ako, "Congratulations, you're hired."

"Po?" Tila nabingi yata ako. Ano daw?

She chuckled before repeating, "Congratulations, Miss Santiago. You're hired as the new secretary of the CEO."

"Waaaaah! Thank you! Thank you!" Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko si Miss Interviewer at parang nagulat pa siya kaya bumitaw ako, "Sorry po ah? Natuwa lang po masyado, hehe."

"It's okay, dear. Again, congratulations. You'll start tomorrow. Here's your schedule," Sabi niya at inabot ang isang papel at isang notebook na makapal, "And this is your planner."

"Sige po, thank you." Tinaggap ko ang papel na naglalaman ng schedule ko at yung planner bago umalis.

Nang makalabas ako sa building ay agad kong tinawagan si Bestie.

"Hello, bes? Ano? Kumusta yung interview? Tanggap ka?" Sunod sunod niyang tanong.

"Kyaaah! Bestie! Tanggap aketch! Kyaaah!" Tuwang tuwa kong sabi at nagtatalon pa ako dito sa harap ng building.

"Kyaaaah! Sabi ko sa'yo friend eh! Best friend ko yan! Kyaaaah! Tita, tito! Natanggap po ang anak niyo!" Rinig kong sabi niya. Napakunot ang noo ko.

"Nasa bahay ka?" Tanong ko.

"Hehe, oo friend. Boring eh. Talaga?May trabaho na ang anak ko?" Rinig kong boses ni mama.

"Opo tita! Kyaaaah!" Sagot ni bestie.

"Anak! Anak! Congrats!" Narinig ko ang boses ni mama. Hayy. Surprise ko pa naman sana ito pagkauwi ko kaya lang naunahan ako ni bes. Babaitang 'yon, hmp!

"Ah, salamat po ma."

"Anak! Congrats may trabaho ka na!" Singit naman ni papa. Napatawa na lang ako sa kakulitan nila.

"Thank you, pa. Sige po, pauwi na po ako. Bye." At binaba ko na ang tawag nang may ngiti sa labi.

May trabaho na ako! Matutulungan ko na sina mama at papa sa gastusin sa bahay at hisit sa lahat ay mapapa-enroll ko na si bunso sa kolehiyo! Astig ko talaga! Swerte!

Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa dunkin donuts, di ko pa afford ang mga donuts sa mga mahahalin na donuts eh, at umuwi na.

Habang nasa daan ay naisip ko kung paano kaya kung magtayo rin ako ng business pag nakaluwag ako? Tama! Magtatayo ako ng sarili kong kumpanya! Matatayo ko rin ang mansyon namin nila mama! Wala namang masamang mangarap 'di ba? . Hihihi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Winning Her BackWhere stories live. Discover now