Tama nga ang hinala ko na gumawa ng reviewer, at least 'di ba, kahit nag-iinom ako, dala ko ang reviewer ko pwede akong mag review kung saan man kami papunta.


Mickey Mouse:

dating gawi. club icon ulit sis!


Napabuntonghininga ako ng malalim.


Ako:

wala akong money!


Ang pagrarason 'ko.


Mickey Mouse:

wag ka ng maarte. libre ko naman lagi transpo, e.

Reply niya, dinig ko tuloy ang maarteng boses niya. Palibhasa may kotse siya!

Tumunog muli ang phone ko.

Mickey Mouse:

aambag ka lang naman.

shuta! napaka kuripot mo talaga! ako na nga bahala sa ambag mo! sagot ko na! Makasama ka lang!


Kusang umangat ang gilid ng labi ko sa pagkakangisi. Parang nabuhayan naman ang loob 'ko. Wala naman agad akong sinabing hindi sasama!


Ako:

sino ako para tumanggi!? wala ng bawian yan ha!


Hindi mapuknat ang labi ko ng mag-send ako. Ang totoo n'yan, hindi naman sa wala akong pera. Binibigyan naman ako ng magulang ko. Kaso mahilig kasi magtanong si Mama, hindi lang sa mga pinupuntahan ko, syempre sa kung anu-ano rin ang mga winawaldas ko. Kahit naman may kaya kami, ayaw niyang magastos at maging maluho ako basta sa mga bagay-bagay.

Alangan namang sabihin ko rin dahil sa kakawalwal ko kaya nauubos agad ang pera 'ko? Edi katapusan ko na, pag gano'n! T'saka para na rin hindi malaki kung sakaling bigyan ulit ako ng allowance ng Mama ko sa susunod na araw if ever na manghingi ulit ako.


Mickey Mouse:

sis, ano na? G? sumama ka na, please! niyaya ko rin sila Becca, for sure sasama na din ang mga 'yon kasi syempre kasama rin ang jowa niya!

tang ina ayoko rin naman maging third wheel sis!

namimiss na rin daw tayo! Nagyaya rin kasi si Baby Daniel e hihi


Sunud-sunod na chat niya. Napangiwi ako. Ah... kaya naman pala taeng-tae ang babaeng 'to na pumunta. Niyaya pala ng crush niya. Hindi pa man ako nakakapag-reply ulit ay nag-message pa ulit siya.


Mickey Mouse:

birthday niya kasi tomorrow, iniinvite ako. :)

i feel so special, sis. ininvite niya pa talaga ako sa special day niya. so, pumayag naman agad si ako! nagpaalam na rin akong isama kayo.

so yun, pumayag na talaga si baby.

he's expecting me talaga kaya gusto ko mas lalong siyang maging happy!


"Tsk..." napahilot naman ako sa sentido ko nang wala sa oras sa mga chat niya.

Hindi pa nga ako nakakapagtipa, pinaulanan niya pa lalo ako ng chat.


Mickey Mouse:

Darcy, The Breaker of Chains: (obsessive-compulsive. psychotic-thriller.)Where stories live. Discover now