Akala Ko Kasi... (one shot)

17 0 0
                                    

Bakasyon ngayon sa pinagta-trabahuhan kong kompanya. Umuwi muna ako sa aming probinsya para makalayo sa ma-polusyong paligid ng syudad. Halos tatlong taon na rin akong namamasukan doon.

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad pabalik sa aming bahay. Yung bahay kasi namin ay isang kanto pa matapos madaanan ang school na pinapasukan ko dati.

Nang matapat ako sa school ko nung high school ay biglang sumagi sa isip ko ang dati kong mga kaklase. Nagkahiwa-hiwalay na nga kaming lahat at nagkaroon ng iba't ibang daan sa buhay. Ni hindi ko na nga alam kung nasaan na yung iba kong mga kabarkada. Grumaduate lang ng college di na nagparamdam after. Yung iba nabalitaan ko na lang na hanggang high school lang kasi maagang nag pamilya.

You know. Teenage hormones.

Buti na lang mabait ako. 😁

Pinuntahan ko si lady guard na lagi kong kachikahan nong high school pa ako. Sya yung babaeng guard namin na sobrang laki ng katawan parang dating UFC wrestler. Pero mabait naman sya.

"Lady guard! Long time no see ah!" Masayang bati ko kay lady guard habang kumakaway.

"Aba nga naman! Kamusta ka na iha? Tagal mo na akong hindi dinadalaw ah." May halong tampo sa boses nya. Tumawa lang ako at inakbayan sya.

"Naging busy lang ate. Alam mo na, para maginhawa ang buhay. Hahaha!"

"Sa bagay. Sya, ikaw ba'y may nobyo na? Diba dati lagi mong kinekwento sakin si Howard? Ano na?"

Nabigla naman ako sa nabanggit ni lady guard. Tumawa na lang ako sa sinabi nya. Yung awkward na tawa.

Yung he-he.

Kinuha ko agad yung maruya sa bag ko at inabot ko kay ate.

"Ate oh, paborito mong maruya. Lakas nyo makaungkat ng past. Over na po ako kay Howard, and no jowa pa rin po ang beauty ko."

Napakamot na lang si ate ng kanyang ulo.

"Sayang naman ang ganda mo neng tapos wala ka pa ring nobyo? Tsk tsk. Ay! May naalala nga pala ako. Dumaan rin pala dito kanina si Howard may dala ring maruya. Uyyy destiny kayo ineng. Hahaha!"

"Paano ba naman lahat kami hinihingan nyo ng maruya dati. Nasanay lang kami. Kayo talaga. O sya, alis na po ako at nag-iintay na sa akin ang baby ko." Paalam ko sa kanya. Bigla namang rumehistro sa mukha ni lady guard ang pagkagulat dun sa sinabi ko.

"May asawa ka na?!"

"Wala ho!"

Akala Ko Kasi... (one shot)Where stories live. Discover now