"Papasokin nyo ako!" Sigaw nito

Kabado naman ang mga nurse at natataranta na ang iba pero hindi naman nila pinapahalata dahil mas kailangan nilang bantayan ang gawi ng pasyente nila.

Pagkapasok ng tatlong nurse ay agad na nilang ginamit ang flatline machine.

"Buksan nyo ang electric time para mamonitor ang heart beat" Sabi ni doc Leo sa mga nurse na kasama niya

"Yes doc"

"Doc ito na po ang flatline" Sabi ng isang nurse at ibingay nito ang flatline iron kay doc Leo.

"Tignan nyo ang stability ng kanyang heart rate" Sabi naman ni doc sa kanyang mga kasama

"1st attempt!"

"123 Push!"

"Not responding!"

"2nd attempt!"

"123 push!"

"Wala parin talaga doc!"

"Last attempt! 123 push!"  Sigaw ni doc Leo sabay ng pagdalbog ng walang malay na katawan ni James.

"His heart beat is going low!"

Pinanghinaan naman si Doc Leo ng sinabi ng isang nurse na hindi na nagrerespond ang heart beat ng pasyente.

"Check his vitals again!" Utos nito sa head nurse na kasama niya

"Blood pressure zero over zero"

"Heart beat, not responding"

"Heart rate is going low!"

Patuloy parin ang pagtunog ng ventilator machine pero gaya ng kanina ay naka straight line pa din ito at naka zero narin ang heart beat ng pasyente.

Napayuko nalang si doc Leo sa lungkot dahil hindi niya naisalba ang buhay ng magiging son in law niya at ng apo niya. Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Time of death"

"11:23 am"

"Job will done guys!" Ang malungkot na sabi ni Doc Leo sa mga kasamahan nito. Pero hindi din maipagkaila na nalulungkot din ang mga kasama niya

"Were very sorry doc, hanggang dito lang talaga ang makakaya natin eh" Sabi naman ng isang head nurse na kasama nito

Malungkot namang ngumiti ang doctor dito. At siya nadin ang nagtakip ng  puting tila sa walang buhay na katawan ng pasyente.

Lithium P.O.V.

Mga tatlong minuto na din ang lumipas ng magtakbuhan ang mga nurse sa kwarto ni James kanina. Pero hanggang ngayon hindi parin lumalabas ang kahit ni isang tao sa loob. Halos hindi ko na mabilang ang mga taong dumadaan sa harap ko dala sa kaba at pag-aalala ko kay James.

Nabuhayan naman ako ng bumukas na ang pintuan at isa-isang nagsilabasan ang mga kasamahan ni dad. Mabilis naman akong lumapit sa kanila upang itanong kung kumusta na si James. Pero kahit ni isa sa kanila ay hindi naman ako sinagot. Mas lalo naman akong kinabahan dahil sa mga ikinikilos nila. Hindi ko maiwasang mangamba dahil sa mga ipinakita nila.

"Kumusta si James? Okay naba siya? Asan si dad? Nagkamalay naba ang pasyente?" Ang kinakabahan kung tanong sa head nurse ng lumabas ito

"Nasa loob pa si Doc Leo sir Lithium" Sagot naman nito sa akin

"Si James po kumusta na siya?" Tanong ko ulit dito

"I think si Doc Leo na ang magsasabi sayo tungkol sa pasyente sir" Sabi nito sa akin syaka umalis.

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin