Akala Ko Kasi... (one shot)

Start from the beginning
                                    

"Eh naanakan ka?"

Hindi ko na nasagot si lady guard kasi tumatawag na ang kapatid ko. Kailangan na nga pala ni baby yung mga diapers.

Dali-dali akong tumakbo papunta ng bahay namin at sinalubong ang nagmumura kong kapatid. Ibinato ko na lang sa kanya ang mga pinamili ko at dumiretso sa crib ni baby Alec.

Habang nilalaro ko si baby ay dumaan sa isip ko ang sinabi kanina ni lady guard.

Nong high school, normal lang naman na magkaroon ng crush ang babaeng kagaya ko pero ako yung tipong nakabukod ata sa aming henerasyon kasi wala akong magustuhan ni isa. Nung mag-third year kami ay nag-transfer sa school namin yung dati namin na kalaro nung mga bata pa kami. Kababalik lang nila galing Maynila.

Nakilala naman nya agad ako pero hindi kami masyadong naging close.

Acquaintances lang kami kumbaga.

Pero ang malala, sya ang naging unang crush ko. At friendzone nya lang ako. Hindi pala. Kababata-zoned lang pala.

It hurts. 😩

Pero okay lang. Andyan naman si lady guard para pakinggan ang mga hinaing ko.

Pagkatungtong ko ng kolehiyo ay hindi ko akalaing magkaparehas pa kami ng university na pinasukan.

Magkaiba nga ang course namin, parehas naman kami ng department. Saklap no?

Naging suki sya ng mga pageant at sports fest dahil bukod sa saksakan sya ng gwapo ay saksakan din ng galing sa volleyball at basketball. Ewan ko ba. Mukha naman syang katutubo nung maliliit pa lang kami pero hindi ko alam kung bakit nag-evolve sya ng ganito.

Yung mismong graduation na ang huli naming pagkikita and after that wala na akong balita sa kanya.

Nasa terrace kami ngayon ni baby Alec kasi sobrang init sa loob ng bahay. Summer na kasi. Nilalaro-laro ko sya at mas nakakatuwa kasi lagi syang natawa kahit simangutan ko sya. Ang cute lang. Mana sa akin.

"Hello Baby~miss mo na agad ako ha? Sinong pogi ha, sinong pogi? Ngiti muna ang pogi dali~!" Alo ko sa napaka-cute naming baby. Nakakatuwa talaga.

Binuhat ko si Baby Alec na ngayon ay 4 months na. Matagal na rin pala. Ang bigat bigat na rin nya.

Habang nilalaro ko si baby ay natanaw ko sa harap ng gate namin si Howard.

Wait? Totoo bang si Howard yun?

Kinusot ko ang aking mga mata pero nang muli kong tingnan ay wala na sya sa harap ng gate.

Hala. Namamalik-mata ako sa kanya! Naka-move on na ako ah? Σ(゜ロ゜;)

Oh well.

Pero parang nakita ko nga sya? It seems so real. Naks.

Hinarap ko sa akin ang aking cute na pamangkin. "Bebyy, tita is so pretty naman di ba? Why tita's crush doesn't like her back?"

Hinampas lang ako ni baby Alec sa mukha at tinawanan lang ako. Mukha lang talaga ang minana sa akin. Magkasing ugali sila ng kanyang ina. Super.


***

Pinabili uli ako ni ate ng gatas ni baby dahil sobrang takaw na ng aking pamangkin. Kaya sya nabigat eh sobrang takaw.

Nilalaro-laro ko yung laylayan ng damit ko habang naglalakad pauwi. Madadaanan ko na naman ang school, buti na lang wala si lady guard. Naka-leave raw.

Akala Ko Kasi... (one shot)Where stories live. Discover now