kaya kailangan kumpleto tayo ha?

feeling ko rin kasi ipapakilala na niya ako sa buong mga tropa niya.


Mukhang hindi naman siya excited, 'no?


Ako:

papakilala as ano? wag ka masyadong assuming don sa babaerong 'yon ha.

hanggang saan ka ba dadalhin ng pagiging delulu mo?


At kung umasta ito ay parang hindi sila magkakilala at nagkakausap! E, nung huling inom namin ay nakasama namin sila. But it was just a coincidence, nakita lang nila kami since pare-parehas kami ng univ na pinapasukan, kaya naki-table sila samin ni Mickey since pamilyar naman kami sa bawat isa, hindi nga lang super close.

Nang tingnan ko naman ang mesa ko, nakita ko ang marami ko pang re-review-hin at sasagutin. Napasandal at napaayos ako ng upo habang pinapasadahan ng palad ko ang nagugulo kong buhok kasabay ng pasimpleng paghilot sa sentido ko. Hindi pa man ako natatapos ay nai-stress na agad ako. Ang dami ko pa palang gagawin! Makakaya ko kaya ito lahat ngayon tapusin? Nang ngayong gabi lang? Para wala na rin akong isipin.

Nag-reply ulit si Mickey.


Mickey Mouse:

nakaka-offend ka talaga

aba syempre, malay ko rin ba? malay mo ipakilala niya na rin akong future girlfriend niya hehe

Ako:

napaka assuming mong pokpok ka!


I paused for a while. At nagtipa ulit. Nakita ko pa ang pag HAHA react niya sa huling message ko habang lumilipad sa pag-aalala ang utak ko.


Ako:

Mickey, what if hindi ako payagan? ikaw na kaya magpaalam sa parents ko?

alam mo naman sila Papa

di ako papayagan nun 'pag ako ang nagpapaalam!


Sunud-sunod na send 'ko. Agad din naman siya nakapag seen at reply.


Mickey Mouse:

sis, ano ba? para ka namang nahihinaan sa'kin!

oo sige na. basta ako ang bahala sayo!

don't worry sis

'Pagpapaalam kita kila Tito at Tita, kasi 'pag ako nagpaalam alam ko namang papayagan ka hahahah


Natawa ako sa reply niya. Parang siguradung-sigurado siya, ah? Sabagay tama siya. Ang lakas naman kasi niya sa mga magulang ko. Matatagal na rin naman kaming magkakaibigan kaya mabilis nagtiwala ang magulang ko sa mga kaibigan ko dahil kilala na nila.


Ako:

oo nga lakas mo e. makapal naman ang mukha mo kaysa kay Becca.

Mickey Mouse:

so ano na?


Saglit akong natulala, nag-isip bago makapag tipa ulit.


Ako:

saglit lang

script muna tayo!

Darcy, The Breaker of Chains: (obsessive-compulsive. psychotic-thriller.)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora