'Oh! Serves him right!' my mind screamed dramatically.

Masama ang tingin sa akin ng matanda habang naglalakad sila palagpas sa akin habang ako ay nakatayo lamang sa may pintuan, hinihintay si Kleindro na sa gilid ng aking mata ay nakaupo pa rin sa kabiserang kinauupuan niya kanina.

The Chinese guy is mumbling words I can't understand. Probably a different language.

Tumigil pa siya at ngumisi sa mismong tapat ko kaya hinila siya ng dalawang pulis matapos humingi ng paumanhin sa akin.

Nasapo ko ang dibdib nang sumikdo ang kakaibang kaba roon.

There's nothing to be afraid of... makukulong na ang hayop na yun at hindi na siya makakapanakit pa.

"Vanna right? We've meet kanina..."

Standing in front of me is the woman I meet earlier in her usual warm smile.

Suot nya pa rin ang itim na pants at sleeveless top pero wala na ang blazer niyang suot-suot kanina.

"Ah yeah. Hi Engineer Ria!" I acknowledged her.

"Hindi mo sinabing asawa ka pala ni Boss," nakangusong sambit nito.

"Ah..." I laughed a bit because I don't have any excuse for that.

"Kaya pala familiar ka! Mukha mo ang nakikita ko tuwing pumapasok sa opisina ni Mr. Lavaigne."

Right! The huge wedding frame. Siguro matagal na iyon doon.

"Hinahabol kase ako ng security kanina kaya..."

She chuckled.

"Kaya pala galit na galit si Boss kanina. Nagmura pa kahit hindi yun palamura."

Lumingon siya sa likod kung saan lumabas si Kleindro kasama si Roy at saka nagmamadaling nagpaalam sa akin.

"Uhm... M-Mauna na ako ah. Nice to meet you again, Mrs. Lavaigne!"

Mabilis ang hakbang niya palayo kaya nagulat ako nang mas mabilis pang lumagpas si Roy sa akin.

Nagma-marathon ba sila? Bakit parang nagmamadali?

Kunot-noong sinundan ko sila ng tingin.

Malapit na si Ria sa hagdanan nang mahablot siya ni Roy. For a brief moment I felt like watching a Korean drama, live. Roy pulled Engineer Ria till her small body slammed against Roy's huge frame.

My sight turned black as someone covered my eyes from behind.

"Wag kang maki-chismis sa dalawang iyan. Imbitado tayo sa kasal, sabi ni Roy," I heard Kleindro's husky voice.

Kumawala ako sa pagkakatakip ng kamay niya at diretso siyang hinarap.

"Sila ba? I mean mag jowa?"

"Hindi pa. Pero tinuruan ko na si Roy, advance kami mag-isip," he said cockily with a hint of grin on his handsome face.

Napailing na lamang ako nang maalalang birthday ko ang pincode ng laptop niya.

Malambing kong ipinalibot ang braso sa kanyang leeg.

"Kamusta ang meeting?"

"It's fine. Isinasalba ang kaya pang isalba, everyone envolved in the sabotage are all ready to be sent in jail. Hawak ng mga tauhan ko, ang iba naman ay nasa mga awtoridad na."

Tumango-tango ako, satisfied sa narinig.

"Good to know that," hinawi ko ang buhok niyang medyo nakatabing sa noo saka marahang hinaplos ang kanyang pisngi, "How are you? Are you tired? Hmm..."

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum